Chapter 31

1276 Words

Chapter 31 Nakababad kaming dalawa ni Dom sa bathtub at nababalutan ng mga bula. Payapa ang buong paligid, komportable akong nakasandal sa dibdib niya habang pinapakiramdaman ang t***k ng kanyang puso. Niyakap niya ako mula sa likod at marahang pinatong ang kanyang baba sa balikat ko. “Con,” tawag niya sa akin. “Hmm?” tugon ko. Hinipan ko muna ang bulang nasa aking palad para paliparin sa hangin bago inangat ang tingin sa kanya. “What’s your favorite color?” mahinahong tanong niya. Bahagya akong natawa at napataas ng isang kilay. “Seryoso ba ‘yan?” tanong ko. Hindi naman sa hindi ko siya siniseryoso, medyo nawirduhan lang ako sa timing at klase ng tanong niya ngayon. Dahan-dahan siyang tumango bilang tugon. Hinintay ko siyang tumawa pero nanatili lang siya sa gano’ng reaksyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD