Tila isang lawin ang aking titig sa aking mga magulang sa aking harapan. Two days ago na 'yung nangyari. Parang wala nalang yata iyon lalo na't nakikita kong masaya na naman si mommy ngayon.
Himala hindi na sila nag abroad ngayon. Hindi ko narin sinasagot ang mga tawag ni William sakin.
"Mom, dad , I have to go," I kissed mom's cheeks at hindi na tinapunan ng tingin si daddy. Isipin ko palang kung paano nila ginagawa ng babae niya ang kasing edad ko ngayon na anak niya sa labas,kumukulo na ang aking dugo.
Hindi siya makuntento sa isa. Sabay sabay pa talaga. I want my throne alone. Ayoko ng may kahati.
Kung kaya ko na ang sarili ko ngayon hindi ako magdadalawang isip na umalis dito. Si mommy nalang talaga ang iniisip ko.
Papasok ako sa school ang dami nang issue akong naririnig. May bagong transferee raw. Inayos ko ng mabuti ang aking buhok at inirapan ang mga umiirap sakin.
Liliko na sana ako sa pasilyo ng aming room ng may nakabangga ako. Nahulog ang aking shoulder bag!
"Sorry!" sabay pa kami nang sabihin iyon. Isang nerd ang nakabangga sa akin. Kinuha ko agad ang aking shoulder na inabot niya.
"Thanks!" tumalikod ako pero sinabayan niya ako sa paglakad.
Napahinto ako dahil doon. "Anything?"
Umiling siya. Tila galak na galak na makita ako. Seriously?
"W-Wala. A-Ang ganda mo lang."
I smiled. "Of course." at naglakad ulit. Hinayaan ko nalang siyang buntot ng buntot sa akin dahil maganda raw ako,which is totoo naman.
"U-Uh, anong pangalan mo?" ang kulit ng babaeng ito.
"Darlecia. You?"
"Carla," uhm. Magkatunog kami ng name ah.
Huminto ako ulit. "Nice name. Now, would you please go away?" sinabi ko iyon dahil iyon ang gusto ko. Ayokong insultuhin siya. Gusto ko lang maging prangka.
Tila na offend siya sa sinabi ko.
"A-Ah! Sige!" ngumiti siya sa akin. She's white as me. Magkasing tangkad rin kami. Something's different.
Bumuga ako ng hangin. Hindi talaga ako sanay na may gustong maging kaibigan ako. Una,iba ang nakagawian ko kumpara sa kanila. Masyado akong straight forward but hindi ako maldita. Syempre, kung sasaktan mo'ko, gaganti ako.
After a boring two subjects nag bell na for lunch. Nasuspend nga si Rolly at Annabelle. Hindi naman talaga dapat iyon ginawa dito. They should get a room hindi dito.
Nakagawian ko na talagang kumain sa favorite restaurant ko. Tuwing lunch doon agad ang aking tungo. Sasakay na sana ako sa aming sasakyan ng may mataan ako hindi kalayuan. Konti lang ang lumabas kasi kadalasan ang iba ay sa cafeteria na kumakain. Kaya hindi talaga nalingat sakin ang mga nakita ko.
Bakit?
Si Carla ay hinalikan ni daddy sa ulo bago ito umalis. Ang kotse namin ay sobrang pamilyar sa akin. Sa bugso ng emosyon ko at gulat ay pumasok nalang ako sa kotse namin. Tiningnan ko si Carla na pumasok sa school ulit hawak ang binigay ni daddy na pagkain.
Bakit ganon? Hindi ko naranasan na gawin iyon ni daddy sakin. Yung mga nakita ko ay sagot na mismo sa aking mga tanong. Hindi ko na kailangan pang magtanong kay mommy kung sino ang anak ni daddy sa labas.
Bakit ang unfair? Nasa akin na ang lahat lahat pero bakit may kulang?
Nanginginig akong pinunasan ang aking luha. Don't cry Darla. Those people don't deserve a single tear from you, remember that.
Nang bumalik ako sa school para sa pang hapong subject ay wala nang bakas ng aking pagluha. Tutok na tutok ako sa aking pag aaral. At sana lang, hindi ko na makita pa dito 'yung anak ni daddy sa labas kasi baka ano lang ang magawa ko.
Nang uwian na alas tres ng hapon hindi rin ako nagkamali. Naisip ko na ito kanina pero hindi ko akalaing mangyayari nga.
Nakita ko na naman si Carla at daddy sa labasan ng school. Imbes na pumasok ako sa aming sasakyan ay tinungo ko nalang kung saan sila daddy nag uusap.
Ang kakapal ng mukha. Hindi ba nila alam na pwede ko silang makita dito?
"What are you doing here daddy?" pinagdiinan ko ang huling salita. Lumayo ng kaunti si Carla kay daddy at umiwas. Daddy cleared his throat.
"D-Darla,your sister Carla."
"Alam ko."
Tila nagulat silang dalawa. Ngumiti ako sa kanila. "But that, not in this place. Like pareho sa mga mamahaling lugar man lang tulad nang mga napuntahan ko. Not this cheap. Baka akalain pa nila babae mo'to kasi may history ka nang-"
"Jesus! Darla-"
"Oh excuse me." I shut him off. "I think my mother needs me now."
Hindi na ako lumingon pa ng umalis ako doon. Ayoko. Baka pag lumingon ako ay makita nila ang luha sa aking mga mata.
Malakas kong sinarado ang pintuan ng sasakyan namin.
"Manong! S-Sa Tagaytay po tayo." sabay punas ko sa luha.
"Sige ma'am!"
Hindi ko alam kung saan ako pupunta doon. I know some places there na nakakarelax. Gusto ko ang ambiance ng Tagaytay.
Inabala ko ang sarili sa mga tanawin na nakikita ko. Gusto nang pumikit ng aking mga mata nang biglang mag ring ang aking cellphone.
"Darla..where are you? Nandito ang daddy mo," mahina ang boses ni mommy.
"Dinala niya ang anak niya sa labas mommy?" pumiyok ang aking boses.
"Y-Yes." mommy answered.
"Wow," inirap ko ang luha na nagbabadya saking mga mata. "Ang kapal."
"Meron tayong family dinner," mom added.
"With the b***h?" Tinutukoy ko ang babae ni daddy. The hell?!
"I-I don't know hija," mommy sigh.
"Ayoko munang umuwi mom."
"Saan ka ba?"
"Basta. Bye,I love you."
Pinatay ko ang tawag. Baka ipatrace na naman ni mommy ang location ko at malalaman niyang nasa Tagaytay naman ako.
Pinatigil ko ang aming sasakyan sa Baywalk Cuisines. Maganda ang restaurant na ito kasi malapit sa dagat kung nasaan ang Taal Volcano. Nag order ko ng konting pagkain at nanilaynilay sa kagandahan ng lugar.
Sakto ring umingay ang aking cellphone sa isa na namang tawag. Umirap ako at sinagot iyon.
"What? Break na tayo di'ba?"
"Hmm. You're alone and crying," damn his husky voice.
Agad kong pinunasan ang luha at napalinga linga. What?! Bakit niya alam!?
"Tagaytay huh?"
"Stupid! Asan ka?!"
He laughed, "Relax. I'm enjoying my view here. So, my baby Darla is really pretty. Brunette,huh?"
Halos ihagis ko ang cellphone ko at tumayo.
"Where are you? Please." I used my sweetest voice.
"Hm, baka pwede ko nang makuha ang sinabi mong halik mula sayo?"
"Saan ka nga?" patuloy parin ako sa paglinga linga. Hanggang nasa dulo na ako ng mala garden na likuran ng restaurant nang makabangga ako sa isang matigas na dibdib.
"I'm here," natuod ako sa boses na pamilyar sakin. Ang init nang hawak ng kanyang kamay sa aking braso ay nangurente sa aking buong himaymay.
"William," lumamlam ang aking tingin sa kanyang dibdib. Parang ayoko pang makita ang kanyang mukha. Natatakot akong mahulog.
"Cry now,baby," hinaplos niya ang aking buhok. "Cry in my arms now."