Chapter 10 Napasapo ako sa noo ko matapos patayin ang tawag. Sa sobrang pagkataranta ay agad ko ring binura ang number niya. “May girlfriend pala siya,” gulat kong sabi sa sarili. Hindi na dapat ako nagtaka pa kung mayroon siyang girlfriend. Sa hitsura pa lang niya at dating, hindi malabong maraming babae ang gugustuhin na angkinin siya. Pero kung harutin niya ako ay parang single na single siya. Ang lakas niya pa akong tanungin kung magkikita pa kami tapos may ganito pala akong malalaman. “Just call me again when you need, huh? Call me mo mukha mo!” sarkastikadong paggaya ko sa kanya. Inis kong pinasok ang phone ko sa bulsa at huminga ng malalim. Kumukulo ang dugo ko. Stress na nga ako at nag-aala sa kalagayan ni Gusta, mukhang maha-high blood pa ako sa nalaman kay Dom. “Pero ka