Chapter 26 Arcade agad ang una kong pinuntahan. Ito ang kadalasang target ko kapag pumupunta rito, lalo na sa area ng claw machine. Nagpapalit muna si Dom ng tokens. Nang makuha niya ito, hindi ko na napigilang hawakan ang kamay niya at agad siyang hinila papunta sa station na ‘yon dahil sa sobrang excitement. Dumiretso kami sa claw machine na puno ng pokemon toy. Napansin ko ang pagngiti niya ng malapad habang nakatitig mga laruang nasa loob. May iniisip na naman siguro itong hindi kanais-nais. “I really love pokemon but n is silent,” sabi niya sabay tingin sa akin at ngiti ng nakakaloko. “Baliw!” Hinampas ko ang braso niya. Nag-init ang pisngi ko dahil sa sobrang hiya, pakiramdam ko namumula na ito. Bahagya naman siyang natawa dahil sa reaksyon ko. Binaling niya ulit ang tingi

