“Miss Tomimbang? Please come with us,” sabi ng isang lalaki sa wikang Espanyol na sumalubong agad sa kanya pagkalabas ng arrival hall ng Madrid-Barajas Adolfo Suárez Airport. May kasama itong dalawang naka-three-piece suit na lalaki. Puro itim ang suot ng mga ito maliban sa suot na undershirt na puti. Nasa thirties ang mga ito at matatangkad. In fairness, mababango ang mga ito. “And why would I do that? I don’t even know you,” sagot niyang hinila ang may gulong na hand luggage nang hinarangan siya ng dalawang lalaki. Tiningnan niya ang lalaking nagsalita na hindi gumalaw sa kinatatayuan nito. Naglikot din ang kanyang mga mata, namataan ang tila pahigang naka-Y na mga haliging may dilaw na kulay sa itaas at puti sa baba. Siguro naman ay hindi siya kikidnapin ng mga ito sa daming mga tao,

