Chapter 7

1130 Words
Chapter 7 Wala na akong ibang maisip ngayon kundi siya lang. “Hello?” Nagbuhayan ako ng loob nang sagutin ni Dom ang tawag. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at huminga ng malalim. “Dom…” Hindi ko na napigilang humikbi. “Hey, Con! Wait, are you alright? Umiiyak ka ba?” nag-aalalang tanong niya mula sa kabilang linya. “P-pasensya na sa istorbo, pinalayas ako sa apartment na t-tinutuluyan ko. Hindi ko na alam kung saan ako tutuloy.” Patuloy na bumubuhos ang aking mga luha habang nagsasalita. “S-sorry kung hindi magandang timing ‘to pero—” “Nasaan ka? Susundin kita. Dito ka muna sa condo tumuloy.” “Hintayin mo ‘ko.” Parang nawala ang lahat ng tinik sa dibdib ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ko inaasahan na siya pa ang makatutulong sa akin sa ganitong sitwasyon. Pero sigurado akong may kapalit itong mga ginagawa niya. Tiningnan ko ang phone ko at hinintay ang aking mga kaibigan na mag-respond pero wala pa rin akong natanggap na tawag o message mula sa kanila. Wala pang ilang minuto matapos kong i-send sa kanya ang location ko ay may kulay itim na kotseng huminto sa tapat. Agad na nagbukas ang pinto at lumabas si Dom. “Let’s go.” Tinulungan niya akong ipasok ang mga gamit ko. “M-maraming salamat,” humihikbing sabi ko habang pinupunasan ang pisngi ko na basa ng luha. Hindi alam kung ano’ng mangyayari sa ‘kin kapag nakarating ako sa lugar niya pero bahala. Ang mahalaga na lang sa ‘kin ngayon ay mayroon akong matutuluyan pansamantala. Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa condo niya. “Kumain ka na ba? What do you want?” tanong niya habang tinutulungan ako sa pagpasok ng mga gamit. “May beer ka ba riyan?” “Yes, but—” “Please,” pagmamakaawa ko. Bumuntong-hininga siya at pilit na ngumiti. Pumunta na siya sa kusina. Umupo ako sa couch at hinintay siyang makabalik habang nililibot ang tingin sa paligid. Bumalik siyang may dalang dalawang beer at isang bowl ng chips. Inilapag niya ang mga ito sa mesa at akmang kukunin ang isa pero inunahan ko na siyang kunin ang dalawa. “Bitin sa ‘kin ang isa,” sabi ko. Napailing na lang siya at bumalik ulit sa kusina. Sinimulan ko nang uminom habang wala pa siya. “F*cking life!” malutong kong mura. “Bakit ba nangyayari sa ‘kin ‘to?” Pabagsak akong sumandal sa couch at tumingala. Napatakip ako ng mga mata nang magsimula na namang bumuhos ang mga luha ko. Malalim akong napabuntong-hininga at tumingin sa direksyon ng mga ginuhit ko. “Laban lang, Con,” mahina kong sabi at lumagok ulit ng beer. Bumalik si Dom na may dala nang tatlong beer. Nilagay niya ito sa ibabaw ng table at umupo sa tabi ko. “Sabihin mo kapag gusto mo ulit,” sabi niya. “Salamat. Huwag kang mag-alala, utang ko ang mga ginagawa mo sa ‘kin,” sabi ko sa kanya. Kinuha ko ang pangalawang beer at ininom. “Hey! Just drink slowly, that’s not water,” sita niya sa ‘kin. “Huwag mo akong pakialaman. Kung gusto mo, gumaya ka rin,” sagot ko at ginawang isang lagukan ito. “You’ll get drunk right away,” sagot niya. Napailing na lang siya nang kunin ko pa ang isa. Habang tumatagal ay nag-iinit na ang katawan ko. Medyo nahihilo na rin ako. Tiningnan ko ang bote na nangangalahati na. “D*mn beer,” mahinang mura ko habang tulalang nakatingin dito. Wala sa sarili akong tumingin sa kanya at napangiti. “You’re drunk,” sabi niya at binaba ang kanyang hawak na beer. “How did you say so?” naniningkit na matang tanong ko. “Dahil nginingitian mo na ako,” nakangiti niyang sagot. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Ang ganda ng mga mata niya, perpekto pa ng pagkatangos ng ilong, malarosas ang kanyang labi at wala man lang siyang pores. Napakalinis ng kanyang mukha. “I want to pay off my debt,” mapang-akit kong sabi. Hindi na ako nakapagpigil at agad siyang hinalikan. Nagulat siya sa ginawa ko pero mabilis din siyang gumanti, mariin at matagal. Naramdaman ko ang dila nitong naglulumikot sa aking bibig. Napapikit ako lumaban ng espadahan sa kanyang dila. Binaba niya ang halik papunta sa leeg. Tuluyan na akong napapikit sa ginagawa niya at tuluyan na ring nawala sa katinuan. Pero agad akong napadilat nang bigla siyang huminto at lumayo. “I’m sorry,” saad niya. Umiwas siya ng tingin at huminga ng malalim. Napalingon ulit siya nang hawakan ko ang kanyang kamay. Napansin ko ang gulat sa mga mata niya nang mapang-akit ko ‘tong hinalikan at nilagay sa ‘king dibdib. “Touch me…” mahinahong sabi ko. Tumitig siya sa mga mata ko at binaba ang tingin patungo sa lokasyon ng kanyang kamay. Napakunot-noo ako ng noo nang tumigil na naman siya. “Foam,” natatawang saad niya. Tiningnan ko siya ng masama. "Kidding," nakangiti niyang wika pagkatapos ay humalik ulit sa 'kin. Patuloy siya sa paghaplos, hanggang sa uminit na ang aming paghahalikan. Dahan-dahan niya ako binuhat papunta sa kanyang kuwarto habang patuloy kami sa pag-aangkin ng aming mga labi. Marahan niya akong inangat at inilapag sa malambot na kama. Inayos niya ang pagkakahiga sa akin at binigyan ng maraming unan. “Matulog ka na. Doon na ako sa sala,” sabi niya. Marahas ko siyang hinila pahiga sa tabi ko. Pumatong ako sa kanya para hindi na siya maalis pa at agresibong hinila pataas ang damit niya. “Hey, enough! Lasing ka na,” pagpigil niya. Napangiti ako at nilapit ang bibig ko sa kanyang tainga. “Let’s f*ck." I whispered seductively. Patuloy lang ako sa paghalik pero siya, hindi man lang siya tumutugon. “Gusto mo ba talaga?” Nagulat ako nang hinawakan niya ang aking braso para pahintuin. “Huwag ka nang mahiya, ito naman ang gusto mo umpisa pa lang, ‘di ba?” Hahalikan ko pa sana ulit siya pero agad siyang umiwas. “Sinimulan na natin kaya kailangan nang ituloy,” saad ko at dali-daling binuksan ang zipper ng kanyang pantalon pero tinakpan niya 'to. “Bakit? Bakit ayaw mong gawin? Ito lang naman habol mo, ‘di ba? Gawin na natin para matapos na ang laro mo." Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napansin ko ang pag-iigting ng kanyang panga habang seryosong nakatingin sa ‘kin. “Gusto mo ba talaga?” Bigla akong kinabahan nang marinig ang tanong niya. Inatake niya ako ng agresibong halik. My tounge's coaxing against his. His arm went around my neck. At ang isang kamay niya ang naghubad ng aking damit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD