Kabanata 3

791 Words
April 21, 2021 Taong kasalukuyan. Taong kasalukuyan ngunit preskong-presko pa rin sa alaala ni Augustus ang nangyari ilang daan na taon na ang lumipas. Ramdam na ramdam niya ang sakit mula sa kanyang isipan at alam niyang kailanman ay hinding-hindi niya iyon nakakalimutan. Ang bakas ng dugo at ang reaksyon ng babaeng minsan na niyang minahal. "May nakapasok na naman sa gubat, Augustus..." ang boses na muling bumalot sa tainga ni Augustus. Nanatiling lamang siyang nakatingin sa malawak na tanawin mula sa kanyang kaharian. Ang matahimik na gubat ay bigla na lamang binalot ng pangamba at takot sa isipan ni Augustus. Dumating na naman ang kinatatakutan niyang mangyari. Dumating na naman ang madugong kabilugan ng buwan. Hindi nagsalita si Augustus sa halip ay hinayaan lamang niyang maramdaman ang malamig na bugso ng hangin. Nanatili lamang siya sa kanyang iniisip. Hindi niya pinadapuan ng pansin ang kanyang kawal. "Ano ang iyong gayawin, Augustus? Kabilugan na ng buwan at kailangan mong humakbang. Kumikilos na naman si Alastair. Hahayaan mo na lang bang maulit muli ang nangyari noo---" hindi niya hinayaang matapos sa pagsasalita ang kanyang kawal sa halip ay mabilis niya itong binalingan ng tingin dahilan upang ito ay mabilis na napatikom ng bibig. "Hinding-hindi ko hahayaan na maulit ang nangyari noon, Theo! Naging duwag ako noong nakaraan ngunit sa puntong ito ay hinding-hindi ko na hahayaang magtagumpay si Alastair sa gusto niya. Sisiguraduhin kong hindi na siya magtatagumapay. Hindi ko na papalampasin pa ang ginawa niya!" bakas sa boses ni Augustus ang galit ngunit hindi pa rin nawawala doon ang takot. Sa likod ng nakakatakot at matapang niyang boses ay kapansin-pansin pa rin ang panginginig. Hindi na nagsalita pang kanyang kawal. Sa puntong ito ay mabilis na nilisan ni Augustus ang kanyang kaharian. Mabilis siyang nagtungo sa gubat at sa lagusan siya dinala ng kanyang mga hakbang. Unang bumungad sa kanyang paningin ang babaeng mortal na nakaupo ngayon sa harapan ng malaking bato na ilang daang taon ko nang iningatan at binabalik-balikan. Kapansin-pansin ang mukha niya habang tinitigan ang mga katatagang nakaukit doon. Alam niya ang tanging nasa isipan ng dalaga at iyon ay ang mga ideya sa likod ng mga katatagang matagal nang nakaukit sa malaking bato. Isang beses pa nga niya itong hinagod na alam ni Augustus labis na pagtataka ang nararamdaman ng dalaga sa puntong ito. Ilang minuto siyang nagtagal doon. Nang tuluyan nang umalis ang dalaga ay saka mabilis na nagtungo si Augustus sa lagusan saka tiningnan ang mga katatagang nakaukit doon. Augustus 1890 Veronica 1920 Ilang daan na taon na ang nakalipas ngunit sariwang-sariwa pa rin sa isipan ni Augustus ang kanyang pagmumukha. Ang kanyang gawi at ang mga alaala na nabuo sa ilang gabi nilang pagsasama sa gubat na ito. Hinding-hindi niya iyon makakalimutan kahit pa sa ilang daang taon ang makakalipas. Mula sa bato ay napatingin ito sa daan na tinahak ng babaeng mortal na iyon. Amoy na amoy ni Augustus ang kakaibang bango nito. Ang bango na alam niyang tanging ang itinakda lamang ang siyang may taglay. Napatikom pa lalo ang kanyang bibig at kasabay ng pagtikom niyang iyon ay ang unti-unting pagtulis ng kanyang paningin. Sa puntong ito ay gagawin niya ang lahat. Gagawin niya ang lahat mapigilan lamang niya si Alastair. Minsan na itong nagtagumpay sa kanyang plano kaya sa puntong ito ay gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya mapigilan lamang niya si Alastair sa mga masasamang balak nito. Mapigilan niya lamang ang kanyang mga plano. Hindi na siya maaring magtagumpay pa. Hindi sa puntong ito. Mula sa lagusan na iyon ay mabilis na nagtungo si Augustus pabalik sa kanyang kaharian. Doon ay unang bumungad sa kanya ang kawal nitong si Theo. Nakatingin lang ito sa kanya at ganoon rin si Augustus sa kanya. “Ilang araw na lang bago ang kabilugan ng buwan?” ang tanong na unang lumabas sa bibig ng binata. Kumbinsido na ito at iyon ay ang maging handa upang kontrahin ang mga plano ni Alastair. Hindi niya maaring papalampasin ang pagkakataong ito. Hindi na ngayon. Tama na ang isang beses at sa puntong ito ay dadanak muna ang dugo bago siya magwawagi. “Apat na araw na lamang, panginoon. Ano ang iyong gagawin?” wika nito sa bampirang si Augustus.. Napaiwas ito ng paningin at kasabay ng pag-iling nito ay ang pagtiim ng kanyang bagang. Kapansin-pansin sa kanyang mukha ang matinding galit. Sa bawat tingin nito ay parang kaya nitong tunawin ang anumang nilalang na nadadaanan ng kanyang mga pagtingin. “Ihanda mo ang lahat. Malaking labanan ang mangyayari…” mahinang sambit nito sa kanyang kawal habang nakatuon lamang ang kanyang atensyon sa malawak na kagubatan. Hindi na ito lumingon pang muli sa kanyang kawal sa halip ay nagtungo na lamang ito sa kanyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD