Chapter 24 MAAGA akong gumising at naglinis. Hindi ako masyadong nakatulog dahil paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabi ni Dom. Hinintay ko siyang may idugtong pa kagabi pero hindi na siya nagsalita at tumuloy na sa pagtulog. “I love you.” Nabalik ako sa reyalidad nang makita ang nakangiting repleksyon ng mukha ko sa malaking parihabang salamin. Hindi ko namamalayan na tulala akong napapangiti habang iniisip siya. Agad akong napailing at binalik ang atensyon sa pagwawalis. “Focus, Con.” Nang matapos sa paglilinis ay dumiretso na ako sa kusina para ipaghanda siya ng almusal. Nagsangag ako ng kanin, nagprito ng scrambled egg, bacon, at hotdog. Nagpalaman din ako ng cheese sa tinapay. Ilang minuto lang ay natanaw ko na si Dom na paparating dito. Pikit pa ang kanyang mga mata a

