Chapter 33 Seryoso ang mukha ni Dom habang nakaupo sa couch na tila may malalim na iniisip. Kanina pa siya tahimik at nakatitig lang sa kawalan. Nagdadalawang-isip siguro siya kung pupunta sa sinasabing family dinner. Hindi ko maiwasang malungkot habang tinitingnan siya. Mas nasanay ako sa madalas na ngiti o ngising nakaguhit sa kanyang labi kaya hindi ako mapakali. Hindi ako komportable, parang nahahawa ako sa nararamdaman niya ngayon. Lumapit ako at pumuwesto sa tapat niya. Umupo ako sa sahig. Bahagya akong tumingala para magtama ang mga mata namin. Nagkaroon ng ngiti sa labi ko nang tumingin rin siya. Hindi ako nabigo sa pagkuha ng kanyang atensyon. Nakangiti niyang hinawakan ang pisngi ko. “You’re really beautiful, Con.” “Ano’ng puwede kong gawin para hindi ka na malungkot?” m

