"Pasaway ka talaga Love, dapat tinawagan mo ako kung may gusto ka sanang ipabili?" kinapa niya ang noo nito, inaapoy pa rin ito ng lagnat. "Tingnan mo inaapoy ka pa ng lagnat pero lumabas ka pa rin ng bahay. Samahan na kaya kita sa Doctor love, nag-aalala na talaga ko sayo ei," inakbayan niya si Leslie at nagtungo na sila sa loob ng bahay. Pinahiga niya ito sa sofa at nagtungo siya sa kusina kumuha ng tubig pati gamot tsaka bumalik sa sala. "Love, inom ka muna ng gamot para mawala na iyang lagnat mo. Bakit kasi lumabas ka pa, papano nalang kung ano nangyari sa'yo sa labas?" nag-aalalang sabi niya dito. Ngumiti ito ngunit napansin niyang hindi umaabot sa tenga ang ngiti nito, parang napipilitan lang ito na ipakita sa kanya na okey lang ito. Halata rin sa mukha nito ang dinadamdam niton