Chapter 14: Reality

2547 Words

NAGING TAHIMIK NAMAN ang relasyon namin ni Thor nang sundin ko siya. Masa lalong umikli ang oras ko sa school, kasi deretso uwi na ako kagaad. Tinatawagan ko na siya o kaya ang driver namin. Sinasabi naman niya kung kailan niya ako masusundo at hindi. Kakarating ko lang sa bahay nang makisuyo sa akin si Yaya, na kunin ang ilang labahin ni Thor sa silid nito. Hindi pa ako nakakapagbihis nang pumunta ako sa silid ng aking nobyo. Talagang nilapag ko lang ang aking gamit. Lagi talaga akong excited na pagsilbihan siya. Bitbit ko ang susi ng silid ni Thor, na pinahiram sa akin ni Yaya nang igiya ko ang sarili ko papunta sa silid niya. Sa totoo lang, ilang beses pa lang akong nakapasok sa silid niya simula nang tumira ako dito. At kahit kami na, hindi ako basta-basta pumapasok sa silid niya,.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD