Unang tilaok pa lang ng manok ay gising na ang pamilya ni Fara. As usual ay nauna na naman siyang nagising sa kapatid niya. Nasa labas na at nagluluto na ang mga magulang niya kasama ang mga lalaki nilang kapatid at ito siya, ginigising na naman ang kanyang magaling na kapatid na si Bel. “Bel, ano ba! Araw-araw na lang tayong ganto! Halika na nga!” inis na niyugyog niya ito. Umungot lang ang kanyang kapatid at nagkusot-kusot pa ng mga mata. “Ate naman,e,” reklamo pa nito. Agad siyang napairap at marahan itong hinampas. “Tara na! Wag makulit!” Pinanlakihan niya ito ng mga mata at saka hinila na si Bel na wala na rin namang nagawa kundi ang tumayo na. “Ate naman kasi, e. Antok na antok pa ako!” reklamo pa nito. Hindi niya ito pinansin at halos itulak na nga niya ito papunta sa banyo. Si