Mga bandang ala una na nang huminto ang limousine sa harap ng isang malaking mansion na may tatlong palapag. Moderno ang parang naka-box na disenyo nito na may pool sa gitna at hagdan naman sa pinakadulo nito. Pumormang Y ang hagdan para sa kaliwa at kanang wing ng mansion. Gawa sa kongkreto ang dingding at parisukat na haligi at salaming tinted naman ang mga bintana at ilang bahagi ng dingding sa pangalawa at pangatlong palapag. Kulay-bughaw ang pintura ng bahay samantalang napakaberde naman ng malawak na lawn. Pansin niya ang mga kahoy na nakapalibot sa buong property na may mataas na pader ding nakapalibot. Hindi lumagpas sa mga mata niya ang CCTVs doon. Sa kaliwang bahagi ng mansion ay nakita niya agad ang isang orchidarium dahil pinalibutan ng naka-dome na salamin. May iba’t ibang

