Chapter 3

1909 Words
"Nakakainis siya! Ugh! Kainis!" Halos mapudpod na ang kamoteng hinuhugasan ni Fara sa sobrang diin ng pagkakakuskos niya rito. "Uy, Fara, baka naman wala na tayong makain diyan sa ginagawa mo te," sabat pa ng kasama niyang si Nora. Nagtawanan ang iba pa nilang mga kasama. Agad niyang sinamaan ng tingin ang mga ito. Tinigil niya ang paghuhugas ng kamote at hinarap ang mga ito. "Wag kang ano, Nora, naiinis ako!" balik niya rito. Agad namang natahimik si Nora. Narinig niya ang paghagikhik ng iilang babaeng kasama. Nang tingnan niya ang mga iyon ay kitang kita niya ang pagtinginan ng mga ito sa kanya. Ramdam na ramdam niya ang pagtaas baba ng kanyang dibdib habang matalim na nakatitig sa lalaking nakikipagtawanan sa ibang mga magsasaka. Napairap ulit siya. 'Kala mo naman talaga! Ugh! Kainis!' "Hoy, Fara, grabe ka naman. Bakit ang imbyerna mo kay Landy?" "Oo nga, nakita ko pa kayo kanina sa may Sandayong, a." Marahas niyang nilingon ang mga babae. Pinaningkitan niya ng mga mata yung huling nagsalita. "Wag kang ano, Jena! Kaya nga ako naiinis sa lalaking yan! Ang hambog! Kala mo kung sinong bagong salta. Hmp!" Narinig niyang tumawa ang iba niyang mga kasama. Napairap siya. 'Palibhasa para silang mga timang sa lalaking iyan. Kala mo naman talaga, e ang gwapo! Bwisit na ‘yan!’ Halos mapudpod na ang ngipin niya sa panggigigil. Pag naiisip niya kasi ang nangyari kanina mas tumataas ang presyon niya! Ang pinakaayaw pa naman niya sa lahat ay yung mga hambog na katulad ng Landy na yun. “O, Fara, bakit ganyan ang mukha mo? Para ka namang galit na galit sa mundo.” Bahagya siyang napalingon sa nagsalita. Nakita niya ang kasa-kasama nilang si Aling Nena, ina ni Jena. May dala itong bilao ng kamoteng-kahoy. Umupo ito sa kanyang tabi at naghugas na rin ng mga kamoteng-kahoy. Umismid si Fara. “May nakita lang po akong bwisit,” aniya at bumalik ulit sa paghuhugas. Napairap na lang siya nang marinig niyang magtawanan ang mga kasamahan nila. Nilingon niya ang mga ito at agad na sinamaan ng tingin. “Hay nako, nay, iyang si Fara bitter sa bagong trabahante. Yung gwapo? Yung si Landy. Yiee binasted ka ba, Fara, kaya ka ganyan?” Nagtawanan na naman ang mga kasamahan niya. Mabilis niyang nilingon ang mga ito at sinamaan ng tingin. “Excuse me?! Kung kayo humaling na humaling sa isang iyon, ako hindi no! At hinding hindi ako mahuhumaling doon sa hambog na yun!” Inis na tinapos niya ang paghuhugas ng kamote at nilagay na yun sa dalang tupperware. Tumayo siya at iniwan ang mga kasama niya roong nagtatawanan. Napapadyak siya sa inis habang papunta siya sa kubong pinagpapahingahan ng mga magsasaka. Naabutan niya ang tatay niya roon kasama ang mga iba pang magsasaka. “O, Fara, nandito ka na pala. Hinihintay ka na ng nanay mo. Puntahan mo na at nang maluto na iyang kamote,” anito sa kanya at tinuro ang ina niyang nasa may gilid ng kubo at naghahanda ng kaldero at lutuan. Kasama rin nito ang ibang mga asawa ng mga magsasaka. Mukhang iniwan na nito sina Bel at ang bunso nila sa bayan. Kadalasan kasi pag wala naman ng masyadong tao o kung ubos na ang paninda nila ay bumabalik na ito rito sa bukid para naman makatulong. “Nay, ito na po yung mga kamote,” aniya at inilapag iyon sa isang kahoy na upuan. “O, dito na muna iyan. Pakitulungan muna kami anak.” Tumango lang siya rito at saka inayos yung mga kahoy na panggatong. Tahimik na inaayos niya iyon habang nag-uusap usap ang mga kasama ng nanay niya. Wala naman talaga siyang pakialam sa mga usapan ng mga ito kasi tungkol lang naman yun kung sino ang mga nabuntis sa mga kasama nila o di kaya ay kung sino ang nakahanap ng mga ka-penpal at magiging US citizen na raw. Kaya lang may nabanggit ang mga ito na nakapagpanting ng mga tenga niya. “Ay nako, iyong dinala ni Senyorito Drago na bagong salta? Ay sus! Ang gwapo!” “Oo nga, mare! Parang hindi naman mahirap. At parang hindi sanay sa mabibigat na trabaho!” “Ay yun na nga, Mareng Perla, ang kinis kinis pa nga tapos sabi ng asawa ko kanina yung kamay raw parang wala namang trinabaho talaga.” “Sinabi mo pa! Tsaka parang mas magka-awra sila ni Senyorito Drago no! Parang taga- Maynila, e. Naaalala ko si Sir Gideon sa kanya.” Sandali siyang tumigil sa ginagawa at sinulyapan ang mga kasama niya. Pokus na pokus ang mga ito sa pinag-uusapan at sa bagong salta na si Landy. Napasimangot tuloy siya. ‘Tss. Pati ba naman mga matatanda, siya yung usapan? Yung hambog na yun? Kala mo kung sino! Kung hindi lang naman siya dinala ni Senyorito rito edi wala siya rito! Kainis. Tsk.’ Padabog na isinalaksak niya ang mga panggatong dahil sa inis. “Oh, anong nangyari sa’yo, anak?” takang tanong pa ng nanay niya nang mapansin ang pagdadadbog niya. Ngumuso lang siya at umiling. “Wala, nay,” sabi niya na lang at pinagpatuloy na lang ang ginagawa. Nagpresinta na rin siyang siya na lang ang kukuha ng tubig na para sa pagpapakulo ng kamote. Nakayuko siya habang dala-dala ang malaking kaldero pabalik sa Sandayong. Nagtatawanan ang mga babaeng kasama niya roon na mukhang wala na yatang balak na tumayo pa. Naramdaman niya pa ang mga tinginan nito sa kanya habang nag-iigib siya ng tubig sa kaldero. Napapangiwi na lang siya pag naririnig niyang naghahagikhikan ang mga ito. “Ayan na siya. Te! Ang gwapo niya naman talaga! Okay lang na hindi magka-shota ng Legaspi. Okay na ako kay Landy!” Napairap si Fara at tila kinalabutan ang kanyang buong pagkatao sa narinig. ‘Tss. Talaga ba? Ugh. Kadiri ha!’ “Wag ka rin namang magpa-as if na papatulan ka ng isang Legaspi te! Ang gaganda ng mga shota ng mga yun no!” Rinig niya pang komento ng isa nilang kasama. Napailing na lang siya at itinuon na ang pansin sa kanyang iniigib. Hindi niya ma-gets kung bakit palagi na lang mga lalaki ang bukambibig ng mga kasama niya. Kasi naman parang kada-araw na lang ay yun ang usapan ng mga ito. Umirap lang ulit siya. “Shet! Sis, papunta siya rito!” impit na sigaw ng isa niyang kasama. Kumunot ang kanyang noo at bahagyang tiningnan ang mga ito. Naghahagikhikan ang mga ito at parang may hinihintay na dumating. Nang balingan niya naman ng tingin ang tinitingnan ng mga ito ay bahagyang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino iyon. Agad na umusbong ang inis sa kanyang katawan at halos maramdaman niya ang pagtaas ng kanyang dugo nang makilala ang sinisigawan at hinihiyawan ng mga babae. Napasinghap siya sa inis. Binalingan niya ang kanyang iniigib at tinanggal na iyon. Bago pa man tuluyang makalapit si Landy ay nag-martsa na siya paalis doon at bumalik na sa kubo. Halos magkatapon tapon na nga ang tubig sa kaldero dahil sa bilis ng paglalakad niya. Padabog pa niyang ibinaba ang kaldero. “Ano ba naman yan, Fara?” sita ng nanay niya. Napasimangot lang siya. “Sorry po, nay.” At umupo na siya sa kahoy na upuan sa gilid. Nag-dekwatro siya ng upo roon at nakatitig lang sa nilalaga nilang kamote. Nagsialisan kasi ang mga kasama niya kanina at nagpuntahan sa may kubo. Nakita niya pang nagkumpulan ang mga tao sa harapan ng kubo na para bang may artistang dumating. Mas lalo lang siyang sumimangot. Alam at kilala niya naman kasi kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga kasama niya. Naikuyom niya na lang ang kanyang mga kamay. Ewan ba niya at talagang kumukulo ang kanyang dugo pag nakikita niya ang lalaking iyon dahil bumabalik sa kanya ang pagiging hambog nito. “Ugh. Kainis!” Sinipa niya ang maliit na bato sa kanyang paanan. Napaismid siya. Ang iingay ng mga kasama niya. “Gusto mo bang makihalubilo roon? Punta ka na muna roon,” sabi pa ng nanay niya habang inaayos ang panggatong ng nilaga. Ngumiwi lang siya. “Wag na, nay. Okay na ako rito. Baka mas mainis lang ako roon,” sabi niya pa na agad kinunutan ng noo ng ina niya. Hindi na rin naman ito nagsalita. Umiwas na lang siya ng tingin. Kumuha siya ng isang mataas na kahoy at iyon ang pinantusok tusok niya sa lupa. Mas gugustuhin niya pang magbantay na lang ng nilaga kaysa makipaghalubilo sa mayabang na iyon no. *** “O, ito na ang meryenda!” masayang sabi ng ina ni Fara habang dala dala nila ang mga nilagang kamote sa kubo. Tag-iisang malaking tupperware sila ng kanyang ina. Nakaupo sa mga kawayang upuan ang mga kasamahan nila at may iba ring nasa loob ng kubo at nakahiga na. Iginala niya pa ang tingin niya at nagpasalamat na lang siya na wala roon ang kinaiinisan niyang nilalang dahil kung nagkataon ay nako baka kung anong magawa niya. Iniusog ng mga kasama nila ang isang maliit na lamesa papunta sa gitna. Inilagay na rin nila ang mga dalang tupperware doon at nagsiupo na. “O, kuha lang kayo ha. Nasaan na ang iba? Meryenda muna tayo,” ani ng ina ni Fara sa mga kasamahan nila na agad namang tumalima at nagsikuha ng mga kamote. Kumuha na rin ng isa si Fara at umupo sa may sulok. Lumayo talaga siya sa kumpol kasi masikip na roon. Ayaw niya rin kasing makisali sa pag-uusap at baka naman bukambibig na naman ng mga ito iyong bwisit na nilalang. Prenteng nakadekwatro siya ng upo sa kawayang inuupuan habang nilalantakan ang kanyang kamote nang biglang marinig niyang maghiyawan ang mga kababaihan sa kumpol. Agad siyang ngumiwi at napatingin sa gawing tinitingnan ng mga ito. Pati nga ang mga lalaki ay nakisabay na. Napaismid siya sa direksyong tinitingnan ng lahat at ganoon na lang ang inis niya nang makita na naman si Landy na rumarampang parang modelo habang hawak hawak ang tali ng kalabaw. Napasinghap siya sa inis at naikuyom ang kanyang mga kamay. Naka-topless kasi ito at kahit punong puno ng putik ang katawan ay bakat na bakat pa rin ang mga pandesal sa tiyan nito. Seryoso pa nitong hinahawi ang buhok. Para talagang rumarampa sa isang bench fashion show na ang tema ay pag-aaararo. Mas lalong umapaw ang inis sa katawan ni Fara lalo na nang marinig niya ang mga kababaihang matitinis na sumisigaw. “Aba, ang galing mo naman palang mag-araro, Landy. Akala namin ay hindi ka marunong, e. Akala namin hindi ka sanay sa trabaho.” Narinig niya pang sabi ng isang kasama nilang magsasaka. Si Mang Henry na kapit-bahay at kaibigan ng tatay niya. Agad na kumunot ang kanyang noo at tiningnan ang pinanggalingan ng lalaki. ‘Tss. Saan ang magaling diyan?!’ “Nako, yan pa naman ang type ko. Gwapo na, masipag pa,” hirit pa ng isang babae na agad ding nilingon ni Fara. Ngumiwi siya nang maghiyawan na naman ang mga kababaihan. Aba’t kulang na lang ay sambahin ng mga ito ang lalaki. Si Landy naman ay walang ginawa kundi ang magpapogi at may pangiti-ngiti pang nalalaman. Hinayaan pa nitong magprisinta ang kababata niyang si Jena na balatan ito ng kamote. Ang isa pa niyang kaibigang si Rose naman ay nagprisintang magpunas ng putik sa katawan nito! Mas lalong napapadyak sa inis at sa pandidiri si Fara. Paano feel na feel kasi ng lalaki na akala mo naman talaga ay VIP ito kahit na pare-pareho lang naman silang mga trabahante. ‘Akala mo talaga kung sino! Hindi naman siya VIP! Pareho lang kaming nagtatrabaho rito! Bwisit na yan!’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD