Chapter 8
NAGISING ako sa sikat ng araw na tumama sa ‘king mukha. Sumasakit ang aking ulo kaya agad akong napahawak dito.
Sa paggalaw ko ay naramdaman ko ang malambot na kama, unan at kumot sa ‘king katawan. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko.
Agad akong bumangon at gulat na nilibot ang tingin sa buong kuwarto.
Kulay abo ang mga pader ng silid habang ang kisame naman ay kulay puti. Maganda ito at malinis, amoy na amoy ko rin ang pabango ni Dom dito.
Mabilis kong tinaas ang kumot na nakabalot sa ‘kin at tiningnan ang katawan ko. Nakadamit naman ako, pero laking gulat ko na iba ang damit na suot ko. Mas lalo pa akong kinabahan sa inisip ko.
“F*ck! Hindi kaya—”
Pinakiramdaman ko ang aking katawan kung mayroong masakit lalo na sa parteng ibaba na gitna ng dalawang hita ko, pero wala naman.
Mukhang ulo ko lang ang masakit. Tiningnan ko ang kobre kama, napakalinis pa rin nito at walang kahit maliit na mantsa ng dugo.
“Sandali, bakit ba ako nandito?” walang kaide-ideyang tanong ko sa sarili.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang nangyari kagabi. Agad akong napasapo ng noo. Parang lalong sumakit pa ang aking ulo nang maalala ang mga ginawa ko.
“Sh*t! Ano’ng ginawa mo, Con?” Napahilamos ako ng mukha at huminga ng malalim.
Nagmadali akong lumabas ng kuwarto para hanapin si Dom. Natigil ako at napahawak sa aking tiyan nang makaamoy ng masarap na niluluto.
Hindi pala ako kumain kagabi kaya parang tumutunog na tiyan ko.
Tumingin ako sa direksyon ng kusina at pumunta roon. Agad kong nakita si Dom na nakaharap sa lutuan. Napatitig ako sa malapad at sexy niyang likod habang nagluluto. Nakasuot siya ng puting apron at boxer ang pang-ibaba. Dahil wala siyang damit ay kitang-kita ko kung paano mag-flex ang kanyang muscles habang gumagalaw. Lumingon siya sa ‘kin hawak ang sandok.
“Good morning, wild virgin,” nakangiting bati ni Dom.
Umupo ako sa upuan na malapit sa kanya at pinanood siya sa ginagawa.
“May nangyari ba sa ‘tin?” tanong ko habang nakahawak sa aking ulo na parang mabibiyak sa sakit.
“What do you think?” tanong niya rin at ngumiti ng nakakaloko.
Sinubukan kong alalahanin ang naganap. Ang huling natatandaan ko ay agresibo niya akong hinalikan. Wala na akong ibang maalala pagkatapos.
“Wala akong masyadong maalala,” sagot ko.
“You’re different when you're drunk, huh? You almost raped me and did a sound check, mic test here,” natatawang kuwento niya sabay turo sa kanyang ibaba.
Gulat ko siyang tiningnan. Pilit kong inalala ang nangyari kagabi para alamin kung nagsisinungaling lang siya.
Natatandaan ko na pinatungan ko siya at sinubukang buksan ang kanyang pants. Hindi ako makapaniwala pero mukhang hindi malayo na totoo ang sinasabi niya.
“I-ibig sabihin… m-may nangyari nga?” nauutal na tanong ko.
Hinanda niya na sa mesa ang mga pagkain. Tulala ko lang siyang tiningnan habang abala siya sa paglalagay ng plato.
Hindi ako makapaniwala. Hindi ko inaasahan na basta-basta ko na lang binigay sa kanya ang pinakaiingatan ko. Kahit sabihing, guwapo siya, may magandang pangangatawan at mayaman, kung walang love sa pagitan namin ay parang balewala na rin.
“Don’t overthink, nothing happened. Sinukahan mo ako kagabi at bumagsak ka na pagkatapos, that’s all,” saad niya.
Bigla akong nabuhayan ng loob habang tinitingnan siya. “Salamat kung gano’n,” nakangiting sabi ko.
Napatingin ako sa suot kong damit ngayon. Malaking plain yellow shirt ito na kasukat ng kanyang katawan.
“Pero, bakit iba ang damit na suot ko?” Agad akong lumingon ako sa kanya.
Umayos na siya ng upo at kumuha ng pagkain. Natigil siya nang mapansing nakatingin ako ng masama.
“Don’t look at me like that. I just changed your clothes, nothing else,” sagot niya.
Malalim akong napabuntong-hininga. Base sa kanyang reaksyon, mukhang nagsasabi naman siya ng totoo. Hindi rin ako nakaramdam ng sakit sa katawan at walang marka sa bedsheet kaya hindi na ako magdududa.
“Sa ‘kin ka dapat mag-alala.” Umakto siyang natatakot habang tinatakpan ang kanyang katawan. “I almost raped by a wild virgin!” biro niya.
Napailing na lang ako at nagsimula nang kumain. Ikakain ko na lang ang kahihiyan na nagawa ko, hindi ko na rin kayang tiisin ang gutom na ‘to.
Ipapangako ko rin sa sarili na ‘yon na ang huling beses na iinom ako ng marami. Baka sa susunod ay mas matindi pa akong magawa na talagang pagsisisihan ko.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na kami. Nakita ko ang medyo gulat na reaksyon ni Dom nang makitang naubos ko lahat ng hinanda niya.
“You’re really interesting,” nakangiti niyang sabi na may halong pagkamangha.
“Salamat sa mga ginawa mo. Huwag kang mag-alala, papalitan ko ‘to lahat,” wika ko at tipid na ngumiti.
“In what way?” tanong niya sabay bigay ng ngiting nakakaloko.
Sinagot ko lang siya ng seryosong tingin. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang tinidor na pinaikot-ikot ko sa plato.
Hindi ko rin alam kung sa paanong paraan makakapagbayad. Wala na rin alam ideya kung ano ang gagawin ko sa buhay ko.
Napaangat ako ng tingin sa kanya nang maalala ang sinabi niya kahapon.
“Oo nga pala. Sa sitwasyon ko ngayon, parang papasukin ko na kahit anong trabaho,” saad ko.
“Any job, even blow?” Sinamaan ko siya ng tingin. “Kidding,” bawi niya at bahagyang natawa.
“Ikaw, bakit wala ka sa Hoshi Animation?” tanong ko.
“I have an important visitor, you,” saad niya sabay ngiti.
“Ganito ka ba sa bawat babaeng nakikilala mo?” kunot-noo kong tanong.
“Actually, no,” nakangiti niyang sagot.
“You’ve got me since we met.” Agad kong napaiwas ng tingin sa kanya. Parang biglang nag-init ang mukha ko sa hindi malamang dahilan.
“Tungkol pala sa trabaho,” pagbabalik ko ng usapan.
“Ano’ng ang iaalok mo? Tungkol pa rin ba ‘to sa Hoshi Animation?” Nagkaroon ng ngiti sa kanyang labi nang marinig ang tanong ko.
Tipid siyang umiling. “No.”
Tumayo siya at naglakad paalis. Pero mayamaya lang ay bumalik din siya hawak ang isang libro.
“I’m an Entrepreneur and also a Writer,” saad niya.
Pag-abot niya sa akin ng libro ay tiningnan ko ang kabuuan nito. Sa kulay pa lang, malalaman na kung anong genre ito.
“His Masterpiece,” basa ko ng pamagat.
Binuksan ko ito para basahin ng pahapyaw. Nanlaki ang mga mata ko nang matapat agad sa chapter na may bed scene. Mabilis akong lumipat sa ibang pahina. Bahagya akong nagulat nang mabasang hindi na ito sa kama pero sa ibang puwesto naman. Halos lahat ng ng pahinang matapatan ko ay may s*x part. Sa ilang minuto ring pagtingin ay may iba’t-ibang klaseng posisyon din akong nabasa na ngayon ko lang nalaman. Hindi ako nanonood ng p*rn pero mukhang dito pa lang ay laspag na ng mata at isip ko.
“Gusto kong magkaroon ng web manga version ang isinulat ko and I want you to be my private illustrator,” nakangiting sabi niya.
Gulat ko siyang tiningnan nang mapagtanto ito.
“Pagugguhutin mo ako ng bold?”