Chapter 32 “Puwede na bang pang teleserye, hija?” Bahagyang napakunot-noo ako nang marinig ang sinabi niya. Nabalot ng mga tanong ang isip ko at medyo naguluhan. Naka-chin up pa rin siya habang tumitingin-tingin sa buong paligid. Pumunta siya sa couch. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya. Nagpipigil pa rin ako ng hininga dahil sa sobrang kaba. “Huwag kang matakot sa akin, hindi ako nangangain,” sabi niya. Nakahinga ako ng maluwag nang ngitian niya ako. Tiningnan niya ulit ako pero wala na itong bahid ng panghuhusga. Ang aliwalas na rin ng awra niya. “Ay, pasensya na po, Ma’am,” paghingi ko ng tawad at yumuko ulit. “Don’t call me Ma’am, I’m not your Boss. Better if it’s just Grandma or Mommy,” mataray niyang tugon. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya

