"Macky, ito pala ang model natin." ngumisi si Tiffany. Nandito rin ang kanilang mga kaibigan kaya medyo nahihiya ako. Ngumuso iyong si Macky at ayon sa galaw nito ay alam ko agad na katulad siya ni sir Greg, bakla rin siya. "Ang ganda ng napili mo. Sure kaba na dito mo lang napulot itong babaeng ito? Latina ang datingan." Humagikhik si Tiffany. "I told you Mac, the best ako pumili sa mga ginagawa kong model ng products ko." "Hi Meseeyah, My friend Tiffany already mentioned about you. And she's not wrong! You are indeed, beautiful." puri nito sakin na ikinamula ko naman. "Long time no see, Meseeyah." si Roman naman at binigyan ako ng baso ng juice. "S-Salamat po!" tinanggap ko naman iyon. Hinila ako ni Tiffany papuntang loob. Kung hindi ako nagkakamali ay ito nga ang yate noon na

