Kapwa sila humihingal ng kusa ng bumitiw si Jayson sa paghalik sa labi ni Leslie. Pero masuyong hinalikan pa rin siya nito sa noo, tsaka wala lang ito sinabi pero nananatiling nakatingin sa kanyang mga mata habang nakangiti. "Bakit? M-May dumi ba ako sa mukha?" nag-aalangang tanong niya. "Wala love, gusto lang kitang pagmasdan. Gusto ko lang titigan ang maganda mong mukha, gusto ko na iyang mukha na iyan ang masilayan ko sa tuwing gigising ako sa umaga. Pwede bang tulungan mo akong matupad iyon?" nakangiti nitong wika, pero may lungkot pa rin siyang nababanaag sa mga mata nito. Parang piniga ang kanyang puso, gusto niyang ipagkaloob dito ang nais nito. Gusto niyang makasama din ito sa iisang bubong, iyon bang ito ang kauna-unahang mabubungaran niya sa pagmulat ng kanyang mata sa umag