Chapter 6
“A-ano’ng ginagawa mo rito?” gulat na tanong ko.
Slinilip ko ng tingin ang interviewer. Ang seryosong mukha nito ay biglang naging maaliwalas nang makita si Dom. Nakikita ko rin ang kilig sa reaksyon niya habang tinitingnan ito.
“Sir Dom, ano po’ng maipaglilingkod ko sa inyo?” nakangiting tanong nito.
Sir Dom? Ibig sabihin, isa siya sa mga boss dito? Ibang klase nga talaga ang pagkakataon. Kung makakapasok ako rito, may chance pa yata na maging Boss ko rin siya.
Pero nakapagtataka dahil sinabi niya sa aking hindi siya marunong mag-drawing tapos makikita kong nagtatrabaho siya sa animation company. Sabagay, hindi lang naman puro pagguhit ang ginagawa rito.
“Nothing. Nagkamali lang ako ng room na pinuntahan pero tama ang taong nakita,” sagot ni Dom at nakangiting lumingon sa akin.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at nilipat ang tingin sa envelope na hawak ng interviewer. “By the way, mukhang nakakaistorbo na ako sa ginagawa n’yo.”
“Good luck sa interview, Con.” Sinarado niya na ang pinto.
Agad na bumalik sa hitsurang pinagsakluban ang mukha ng interviewer. Nakaramdam ako ng kaba nang mataray niya akong tiningnan.
“Magkakilala kayo ni Sir Dom?” nakataas-kilay na tanong niya.
“Yes po, Ma’am.” Medyo nag-aalangan akong sagutin dahil pangalan niya lang ang alam ko pero sapat nang information ‘yon para sabihing kilala ko siya.
“Kaano-ano mo si Sir?”
“Naging client ko po siya,” buong kumpiyansang sabi ko.
Sigurado akong malaki ang magiging advantage kapag sinabi ko ‘yon lalo na’t isa si Dom sa mga nakatataas dito.
Binuksan niya ang folder na naglalaman ng mga drawing ko at tiningnan.
Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon pero mas nangingibabaw ang kaba.
“Maganda at malinis ang mga guhit mo, hindi na ako magtataka kung bakit mo naging client si Sir Dom,” manghang sabi ni Ma’am habang iniisa-isa ang mga ito.
Napansin ko ang pagtigil niya nang ilipat ang sumunod na drawing. Tulala niya itong tiningnan habang nakanganga.
Pasimple ko itong sinilip ng tingin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na naked drawing pala ni Dom ang tinitingnan niya. Hindi ko namalayan na nasama ito mga dinala ko.
Hindi ito nakuha ni Dom kagabi dahil sa agarang pagpapaalis ko sa kanya.
“Sh*t,” mahina kong mura.
Parang gusto ko nang lamunin ng lupa nang ibalik ng interviewer ang tingin sa ‘kin.
Mukhang habang nag-iinit ang mukha ko dahil sa kahihiyan ay nag-iinit na ang ulo niya.
“Okay, Miss Conarea De Vera. Your interview is over, next.”
Nakangiwi akong tumango nang marinig ang sinabi niya. Matamlay akong lumabas ng room at naglakad papunta sa elevator. Malalim akong bumuntong-hininga nang pindutin ko ang first floor button.
Trabaho na naging bato pa. Wala pa rin akong trabaho kaya hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera para sa mga bayarin.
Nang magbukas ang pinto ay bumungad sa harap ko ang isang pamilyar na lalaki. Lalong nadagdagan ang inis na nararamdaman ko nang makumpirma ang kanyang mukha. Ang ex-boyfriend kong pangit na namera at nanloko sa akin. Imbis na gulat ay pagkairita at pandidiri ang naramdaman ko nang makita siya.
“Con, long time no see,” nakangiting bati ng ex ko.
Kung kausapin niya ako ay parang hindi siya nakagawa sa ‘kin ng malaking kasalanan. Isa siya sa dahilan kung bakit nagkandaleche-leche ang buhay ko at nabaon sa utang.
Nakakapikon lang na ngayon ko pa talaga siya nakita pagkatapos ko ma-reject sa interview.
“Dito ka na rin ba magtatrabaho?” tanong niya.
Hindi ko na siya sinagot pa at aakmang aalis na pero hinawakan niya nang mahigpit ang bisig ko.
“Ano ba!” inis na tanong ko.
Marahas akong nagpumiglas pero mas hinigpitan niya pa ang hawak. Medyo nasasaktan na ako sa ginagawa niya.
“Ano’ng nangyayari dito?” Napalingon kami sa nagsalita.
Agad niya akong binitawan nang makita si Dom. Napahawak naman ako sa bisig ko, namumula ito at may bakat pa ng kamay niya.
“Sir Dom, babalik na po ako sa work,” natatarantang sabi nito at nagmadaling pumasok ng elevator.
Lumapit sa akin si Dom na bakas sa mukha ang pag-aalala.
“Are you alright?” tanong niya.
“Oo, salamat,” sagot ko.
“How was the interview?”
Dahan-dahan akong umiling bilang tugon. “Na-reject ako matapos makita ng interviewer ang drawing ko sa ‘yo.”
“Ow, kasalanan ko pala. Kakausapin ko na lang siya na tanggapin ka,” nakangiting sabi niya.
“Hindi na!” mabilis kong tanggi. “Ayoko rin makatrabaho ‘yon,” wika ko sabay turo ng nguso sa lalaking pumasok ng elevator.
“O–kay?” nag-aalangang saad niya.
“Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan.” Inabot ko sa kanya ang envelope.
“Para saan ‘to?” nagtatakang tanong niya.
“Nasa loob niyan ang isa pang drawing kahapon, ikaw na bahala kung itatapon mo ang iba,” sabi ko.
Tinalikuran ko na siya at nagsimula nang humakbang paalis.
“Wait.” Natigil ako at napalingon sa kanya.
“Magkikita pa ba tayo?” tanong niya.
Kunot-noo ko siyang tiningnan. “Who knows,” sagot ko sabay kibit-balikat.
“Before you leave, I’ll propose to you first.” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya.
“Do you want a job?” seryosong tanong niya.
Lumapit siya sa ‘kin at kinuha ang kamay ko. “This is my calling card, aasahan kita.”
Pagkatapos niya itong ibigay ay naglakad na siya papunta sa elevator at kumaway na patalikod.
Tiningnan ko ang calling card niya.
“Rehan Dominic Collin, entrepreneur.”
Gabi na nang makababa ako ng jeep dahil sa sobrang traffic. Binuksan ko ang gate at pagod na naglakad papunta sa room ko.
“What the—” gulat kong sabi nang makita ang mga gamit ko sa labas.
“Ano’ng nangyari?” Agad akong pumasok sa loob.
Nakita ko ang land lady at ang iba pang mga lalaki sa loob na inilalabas ang iba pang natira.
“Pretty Auntie, ano po’ng nangyayari?” natatarantang tanong ko sa kanya.
Pinigilan ko ang mga nandito na tanggalin ang mga drawing kong nakadikit sa pader at ang ibang inilalabas. “Kuya, sandali! Dahan-dahan naman sa isa, isang buwan bago ‘yan natapos!” aligagang sabi ko.
“Tama na, Con. Halos isang taon ka nang hindi nakakapagbayad, palagi mo na lang akong pinaasa sa mga sinasabi mong sa susunod na linggo! Sige na, ilabas n’yo na ‘yan!”
“Pretty Antie, naman. Baka puwede pa natin itong pag-usapan, please po. Magbabayad na talaga ako,” pagpigil ko.
Wala na akong nagawa kundi umiyak habang nagmamakaawa sa kanya pero mukhang desidido siya sa pagpapalayas.
“Lumabas ka na rin at ayusin mo ang mga gamit mo paalis!” pagtataboy niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko. Wala na akong nagawa kindi lumabas na. Agad kong tinawagan si Gusta para magpaalam na doon muna ako tumuloy pero hindi ito sinasagot. Tinawagan ko rin si Yohan pero patay naman ang kanyang phone.
“F*ck! Saan na ako pupunta?” inis kong tanong sa sarili at napapadyak sa sahig.
Napatingin ako sa sahig nang may bagay na nahulog mula sa bulsa ko. ‘Yung calling card ni Dom. Yumuko ako para pulutin ito.
“Rehan Dominic Collin.”
Nanatili akong nakatitig dito at napabuntong-hininga.
“Sana sagutin mo ‘ko.”