Kabanata 3

978 Words
HINDI mapakaling nakaupo si Caelian sa mamahaling sofa sa loob ng kaniyang kwarto habang pinagmamasdan ang natutulog na dalaga sa kaniyang kama. Kakaalis lamang ng doktor na nag-check sa dalaga at ngayo’y naiwan na lamang silang dalawa sa silid kaya naman hindi magkandaabot-abot ang kaba nito sa hindi maipaliwanag na rason.   His right foot won’t stop stomping. The sight of Thana lying on his bed quickly stirred up the sleeping beast within him. He felt the stirrings of his carnal desire for Thana. His fingertips couldn’t stop yearning to touch her. Konti na lang at parang sasabog na ang kaniyang dibdib sa sobrang pagpipigil. Subalit kahit na ganoon, wala siyang lakas upang tumayo, wala siyang sapat na tapang upang lapitan ito.   He just remained on his seat, burning with so much desire and passion.   Kung hindi lang nagmulat ng mata si Thana ay hindi na sana mahihinto ang ganoong pagdedeliryo ng kaniyang katawan. The moment Thana opened her eyes, his burning desire strangely simmered down. Napatigil ang hindi mapakali niyang binti, natahimik ang hindi magkandaugaga niyang puso, natulala ang mga mata niyang tila si Thana lamang ang nakikita nang mga sandaling iyon.   “How are you feeling?” Nagawa niyang maisambit.   Thana tilted her head to look at him. Agad na nagmarka ang gulat sa mukha ng dalaga nang makita siya. Kakaibang tuwa ang nangibabaw sa kaniyang sistema. Kahit na masakit ang katawan ay daglian itong napabangon at humarap kay Caelian.   It’s been three months since the last time they met and just like Caelian, Thana couldn’t get him off of her mind too. Sa tatlong buwang iyon, ang pagtanaw sa damuhang una silang nagkita lamang ang nagpapasaya sa dalaga. The thought of Caelian’s face she instilled in her mind is what makes her get up every morning. At ang kaisipang magkikita silang muli ang naglalagay ng ngiti sa kaniyang mukha.   And now, her far fetched dream has been realized. Hindi ito makapaniwalang nakatitig siya sa mga matang ito. Hindi ito makapaniwalang nakatitig sa kaniya ang mga matang ito.   Ibinaba niya ang mga binti upang makatayo ngunit nagulat ito sa ginaw na yumakap sa kaniyang talampakan. Ngayon pa lamang siya nakakita ng ganito katingkad na sahig. Nagtaka siya kung bakit malamig ito. And Caelian couldn’t help but smile at her reaction.   Tumayo si Caelian at kinuha ang ekstrang tsinelas niya sa gilid ng pinto at pagkatapos ay lumuhod sa harapan ni Thana upang isuot ito sa kaniyang mga paa.   Nang tingalain niya ang dalaga ay nakatulala lamang ito sa kaniya. Dahan-dahan ay dinala ng dalaga ang maliliit na daliri papunta sa mukha ni Caelian. Hinawakan ito sa pisngi, feeling the roughness of his stubble on his chin.   Halos mapaso si Caelian sa hawak niya. Halos kabigin niya ito at atakehin ng halik, aangkinin ang mga labi at hahalikan ang bawat parte ng katawan nito, walang ititira, walang palalampasin. Ngunit hindi niya magawa, ang pagtitig sa maninipis na labi lamang nito ang kaniyang nagawa.   “Totoo ka,” mahinang wika ni Thana. Napangiti nito si Caelian.   “What makes you think I’m not?” Nangunot ang noo ni Thana sa sinabi niya.   “Hindi kita maintindihan.”   Napawi ng sinabi niya ang ngiti ni Caelian. Hindi ito nakakaintindi ng Ingles. At galit ang unang rumehistro sa kaniyang isipan, galit para sa mga magulang ni Thana.   “Oo, totoo ako,” nasabi na lamang nito.   Sa gulat niya ay bigla na lamang siyang dinambahan ng yakap ni Thana. Napaupo ito sa sahig dahil sa pagkabigla. And now, Thana is sitting on his lap. Pinag-iinitan na naman ito ng katawan at kahit hindi niya na tingnan sigurado siyang nabuhayan na ang kaniyang p*********i.   Dama nito ang malulusog na dibdib ni Thana sa kaniyang dibdib. Dama niya ang init ng katawan nito, ng hita nitong pinapagitnaan ang kaniya, ng mga braso nitong nakayapos sa kaniyang batok, ng hininga nitong gumagapang sa kaniyang leeg. Lahat ay malinaw sa kaniya.   Subalit pawang ayaw makinig ng katawan niya sa kaniyang isip. Kahit na gaano niya pa kagustong gawin ang mga bagay na sanay na sanay na siyang ginagawa sa bawat babaeng nakakasalamuha niya, hindi niya ito magawa kay Thana.   Nanatili ang kaniyang mga kamay na nakatukod sa sahig. Maghimutok man sa galit ang kaniyang p*********i ay hindi niya ito binigyang pansin.   “Ang akala ko ay hindi na kita makikita ulit.”   Napangiti na naman ito sa narinig.   “Araw-araw akong naghihintay na bumalik ka ulit.”   Caelian suddenly regretted the days he decided not to go there. If he listened to his desires, he would’ve saved her from her abusive parents sooner. Hindi na sana naranasan pa iyon ni Thana, sana mas matagal na silang nagsasama, at sana matagal niya nang nakamit ang kasagutan sa gumugulo sa kaniya. Bakit kay Thana lamang siya nakakapagpigil? Bakit kapag kaharap niya ang dalaga, kakaibang kapayapaan ang lumulukob sa kaniya?   “Salamat at dumating ka. Salamat at nandito ka na.”   Dinig ang sobrang kasiyahan sa boses ni Thana. Caelian couldn’t help but grin wider.   “Bakit gustong-gusto mo akong makita? Bakit mo ako hinintay?”   Bahagyang lumayo ang dalaga upang matingnan siya sa mukha. Mas naging malinaw sa paningin ni Caelian ang kagandahang taglay nito. Halos malula ito sa maliit niyang mukha, sa mabilog nitong mga mata, sa mahahaba niyang pilikmata, sa makitid nitong ilong, at sa maninipis at mapupula nitong mga labi.   “Dahil ikaw lang ang nag-iisang taong hindi ako sinaktan.”   The moment she fired those words at him, Caelian was hit by another thought again. ‘Ah… I mustn’t. touching her is really something I must not do.’   Dahil alam niyang masasaktan niya siya. At natakot siya na sa ganoong dahilan baka hindi na siya gustuhin pa ni Thana.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD