Nasunod nga ang nais ni Jayson, matapos lamang ang isang linggo ay heto na, sa isang araw ay ang mismong araw ng kasal nila. Napag-usapan na sa Boracay ang kanilang honeymoon. Pero hindi pumayag si Leslie, mas nais nito na sa bahay nalang nila gawin dahil na rin sa kalagayan nito. Sa bahay na sadyang ipinagawa ni Jayson ang sinasabi ni Leslie, hindi rin ito pumayag na magtungo sila doon. Gusto nito pagkatapos ng kasal saka sila doon tumira pero dahil nga hindi ito pwedeng mag-isa, lalo pa kung nasa bakery sya, balak nilang manatili lang ng dalawang linggo sa kanilang bahay at kahit wala naman talaga mangyayaring honeymoon gusto lang nilang maranasang mapag-isa at umastang normal na mag-asawa sa loob ng dalawang linggo. Matapos ang dalawang linggo ay sa bahay ng mga ito nalang sila titira.