Kabanata 2

1249 Words
April 21, 2021 "Ang ganda rito, Bro!" si Jerald na ngayon ay hawak hawak phone niya para kumuha ng mga letratong magaganda. Napalingon ako sa kung saan rin siya nakatingin. "Wow! Hindi ko inakalang mapupunta tayo sa bundok na ito. Ano nga ulit ang pangalan nito? Pago?" lumapit si Jasper sa kay Jerald para tingnan ang phone nito. Kitang-kita ko kung paano sapakin ni Jerald si Jasper sa ulo. "Gago! Pulog! Mountain Pulog. Ang ganda nitong bundok tapos imu-murder mo lang ang pangalan," matigas na wika ni Jerald kay Jasper. Nasanay na ako sa mga ito. Dinadaan sa sapak ang kulitan. Hinayaan ko lang silang mag-enjoy sa tanawin. Ilang oras rin kaming umaakyat rito. Pero nagbunga naman ang pagod na aming inilaan. Napakaganda nga talaga ng bundok na ito. Kung tumingin ka sa harapan ay makikita mo ang malawak na tanawin kung saan makikita ang bayan. Tanaw ko pa nga ang nagtataasang gusali sa siyudad. Pero nakakapagtataka lang. Bakit wala ang bundok na ito sa mapa na dala-dala namin? Hindi dapat kami narito gayong ibang pangalan ng bundok ang nais naming akyatan at hindi ito. Ngunit rito kami napadpad. "Okay ka lang, sis?" napailing kaagad ako nang maramdaman ang presnsya ni Amanda sa likuran ko. Tinginan ko siya't pilit na mabago ang emosyon sa harapan niya. I smiled. Just to give her an assurance that I am really okay. "Uhmmm. Ikaw ba? Ang ganda pala rito," masiglang tugon ko. Pero hindi pa rin nawawala sa isipan ko ang kaba. Kaba lalo na't hindi ko pa narinig o nakita ang bundok na ito sa social media. Narinig ko lang ito isang beses mula kay Mommy but pero hindi naman ako interesado kaya hindi na ako nagtanong pa. Akala ko talaga hakahaka lang ang bundok na ito. Wala pa akong nakita o nabalitaang nakapunta rito. Kaya siguro wala ito sa mapa. Siguro nakalimutan na ito sa haba at tagal ng panahon. Hinawi ko ang scarf na nakapalupot sa aking leeg at sa ganoon ay naramdaman ko kung gaano kalamig at kasariwa ang hangin rito. Hindi tulad aa bayan, usok at amoy ng mga pabrika ang naamoy ko. Pero rito, parang pakiramdam ko'y nasa langit na ako. Sa tayog nitong bundok; sa tanawing hindi ko inakalang makikita at masaksihan ko: sa lamig at kung gaano ka sariwa itong hangin ay tiyak na mag-eenjoy ka talaga. Napatingin ako sa phone ko nang mapansin amg presnsya nito sa aking bulsa. Napakunot noo ako nang makitang ni isang bar ng signal ay wala akong makita. I even turned it off and wait for it to turned on again but still, it's out of coverage. Walang signal rito. Well, sa tayog at layo na nitong bundok ay hindi hamak na makakarating pa rito ang signal. Kulang na lang ay mga ulap ang nasa paligid namin sa sobrang taas. Kaya pala kanina pa tahimik itong phone ko. Iyon ay dahil out of coverage ang lugar na ito. Pero sa sitwasyon ngayon, parang hindi mo na naman nanaisin ang phone. Sa lugar na tulad rito sa tuktok ng bundok ay hindi ko na kailangan ng gadgets para mag-enjoy. The scene and fresh of air are worth for you to enjoy. "Guys, iihi lang ako saglit, ah! Babalik rin ako!" Sigaw ni Miranda sa kasamahan nito. Hindi siya nito napansin dahil sobrang nag-enjoy ang mga 'to sa kakakuha ng pictures. Hindi na nagpasama si Miranda. Lalo na't alam niyang sobrang naaliw ang mga babaeng kaibigan niya. Nananibago si Miranda sa gubat kung nasaan siya ngayon. The forest is quit peaceful but so unlively. Wala kang maririnig na kahit na anong huni ng ibon o hindi kaya mga insekto o mga hayop man lang. It's fully empty. Kasabay ng pagbalikwas ni Miranda sa kanyang suot na Jeans ay umupo ito sa tagong parte ng kagubatan para umihi. Tatayo na sana muli si Miranda nang mapansin niya ang mga pangalang nakaukit sa puting bato sa gilid ng inupuan niya. Dahan dahan siyang napaharap rito saka niya ito sinipat habang sinusuri at pinupunasan ang bato para mas mabasa pa nang malinaw ang nakasulat rito. Napakunot noo siya habang inidiin pa lalo ang atensyon sa batong nasa kanyang harapan. Bakat na bakat sa kanyang mga mata ang gulat lalo pa at alam niyang kakaiba ang hatid ng bato na ito. Kahit sinubukan niyang huwag na lamang itong pansinin ay hindi pa rin niya maiwasang iwalang bahala ito. Augustus (1890)- - - ang unang nakasulat sa itaas ng bayo. Kasunod ay bumaba ang paningin niya sa ibabang parte nito. Veronica (1920) - - - ang nakasulat naman sa ibabang parte dahilan upang kaagad na kumunot ang kanyang noo sa sobrang pagtataka sa mga katatagang kanyang napansin. Mas lalo lang nagsalubong ang dalawang kilay ni Miranda nang mapansin ang mga iyon. Umupo siyang muli at hinihipan ang malakas ang bato para maalis ang mga alikabok na nakapalinbot rito. Sa puntong ito ay tuluyan nang naging malinaw ang lahat- - - bawat letra at mga katatagang nakasulat ay mas naging malinaw pa sa kanyang mga mata. Halatang matagal nang nakaukit ang mga pangalang ito doon. Sa hugis at istilo pa lamang ng pagsusulat nito ay halatang lumang luma na ito at matagal na taon na rin ang nakalipas. Binigyan ni Miranda ng masuyong tingin ang pangalang Augustus- - - alam niyang ang taong 1890 ang siyang taong inuukit rin ito lalo na't unti-unti na rin itong naglaho at ang bawat sulok ng letra sa pangalang ito ay unti-unti nang nawawalan ng kurba pero ang nagngangalang Veronica ay sobrang linaw pa at alam niyang ang taong 1920 ay ang siyang taong inukit rin ito. Alam niyang masyado pa itong malinaw at parang kahapon lamang ito nakaukit dito Pero bakit! "1890- - - 1920? Sobrang tagal na ng pagitan ng taon ngunit nanatili pa rin na nakaukit ang pangalan nilang dalawa sa bato na ito. Bakit kaya? Sobra akong nahihiwagaan sa mga pangalan na ito!," Puno ng pagtatakang muling bulong ni Miranda sa sarili. Mas lalo lang nagbago ang mga tingin ni Miranda nang makita ang ilang letrang nakaukit sa ilalim ng pangalang Veronica. Lalo pa at kakaiba ang letrang ito sa lahat. Kakaibang-kakaiba dahilan upang mas lalo pang makuha ang kanyang atensyon. Hindi niya ito napansin kanina kaya nang mamataan niya'y mas nagkakainteres lang siyang suyuin ito at tingnan at basahin. "Amor- - - Vampiro?!." Sunod-sunod na napalunok ang dalaga nang unti-unting pumasok sa kanyang isipan ang lahat ng nakasulat sa wikang espanyol at ang kahulugan ng mga ito. "A-amo is love- - -V-vampiro is vampire! H-hindi ako maaaring magkakamali. . ." Napahinto ang dalaga kasabay ang pag-taas ng balahibo nito sa kanyang noo lalo pa ngayong unt-unti nang naging malinaw sa kanya ang lahat at nabuo sa kanyang isipan ang mga kahulugan ng mga letra at katatagang kanyang nabasa. "Diyos ko! That was a vampire love! What that was mean?!" Malakas na wika ni Miranda sa kanyang sarili. Mabilis pa sa hangin siyang tumalikod para lisanin ang lugar na iyon lalo pa at pakiramdam niya ay unti-unting nagbabago ang ihip ng hangin. Tumatayo na rin ang kanyang mga balahibo sa katawan na alam niyang may kakaiba sa lugar na ito. Taong 2021, buwan ng Abril at napagpasyahan nina Miranda at ng mga kaibigan niyang umakyat sa bundok upang gumala at magtipon-tipon doon. Ang Bundok Pulog na wala sa mapa ngunit matagal nang naging bukambibig ng mga tao sa siyudad. Ang bundok na pawa'y naging alamat na lamang at hakahakq sa isipan ng mga mortal na nilalang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD