Kabanata 4

3149 Words
Miranda’s POV Kasabay ng pagbalikawas ko sa aking suot na Jeans ay umupo ako sa tagong parte ng kagubatan para umihi. Ilang beses pa nga akong lumingon sa paligid upang masigurong walang ibang tao ang narito sa gubat na ito at nakahinga naman ako ng maluwag nang malamang walang tao. The forest is so lifeless. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay hindi ko ramdam ang gubat. Hindi ko maramdaman ang buhay ng gubat na ito na animo’y hindi ako ligtas sa kung saan man ako gustong gumala. Tahimik ang kagubatan na ito ngunit hindi ko alaqm kung bakit pakiramdam ko ay hindi ako ligtas para maglibot-libot. AKMANG TATAYO na sana ako nang mapansin ko ang mga pangalang nakaukit sa puting bato sa gilid ng inupuan ko ngayon. Napatigil ako sa paggalaw. Napalingon ako doon at ngayon ay hindi ko na maiwasan pang tumingin doon. Ibinalik ko na lang sa pagsuot ang aking underwear at kasabay n’on ay ang pagbalik kong muli sa pagsuot ng aking jeans. Nang makatayo ako ay sinipat ko ang batong iyon habang sinusuri at pinupunasan ang bato para mas mabasa pa nang malinaw ang nakasulat rito. Napakunot ako ng noo habang inidiin pa lalo ang aking atensyon sa batong nasa aking harapan. Kasabay ang paglinaw ng mga letrang nakaukit doon ay ang ang pagkunot ng aking noo. Lalo pa at hindi ko alam kung bakit naging interesado akong basashin iyon. Augustus (1890) Veronica (1920) Mas lalo lang nagsalubong ang dalawang kong kilay. Umupo akong muli at hinihipan ang malakas ang bato para maalis ang mga alikabok na nakapalinbot rito. Ngayon ay mas lalo lang naging malinaw sa aking mga mata ang mga katatagang nakaukit dito. Gamit ang aking hinlalaki ay marahan ko iyong hinipo at nang mas maramdaman ko pa ang presensya ng nakasulat doon. Napalingon ako lalo pa at naramdaman kong may nakatitig sa akin ngunit nang malamang wala at nag-iilusyon lang ako ay muli akong bumaling sa malaking baton a iyon. Sino naman ang mag-iiwan ng katatagan sa isang malaking bato na ito? Hindi ko alam kung bakit sa dami ng malalaking bato sa lugar na ito ay ang bato lang ito ang nanatiling malinis at hindi dinadapuan ng anumang damo. Nanatili itong malinaw na malinaw sa mga mata ng mga tao. Alam kong wala sa mapa ang lugar na ito. Matahimik ang buong gubat at kailanman ay hindi ko nakitang may mga hayop ang naglipala sa loob ng kagubatan pwera na lamang sa mga ibon na naglilkiparan sa himapapawid. Kaya sino ang taong mag-iiwan ng ganitong katatagan sa isang batong tulad nito? Alam kong mahabang taon na ang nakalipas nang maukit ito dito gayong may marka na siyang tanda ng tagal ng panahon. Na animo’y ilang ulit nang natamaan ng tubig ulan at init araw. Ano ang katatagang ito? Halatang matagal nang nakaukit ang mga pangalang ito. Binigyan ko ng masuyong tingin ang pangalang Augustus; alam kong ang taong 1890 ang siyang taong inuukit rin ito. Lalo na't unti-unti na rin itong naglaho kumpara sa isang pangalang malinaw na malinaw pa. Ngunit ang nagngangalang Veronica ay sobrang linaw pa at alam kong ang taong 1920 ay ang siyang taong inukit rin ito. Ngayon ay mas lalo lang umiral ang kuryusidad ko. Alam kong wala naman akong mapapala sa pagtitig rito at kahit alamin ko pa ang istorya sa loob ng mga pangalang nakaukit sa batong ito ay alam kong wala pa rin akong makukuha dito. Ngunit hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong tumutulak sa aking sarili na alamin ang impormasyong nasa likod nitong katatagan. Pero bakit? 1890?1920? Napakatagal ng pagitan ng taon pero nanatili pa ring nakaukit ang pangalan nilang dalawa. Puno ng pagtataka ang siyang bumabalot sa aking isipan sa puntong itong. Muli akong bumaling sa aking kapaligiran ngunit wala pa rin akong mamataang anumang buhay na nilalang as loob ng kagubatang ito. Ni ang hangin ay paminsan-minsan lang kung bumugso kaya mas lalo ko lang naramdaman ang kakaiba sa loob ng kagubatang ito. Ang makapal na kagubatan ang nakapalibot sa kinarorooonan ko ngayon. Kahit saan ako lumingon pwera na lamang sa daan patungo sa kung nasaan ang aking mga kasama ay ang makaopal na gubat ang siyang bubungad sa akin. Madilim at walang kabuhay-buhay na kagubatan ang siyang bubungad sa bawat paningin ko. Mas lalo lang akong naging interesado nang makita ang ko ilang letrang nakaukit sa ilalim ng pangalang Veronica. Hindi ko ito napansin kanina kaya nang mamataan ko ito ay mas nagkakainteres lang akong suyuin ito. Nanatiling nakakunot ang aking paningin na kanina pa ito naging ekpresyon ng aking mga mukha. "Amor Vampiro." Ang siyang nakasulat sa batong iyon. Sunod-sunod akong napalunok ng sarili kong laway nang mabasa at unti-unting maintindihan ang ibig sabihin ng nakasulat sa wikang espanyol. Mabilis akong naalerto nang malaman ang kabuuang kahulugan ng nakaukit na katatagang iyon. "Amor is love, Vampiro is vampire..." Napahinto ako sa pagsasalita kasabay ang pag-taas ng balahibo ko sa aking katawan. " O my God! It's vampire love!" Puno ng takot na wika ko sa aking sarili. Napatakip ako ng sarili kong bibig sak mabilis pa sa alas kwatrong tumalikod para lisanin ang nakakamanghang nalaman ko mula sa mga nakaukit na pangalang binasa ko maging ang salitang "Amor vampiro" na nagbigay ng takot sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang hatid sa sarili ko ang salitang iyon. Hindi ko alam kung bakit ganoong katatagan ang nakaukit sa batong iyon at kung bakit bigla na lang akong naging intereasdo sa katatagang iyon. Mabilis akong bumalik sa kung nasaan ang aking mga kasama. Dala ang takot sa sarili ay tahimik akong bumalik sa kanila na ngayon ay abala pa rin sa pagkuha ng mga litrato sa magagandang tanawin sa gubat na ito. Hindi ko alam kung ako lang ba. Kung ako lang ba ang nakakaramdam ng kakaiba sa gubat na ito. Tiningnan ko sila at ngayon ay kitang-kita ko ang saya sa kanilang mukha. Bigla naman akong naalerto nang mamataan ko si Amanda na ngayon ay nakatingin na sa aking kinaroroonan. Napawi ang ngiti niya nang makita ang aking emosyon. “Are you okay, sis? Bakit parang hindi ka masaya? You should enjoy the view!” mabilis na sambit nito sa akin at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niyang iyon sa akin. Pilit akong ngumiti at nang makita niyang okay lang ako. Pilit kong pinapakita sa kanila na okay lang ako at kailanman ay wala akong nararamdaman na kakaiba sa gubat na ito. Wala akong pagdadalawang-isip na lumapit sa kasila saka sumali sa kanilang group photo. Tama si Miranda, nandito kami upang maramdaman ang kaginahawaan sa buhay. Narito kami upang maramdaman ang layo mula sa mausok na siyudad. Narito kami upang takasan ang realidad at hindi upang makaramdam ng takot at matinding kuryuysidad. Alam kong hindi ko kailanman ma-eenjoy ang lugar na ito kung patuloy akong mag-iisip nang kung ano-ano sa aking sarili. Walang akong mapapala kung iisipin ko ang mga nakita ko kanina sa batong iyon. Ni hindi ko nga sila kilala at hindi ko alam kung totoo ba ang mga nakaukit doon o talang sadyang isinulat lang sa batong iyon. Hindi dapat ako mag-iisip nang kung ano-ano gayong alam kong wala namang ibang tao sa gubat na ito kung hindi kami lang. Ni wala sa mapa ang gubat na ito kaya walang sino man ang nakakaalam papunta dito. Siguro isa sa dahilan kung bakit walang kalaman-laman ang gubat na ito ay iyon ay ang wala ito sa mapa at walang ibang taong magkakainteres na pumunta dito. Isang linggo rin kaming mananatili sa gubat na ito at sa loob ng isang linggong iyon ay hindi ko alam kung kakayanin ko bang manatili dito. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang manatili sa gubat na ito gayong sa simula pa lang ay kakaiba na ang pakiramdam ko dito. Ngunit kailangan kong maging matatag lalo pa at nandito na ako. kitang-kita ko naman ang saya sa mukha ng aking mga kasama at dapat maging masaya na rin ako dahil doon. Nakahanda na ang lahat; ang tent namin, mga paglulutuan ng mga pagkain at ang iba pang kakailanganin para sa isang linggong pananatili na rin. Alas singko pa lang at medyo madilim na ang bundok. Hindi ko alam kung bakit kay aga-aga ng pagdilim sa bundok na ito. Siguro masyadong mababa ang bundok na ito upang masikatan ng araw. Ni saglit lang ang paglitaw ng araw at kaagad rin itong lulubog. Alas sais nang tuluyan nang naging madilim ang paligid. Palitaw nang palitaw ang buwan sa gabing ito. Alam kong malapit nang mag-full moon gayong maliwanag na maliwanag na ang buwan. Nakahanda na rin ang lahat at si Amanda naman ay abala sa pagluluto kasama si Olivia habang ang mga boys na si Jasper at Jerald ay nasa tent at masayang pinagmasdan ang mga kuhang litrato namin kanina. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanila. Mula kina Amanda at Olivia ay bumaling ang aking paningin sa makapal na kagubatan. Wala akong makitang ni kunting liwanag doon pwera na lang sa sinag ng buwan mula sa kalangitan. Maaliwalas man ang kalangitan at malinaw na malinaw sa aking paningin ang mga bituin doon ngunit ramdam na ramdam ko pa rin ang matahimik at alam kong mapanganib na gubat na siyang nakapalibot sa akin. “Dinner is ready!” mabilis na naagaw ang aking atensyon ko nang mamataan ko si Amanda na ngayon ay dahan-dahan nang inilagay ang inihaw na karne sa portable table na nasa aming harapan. Hindi pa nga natapos sa paghahanda sin Oliva at Amanda ay mabilis nang dumako ang dalawang boy sa mesa. Akmang kukuha na sana si Jerald ng isang piraso doon nang mabilis iyong hinarangan ni Amanda, ang girlfriend nito. “Marunong kang maghintay. Jerald. Wala ka nang ibang ginawa kung hindi ang tumingin sa cellphone tapos ngayong handa na ang pagkain ay ikaw ang mauuna,” wika ni Amanda. Halata ko ang inis sa boses nito. Wala akong ibang magawa kung hindi ang mapangiti na lang lalo pa at nakakaaliw silang tingnan. Walang araw na hindi sila nag-aaway at nasanay na rin kami doon. Kunting rason lang ay magiging dahilan na iyon ng kanilang pagsasagutan. Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain. Ngayon lang namin ulit ito naranasan, ang makawala sa henerasyon. Masyadong mainit sa siyudad at wala kang ibang makikita kung hindi ang naglalakihang gusali, tunog ng mga mabilis na nagtatakbong sasakyan at mga usok. Kaya masyadong bago sa amin ang ganitong kapaligiran. Ang makakapal na guibat, matahimik na gabi at malamig na bugso ng hangin. “Can’t wait for tomorrow,” wika ni Amanda nang matapos ito sa pagkain. Hindi na ako nagulat sa mabilisang pagkain niya gayong sanay na naman kaming magkakabarkada na siya ang palaging nauuna sa kainan. “Ano kaya ang laman ng kagubatan?” tanong ni Olivia. “Malamang ahas, tigre, mga uud at ibon. Ano pa ba?” pilosophong sagot ni Jerald sa jowa nito. “Wala naman sigurong tigre, bro. Kung ganoon ay mas mabuting sa tent na lang na ito tayo mananatili buong linggo,” singit ni Jasper sa usapan. Tahimik lang akong nakikinig sa kanilang usapan habang marahang minumuya ang pagkaing nasa aking bibig. “Pansin niyo ba?” mahinang sambit ni Olivia na siyang dahilan kung bakit mabilis akong napalingon sa kanyang kinaroroonan. Seryoso lang ang tingin nito sa amin. “Ang alin?” si Amanda. “Masyadong matahimik ang gubat, madilim at ni paggalaw ng mga puno dahil s amalakas na bugso ng hangin ay wala akong napapansin.” Mahinang boses ang pinakawalan ni Olivia ngayon. Hindi ko alam ngunit mas lalo lang lumabas ang kutob ko. Lalo pa ngayong pati si Olivia ay napapansin na rin iyon. Buong akala ko ay ako lang itong nakakapansin ngunit hindi pala. Pati si Olivia ay napapansin rin pala iyon. Napatingin ako sa aking mga kasama. Tahmik na si Amanda ngayon habang nakatingin sa kay Olivia habang si Jasper ay ganoon rin habang si Jerald ay dahan-dahang dumikit kay Amanda na alam kong dahil sa unti-unti na nitong naramdaman ang takot. Tahimik ang buong Grupo at ramdam na ramdam ko iyon. Dahil sa sinabi ni Olivia na iyon at sa biglaang pagtahimik ng grupo ay ramdam na ramdam ko ang malamig na bugso ng hangin. Ramdam na ramdam ko ang katahimikan na siyang bumalot sa amin ngayon. “Booo!” malakas na sigaw ni Oliva saka ito mabilis na tumawa. Kitang-kita ko pa nga kung paano nagulat si Amanda, Jerald at si Jasper sa ginawa nito. Pwera na lang sa akin na nanatili lang na tahimik buong sandali. “Malamang gabi ngayon kaya tahimik! Saka hindi rin naman mahangin. Hahahaha!” masayang wika ni Olivia. “Nakakatakot ang mga eskspresyon ninyo. Ano ba yan!” pagpapatuloy ni Olivia. “Dammit, babe! Hindi masayang biro ‘yon!” wika ni Jasper sa kay Olivia. Sana nga. Sana nga nagbibiro lang si Olivia dahil ako ay hindi at alam kong may kakaiba sa gubat na ito. Alas otso nan ang matapos kami sa pag-uusap-usap. Pumasok na kami sa tag-iisa naming tent. Lima kaming nandito at mag-isa lang akong nakahiga sa tent ko habang magkatabi naman sina Jasper at Olivia habang ganoon rin si Jerald at Amanda. Kahit papaano ay makakapagpahinga na rin. Hindi ko isinara nang tuluyan ang aking tent gayong gusto kong pagmasdan ang maaliwalas na buwan at ang malinaw na bituin sa kalangitan. Gusto kong pagmasdan ang gsbi habang unti-unti itong lumalalim. Hindi pa rin nawala sa isipan ko ang mga katatagang nasaba ko kanina. Gusto kong sabihin sa mga kasama ko ang nabasa ko sa batong iyon kanina ngunit alam kong hindi-hindi naman sila maniniwala kung anuman ang laman nitong isipan ko. Alam kong hindi sila maniniwala sa kung ano man ang sasabihin ko at baka mapagkamalan lang akong baliw kaya wala akong ibang magawa kung hindi ang manahimik na lamang at piliin ang kimkimin ang nabasa kong katatagang iyon. Hindi ko namalayan ang oras at alas dyes na pala ng gabi. Hindi ako dinalaw ng antok at kanina pa ako nakatingin sa kalagitan hanggang sa oras na ito. Ramdam na ramdam ko ang lamig sa aking katawan kaya mas lalo ko na lang na binalot ang kumot sa aking katawan na siyang alam kong isyang magpapahilom sa lamig na aking naramdaman ngayon. Pumikit ako nang sapilitan. Hindi pwedeng hindi ako matutulog lalo pa at alam kong aakyat pa kami bukas at sisimulang maglibot sa loob ng gubat kaya hindi pwedeng wala akong sapat na pahinga. Sa pagpikit ko ay alam kong hindi ko magawang makalimot nang tuluyan at nang makaidlip na rin. Alam kong kanina pa tulog ang mga kasama ko sa kabilang tent. Ewan ko kung bakit hindi ko magawa ang pumikit at ang tuluyan nang magpahinga. Ilang minuto at oras ang lumipas at hindi pa rin ako makatulog. Ramdam na ramdam ko na ang malalim na gab isa puntong ito. Ilang saglit pa nang mapukaw ang aking atensyon nang marinig ko ang yapak ng pa na alam kong malapit lang iyon sa akin. Sa sobrang gulat ko ay napalibot ako ng paningin ngunit wala naman akong makitang anino sa paligid. Kung may tao man bukod sa amin dito ay makikita ko sana kahit anino lang gayong maliwanag na maliwanag naman ang buwan sa gabing ito. Sa angkin kong kuryusidad ay wala akong tanging hangad kung hindi ang lumabas ng tent at ang alamin kung talagang may tao bas a labas namin ngayon. Isinuot ko na lang ang dala ko jacket saka binalot ang aking leeg. Ilang minuto pa nang makalabas ako ng tent at tulad ng inaasahan ko ay wala akong nadtanan sa labas ng tent. Ngunit hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong yapak ng paa ang narinig ko kanina at hindi pwedeng magkamali ako ng tingin. Hindi ako pwedeng magkamali ng dinig at hindi ko alam kung kanino galing iyon. Napalingon ako sa aking likuran nang marinig ko ang paggalaw ng mga damo hindi malayo sa aking kinaroroonan. Sa sobrang tahimik ay rinig na rinig ko ni kunting paggalaw ng anumang bagay dito sa gubat. Marahan akong napahakbang doon. Hindi ako nakaramdam ng takot sa halip ay matinding kuryusidad ang siyang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung tama ba itong ginawa ko. Kung tama bang mag-isip ako ng masama sa gitna ng kagubatang ito. Marahan akong humakbang papunta sa gubat na iyon. Ramdam na ramdam ko ang malamig na hangin sa aking kamay ngunit wala akong pakialam doon sa halip ay ang alamin kung kaninong yapak ng paa iyon ang tanging gusto kong malalim ngayong gabi. Nang makrating sa damuhan ay mabilis akong napahinto sa paglalakad. Lalo pa nang nasa tapat na ako ng malaking puno. Maaliwalas ang buwan kaya malinaw na malinaw sa aking paningin ang bawat detalye sa labas ng gubat ngunit madilim na madilim kung titingnan ang gubat gayong alam kong sa sobrang kapal ay hindi na iyon mapapasok pa ng ilaw ng buwan. Hindi ko alam kung pipiliin ko pa ba ang humakbang papasok sa gubat. Malakas ang kutob ng aking puso ang siyang naramdaman ko sa puntong ito ngunit wala iyong halong takot. Malakas ang tibok ng aking puso hindi dahil sa takot akong pumasok sa gubat kung hindi hindi ko alam kung ano ang tasasaksihan ko doon. Gamit ang kaliwang kamay ko ay marahan kong hinawi ang makapal na dahoon. Alam kong kapag tuluyan ko na iyong mahawi ay tuluyan ko na ring mapasok ang kagubatan at hindi ko alam kung tama ba itong gagawain ko. Ang madilim na parte ng gubat ang siyang nasilayan ko nang tuluyan ko nang mahawi ang makapal na dahon na iyon. Kasabay ng paghakbang ko papasok sa kagubatang iyon ay ang paglakas pa lalo ng tibok ng aking puso. Pasado alas onse na at hindi ko alam kung bakit nagawa ko pa ring pumasok sa loob ng mapanganib at matahimik na gubat na ito. Habang humahakbang papasok sa gubat na iyon ay ang dahan-dahang pagpasok sa tainga ko ang mahinang boses. Sa puntong ito ay mas lalo lang lumawak ang aking kureyusidad. Gamit ang natitira kong lakas sa aking katawan ay patuloy ako sa paghakbang at sa bawat hakbang kong iyon ay mas lalo ko lang naririnig ang boses na iyon. Alam kong kunting hakbang na lang ay tuluyan ko nang marating ang boses na iyon. Isang malaking puno ang siyang humarang sa akin. Kumunot ang aking noo at kasabay n’on ay ang pag-ikot ko sa malaking puno iyon at hindi ko inaasahan ang madatnan ko sa aking harapan.. “A-amanda?” gulat na wika ko saka napalipat ang paningin ko sa kay Jerald. They’re both naked and hugging each other habang nakasandal sa malaking puno. “Sorry,” wika ko saka mabilis na tumalikod at hindi na hinintay pa ang magiging sagot nila at mabilis na lang akong bumalik sa aking tent. Damn this curiosity!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD