Ngumisi ang matanda, tsaka tumingin sa kanya. "Hindi mo ba napansin na may pagkakahawig kami ni Leslie?" tila nakakalokong tanong nito. Kunot noong napatitig siya dito, may katandaan na ito pero malaki nga ang pagkakahawig dito ni Leslie. Lalo na sa mata nito, parang mata ni Leslie. "Anak namin sya ng kanyang Inay, siya ang bunga ng aming pagmamahalan," tila baliw na wika nito at animo nangangarap pang napatitig sa kawalan. Di niya napigilan ang sarili, napaduwal siya parang hindi niya kayang sikmurain ang nalaman. Totoo nga kaya ang mga pinagsasasabi nito tungkol sa Inay ni Leslie? Nagkarelasyon nga ba ito sa Ama? Alam kaya ni Leslie ang lahat tungkol sa pagkatao nito? Ilang mga katanungang naglulumikot sa kanyang isipan. "Kapag nakalabas ako dito, iuuwi ko na si Leslie sa amin.