“MA’AM, SAAN PO tayo?” Hilam ang mga luha ko nang tumingin kay Manong Driver. Parang gusto kong sabihin, ihatid mo sa lugar kung saan tahimik ata walang makakapanakit sa akin. Humihikbing kinuha ko ang ID ko sa at inabot iyon sa kan’ya. Ayokong magsalita dahil baka hindi niya maintindihan. Sobrang sakit ng nararamdamn ko ngayon. Pinagkaisahan nila akong lahat! Sinaktan nila ako! Ang hindi ko alam, bakit kailangan nila akong iligmok, eh, dati na akong nasa baba? Wala akong kinukuhang yaman sa kanila. Ni bente singkong duling sa bahay na nakikita ko, hindi ko pinagkakainteresan dahil hindi ako interesado sa pera nila. Saan ba nagsisimula? ‘Di ba sa maliit na bagay? Pero ang pinakamasakit kasi, pinaasa at pinaglaruan ako ni Thor! At pinaabot pa niya ng dalawang taon para lang maisagawa a