Chapter 9
“I don’t consider it that way. That’s called the Art of Love.” sagot niya.
Hindi ko alam kung anong ire-react ko habang tiningnan siya. May punto siya sa Art of love pero mukhang ginawa niyang museum ang buong libro.
“Fifteen thousand per chapter.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya.
Umayos siya ng upo. Tinukod niya ang dalawang siko sa mesa at pinagsaklob ang mga kamay. Tumingin siya sa akin ng may ngiti sa kanyang labi.
“Puwede ko pang taasan kung kulang,” saad niya.
“Maraming artist sa Hoshi Animation, bakit hindi mo ‘yan pinagawa sa kanila?” tanong ko.
“Kapag nangyari ‘yon, hindi ko ‘to maio-offer sa ‘yo,” sagot niya.
Binaba ko ang tingin sa libro na nakalagay sa mesa at tumingin ulit sa kanya.
Fifteen thousand per chapter. Inaamin ko, mahirap tanggihan ang offer niya pero hindi biro ang erotic illustrations. Ang ironic lang din na wala pa akong experience sa s*x tapos ganitong trabaho ang ipapagawa niya sa akin.
“If you’re worried because you don’t have a source of experience and inspiration, you can try me. It’s free and you’ll learn a lot more,” wika niya sabay ngiti ng nakakaloko.
Napalunok ako ng laway nang nilapit niya sa akin ang mukha niyang may nakaguhit na mapaglarong ngisi sa labi. “Puwede natin itong gawin ngayon.”
Napalingon kami sa sala nang marinig ang tunog ng phone ko. Agad akong tumayo at mabilis na nagtungo roon.
Muntik pa akong madulas pero nakapagbalanse ako.
Pagkuha ko nito ay bumungad sa screen ang pangalan ni Yohan. Nakita ko rin sa notifications ang maraming missed call at messages galing sa kanilang dalawa ni Gusta simula pa kagabi.
Sinagot ko ang tawag at tinapat sa tainga ko. “Hello, Han.”
Napansin ko ang biglang pagkunot ng noo ni Dom nang bahagyang makalapit. “Hon, huh?”
Binaling ko ang tingin sa ibang direksyon at tinuon ang atensyon sa pakikipag-usap.
“Con, nasaan ka? Okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Yohan mula sa kabilang linya.
“Baby, your bra is still on the floor!” Napatakip ako ng phone at gulat na lumingon sa direksyon ni Dom.
Pinanlakihan ko siya ng mata at sinenyasan na huwag magsalita pero sinagot niya lang ako ng mapang-asar na ngisi.
“Teka, ano ‘yon, Con? Nasaan ka ba? At sino’ng kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Yohan na medyo napalakas na.
“Baby, I enjoyed what we did last night. Let’s do it again,” malakas na sabi ni Dom.
“F*ck!” mura ko.
Napataas siya ng dalawang kamay bilang pagsuko at bahagyang umatras nang nakataas ang dalawang kilay. Lumayo ako para hindi niya na marinig ang usapan namin. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansin na hindi na siya umepal pa.
Tinapat ko ulit ang phone sa tainga ko para makipag-usap kay Yohan.
“Huwag mo pansinin ang mga narinig mo, magpapaliwanag ako kapag nagkita-kita tayo,” saad ko habang nakasapo sa noo.
“Nasaan ka ba talaga, Con? Send mo ang address, susunduin na kita diyan,” malamig at nasa awtoridad na sabi niya.
Napatingin ako sa mga bag na dala ko at huminga ng malalim. Balewala ang pagsundo na gagawin ni Yohan kung wala rin naman akong uuwian.
“Hindi ko alam kung saan na ako uuwi, pinalayas na ako sa apartment,” sagot ko.
“Uy, Yohan! Si Con ba ang kausap mo?” rinig kong boses ni Gusta. “Con, sorry. Hindi ko nasagot ang tawag mo kagabi pero sinabi ko na kay Mama ang nangyari sa ‘yo. Puwede kang tumuloy rito sa bahay kung gusto mo,” sabi niya na puno ng sensiridad. Napangiti ako at nagpigil ng luha na pilit na kumakawala.
“‘Yon pala, sunduin na kita. Baka kung ano pa’ng mangyari sa ‘yo riyan,” rinig kong sabi ni Yohan.
Kahit nagkakandamalas-malas na ang buhay ko, masaya pa rin ako dahil nandito pa rin ang mga kaibigan ko.
“Maraming salamat sa inyo. Sige, magpapaalam na ako,” saad ko.
Pagpatay ko ng tawag ay agad kong pinuntahan si Dom. Nakaramdam ako ng hiya nang makita siyang naghuhugas ng plato. Bukod sa inabala, kinulit noong nalasing ako at sinukahan ay hindi man lang ako tumulong sa kanya rito.
“Tulungan na kita, nasaan ang mga panlinis?” tanong ko sa kanya.
Malinis naman ang buong condo pero gusto kong suklian ng kahit maliit na bagay lang ang mga ginawa niya.
“Hindi na kailangan, kukuha na lang ako ng housekeeper,” sagot niya nang hindi ako nililingon.
“Pero—”
“Private illustrator ang inaalok kong trabaho sa ‘yo, hindi pagiging asawa,” biro niya.
“Gusto kong suklian ang mga ginawa mo kahit sa paraan na ito lang,” sagot ko.
Lumingon siya sa ‘kin habang naghuhugas ng kamay.
“Okay, ikaw ang bahala. Nasa storage room,” wika niya sabay turo ng nguso roon.
Pagkuha ko ng mga ito ay nagsimula na akong maglinis ng buong condo niya. Umabot lang ito ng ilang minuto dahil halos wala naman talagang kalat.
“Ahm, Dom,” tawag ko sa kanya.
Nakaupo siya sa couch habang busy sa pagbabasa ng manga, mukhang hindi lang basta manga kundi adult manga. Nakasuot siya ngayon ng black long sleeves at white shorts. Nakatali pataas ang buhok niya at may suot din siyang reading glass. Ang cute niyang tingnan sa ganyang look, mukhang napakainosente.
“Hmm?” tugon niya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa binabasa.
Sinarado niya ito at inangat ang tingin sa ‘kin.
“Nakapagdesisyon ka na?”
Dahan-dahan akong tumango ako bilang tugon.
“Salamat sa offer mo pero mukhang hindi ko kayang tanggapin. Aalis na rin mamaya, salamat sa pagpapatuloy,” nakangiting sabi ko.
“Saan ka tutuloy?” kunot-noo niyang tanong.
“Sa bahay ng kaibigan ko,” sagot ko.
Ilang segundo niya akong tiningnan at bahagyang napatango.
“Kay Hon,” mahina niyang sabi na may halong lungkot. “By the way, magkikita pa ba tayo?”
Napakibit-balikat ako. “Hindi ko alam.”
Huminga siya ng malalim at bahagyang ngumiti. “Okay. Just call me again when you need, I'll come right away for you.”
“Salamat,” nakangiting sambit ko.
HALOS isang linggo ang lumipas. Nanatili ako sa bahay nina Gusta at tumutulong-tulong sa kanila habang naghahanap ako ng trabaho. Hindi ko na nakausap o nakita si Dom.
Medyo nanghihinayang ako kapag naaalala ang offer niya pero alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang i-drawing ang kanyang pinapagawa.
“Hija, hindi ka pa rin ba makakahanap ng trabaho?” tanong sa ‘kin ng Mama ni Gusta. Huminto ako sa pagwawalis at tumingin sa kanya.
“Pakiramdam ko po, Tita, malapit ko na ‘yong makita,” nakangiti kong sagot.
“Wala ka na bang alam na trabahong puwede mong pasukan bukod sa drawing-drawing?” Napahinto ako at tumingin kay Tita. Medyo naging iba ang dating sa akin ng tanong niya.
“Hindi naman sa minamaliit ko ang pagiging artist mo, hija. Pero minsan din maging praktikal tayo sa mga bagay-bagay.” Pumunta na siya sa labas at naiwan akong nakayuko habang pinagmamasdan ang mga naipong kalat sa sahig.
Gusto kong mainis sa sinabi niya pero mukhang sa akin ko dapat na gawin ‘yon. Hindi ko maipagkakaila na tama siya lalo na’t wala pa akong napapatunayan.
Huminga na lang ako ng malalim at tinuloy ang pagwawalis.
Dumating na ang gabi. Pagkatapos naming maghanda ni Tita ng hapunan ay nanonood siya balita habang hinihintay si Gusta. Ako naman ay kinuha ang libro ni Dom para basahin. Binigay niya ito sa akin bago ako umalis, remembrance daw.
Napatingin ako sa phone ni Tita nang mag-ring ito. Agad niya itong sinagot at tinapat sa kanyang tainga.
“Yes, good evening. Ako nga ang parent ni Agusta Moderna, bakit?”
Napakunot ako ng noo nang makita ang gulat at pag-aalala sa mukha niya. Parang may kakaibang nangyayari. Kinabahan na ako nang umiyak na si Tita. “Ang anak ko!”
“Tita, ano po’ng nangyari?” nag-aalalang tanong ko.
“Tinawagan ako ng nurse. Na-hit and run daw si Gusta, nasa kritikal siya ngayon,” umiiyak na sagot niya.
Agad kaming nagpunta sa hospital kung nasaan si Gusta at dumiretso sa emergency room.
Pagdating namin ay saktong lumabas ang doctor. Dali-dali namin itong sinalubong.
“Doc, kumusta na po ang anak ko?” agad na tanong ni Tita na may bahid ng pag-aalala.
“The patient sustained a severe fractures that require surgery. We will do everything to save her,” sagot ng doctor at naglakad na paalis.
“Surgery, malaking pera ang kailangan natin para doon. Hindi ko alam kung saan ko ‘yon kukunin.” Niyakap ko si Tita habang patuloy siyang umiiyak at malalim na bumuntong-hininga. Naiinis ako sa sarili ko dahil ito lang ang tanging magagawa ko.
Biglang sumagi sa isip ko ang offer ni Dom. Napatingin ako sa sahig at nag-isip ng malalim. Mukhang kailangan ko na ‘yong tanggapin.
Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na rin si Tita. Hindi na ako nagdalawang-isip pa na tawagan si Dom. Ayoko nang magsayang pa ng oras lalo na sa ganitong sitwasyon.
“Dom, sumagot ka.” Paulit-ulit ko siyang tinatawagan pero ‘di pa rin niya sinasagot.
“Fudge,” saad ko habang naghihintay at napahilamos na ng mukha.
Nakahinga na ako ng maluwag nang marinig ang pagsagot niya.
“Dom—”
“Hello, sino ka ba? Bakit ka mang-iistorbo?” Natigil ako nang marinig ang boses ng isang babae mula sa kabilang linya.