Ilang araw pa ang inilagi ni Jayson sa ospital, ang Mama nito ang nagbantay samantalang siya ay namalagi sa kanilang bahay. Kahit ayaw niya sana na ewan si Jayson sa ospital ngunit hindi talaga niya kayang mamalagi doon lalo pa at sa gabi inaatake siya ng matindi. Pero palagi naman silang nagtatawagan ni Jayson. Pero pinapakita naman niya dito na malakas siya, na kaya niya, na okey lang siya. Pero ang totoo sa bawat araw na lumilipas pakiramdam niya ay unti-unti siyang nauupos. Kahit pamilya niya ay nag-aalala na sa kanya pero syempre sinasabi lang niya na okey siya at pinipilit niyang umakteng sa harap ng mga ito na okey lang siya. Araw ng paglabas ni Jayson. Pinilit niyang makapunta sa ospital kahit masama pa rin ang pakiramdam niya. "Love, bakit nagpunta kapa dito. Ako nalang