Agad na binukasan ni Leslie ang pinto ng taxi wala na siyang pakialam kahit pa umaandar pa iyon, mabuti nalang naitigil agad ng taxi bago siya makababa. "Jayson! Jayson! Mahal ko!" sigaw niya habang tumatakbo. May ilan ng tumulong kay Jayson pero hindi siya ginagalaw sa pagkakahandusay. Mabilis siyang lumuhod, hindi niya malaman kung papano hahawakan ang kasintahan. May dugong umaagos mula sa ulo nito, ngunit nananatili itong gising. Iyak siya ng iyak habang nakatingin dito, hinawakan niya ang ulo nito na may sugat para matigil ang pagdurugo niyon pero patuloy pa rin sa pagbulwak. Pakiramdam naman ni Jayson mawawalan na sya ng ulirat dahil sa sobrang sakit ng kanyang katawan. Maging ulo niya ay ramdam niya ang pagbulwak ng dugo pero pinilit niyang mantiling gising dahil sa pag-aalala