KAPITOLO 2: BUHAY SA GABI

1681 Words
ROSE Para sa mga katulad naming kumakayod nang marangal ngunit para sa iba ay sa kahindik-hindik na paraan, dilim ang aming liwanag. Tuwing kakagat ang gabi, aligaga na kami sa pag-aayos ng sarili. Pabango sa balat ang siya naming sandata maliban sa hubog ng katawan at magandang mukha. Importante rin na mapula ang aming labi, maayos ang pagkakatali sa buhok, mahigpit ang stockings, seksi ang suot na panloob. "Dahil Sabado ngayon, paniguradong marami tayong customer. Inaabangan ko talaga 'yong mga kilala kong hindi uma-absent sa simba pero gabi-gabi nasa club, hahaha! Hindi ko alam kung maiinsulto ang kaluluwa ko o ano," natatawang kwento ni Judy. Dahil puro naman kami babae at halos isang taon na ring magkakasama. Hindi na namin kailangan pang gumamit ng banyo kapag nagbibihis. Iisa lang din naman ang pinapasukan naming trabaho, ang kaibahan ko lang sa kanila, sila'y nagpapalaway sa kanilang katawan habang ako ay taga-hatid lamang ng inumin. "Parang kilala ko 'yang tinutukoy mo. Si Robert ba? Iyong Sakristan na may gusto kay Rose?" tanong ni Vanessa. "Oo! Hahahaha! Wala ka namang gusto ro'n, no? Rose? Baka kasi magalit ka, natikman ko iyon noong isang gabi." Hindi ako kumibo, busy ako sa pagpapahid ng lotion sa aking hita. "Wala namang natitipuhan pa iyang bunso natin kaya sabihin mo na, kumusta? Magaling ba? Kayang magpatirik ng mata? Umamin ka para mamaya ako naman titikim." "G*go, hahaha! Sa lahat ng customer ko, siya lang ang may pinakamalaking alam mo na." "Totoo? Masubukan nga mamaya. Kayang warakin 'yong akin?" "Aba malay ko. Alam ko ba kung gaano kalaki 'yang butas mo? Hindi naman." "Tumigil na kayo, mag-aala-sais na, kakatok na iyon si Boss," saway ni Bek. Isinuot ko na ang uniporme ko. Maiksing bestida na halos makita na rin ang aking kaluluwa. Hindi pwedeng yumuko dahil kapag ginawa ko iyon, masisilip kaagad ang panloob kong suot. Bawal sa amin ang cycling o boxer pambabae. Ang mahulihan, walang sasahurin sa buong gabi. Maid cafe ang tema ngayong gabi. Long sleeve, protektado ang kamay, ngunit hindi ang dibdib at ang likod. "Woaah! Mukhang pipilitin ka na naman ni Bossing na magpakama ngayong gabi, Rose, kapag nakita ka niya. Sa ganda mong iyan, sigurado ka talaga? Ayaw mong subukan? Alam mo na, malaking kikitain mo kapag pumayag ka. Baka 'yong sahod namin, triple sa iyo. Mababayaran mo nang mabilis ang utang mo kay Bossing at makakaalis ka kaagad dito, ayaw mo ba no'n?" alok ni Judy. Umiling ako dahil kahit naman makabayad ako, hindi ko lilisanin ang trabaho ko. Wala naman akong ibang mapupuntahan. "Hindi iyan. Subukan lang ni Boss, kapag umalis itong si Rose, eh, mawawalan siya ng customer. Alam naman natin na kung hindi sa kanya, hindi bebenta itong club, hindi ba? Simula noong ma-recruit ang bunso natin, guminhawa ang lahat. Gabi-gabi tayo may raket, kaya hindi niya pipilitin itong munti niyang kayamanan," ani Bek. "Kung sabagay. May n****e tape ka pa ba? Naubusan na ako, eh. Sikip-sikip ng costume ko, wala na nga akong bra na suot." Nagpaalam na ako sa kanila, mauuna na ako dahil kailangan kong tumayo sa may labas para makapanghakot ng kaluluwa para magkasala. Dapat, hindi ko aakuin ang trabahong iyon dahil may nakatoka para ro'n. Ang kaso, kailangan kong mag-ipon para hanapin ang may-ari ng lupa na pinagsanglaan ni Lolo. Panigurado ring malaki ang hihingin nitong halaga pero saka ko na iyon po-problemahin kapag nahanap ko na siya. Kung maaari rin ay magmamakaawa ako kung pwedeng humingi ng tawad para mababaan ang presyo. "Rose! Pupwesto ka na ba? Heto ang karatula natin ngayon. Galingan mo, ha. Inaasahan kong doble ang papasok sa atin ngayon. Bibigyan na lang kita ng dagdag tip pagkatapos ng gabi, hmm? Alam mo na, sa opisina ko," wika ni Bossing gamit ang mapaglaro nitong ngiti. Tumango lang ako't kinuha na ang itim na signage. Dumiretso na ako sa labas, hinarap ang mga taong naglalakad at nakatambay sa labas. Kahit walang emosyon ang aking ibinabalandra, ni hindi rin ako nagpapagod para alukin ang bawat makikita, kusa silang lumalapit sa akin. May iba, para lamang kumuha ng litrato, ang iba naman ay nagtatanong kung kasama ba ako sa mga hostess na makikipaglaro ngayong gabi. "Paumanhin pero hindi," matipid kong tugon. "Awww. Kailan ka ba tatanggap ng panauhin, Rose? Ikaw lang talaga ang hinihintay ko gabi-gabi. Ang sabi ni kalbo, ilalabas ka rin niya. Kailan ba iyon, nang mapag-ipunan kita." Hindi ako sumagot dahil walang sinabi si Bossing na ilalabas niya ako. Hindi rin ako papayag kung sakaling pilitin niya ako. Isa iyon sa mga kondisyon na ipinaintindi ko sa kanya. Hindi ako nagpapakabanal dahil malayong-malayo kong maatim iyon. Ang puri ko na lang ang kaya kong maisalba dahil durog na durog na ang aking dignidad. Ipinangako kong mamamatay ako ng walang bahid, kahit ano pa ang mangyari. "Ohh, Vlad! Naririto ka na pala. Bakit hindi ka pa pumapasok?", "Kalbo, sabi mo ilalabas mo itong si Rose? Aba, baka naman ngayon mo na gawin," pakiusap nito. "Hahahaha! Inilabas ko na siya, ah. Heto, hindi pa ba siya nasa labas?" pamimilosopong tugon ng Boss ko. "Hindi iyon! Kailan mo siya ihahanay sa mga hostess. Nasasabik na akong matikman ang ganitong klase--" "Ooppss, bawal hawakan ang pagmamay-ari ko unless walang bayad. Alam mo ang patakaran ko, hindi ba, Vlad? Pasok na sa loob, bumili ka ng pinakamahal naming alak, kapalit noon, isang hipo sa aming mabangong rosas." Naulol ito, nagpatihulog sa salita. Dali-dali itong pumasok kaya medyo nakahinga na ako nang maluwag. "Galing. Hindi talaga ako nagkamali na kupkupin ka. Dalawampung minuto lang, Rose pagkatapos no'n bumalik ka na sa loob. Kapag may lumapit sa iyo at hinawakan ka, hingan mo ng bayad, maliwanag?" Tumango ako, iyon man ay joke lang o hindi. Lumayo ito sa akin, naglakad habang tumatawa. Nanatili ako sa aking pwesto, matiyagang nakatayo. Hindi ko na mabilang kung ilang kalalakihan ang naakit at pumasok sa loob. Pagkatapos ng dalawampung minuto, bumalik na ako. Malalakas na sigawan ang maririnig. Nakakadiri man ang tanawin, sanay na ako sa nakikita. May tatlong babaeng sumasayaw sa unahan, sinasabayan ang indak ng makamundong tugtugin. Halos makita na ang lahat sa kanila ngunit iyon ay wala nang halaga dahil lahat ng taong nasa loob ay naririto dahil sa labis na pangangailangan. Kung kami ay kumakayod para magkapera, ang mga panauhin naman namin ay naririto para punan ang tawag ng kanilang laman. Ito ay trabaho kung saan pareho ay makikinabang. Labas na ro'n kung may masisira mang pamilya. Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong magbenta ng laman ay dahil lumaki ako ng walang kinagisnang mga magulang. Ayaw kong dumating ang punto na may hahablot na lang sa buhok ko o sasampalin ako, aakusahan na maninira ng pamilya. Para sa akin, iyon ang pinaka-nakakasuklam na kasalanan. Isinusuka ko na ang aking katawan dahil sa hindi mabilang na kamay na humipo sa aking katawan, kaya ayaw ko nang dagdagan pa ang pandidiring nadarama ko. "Rose, sa table 3 ito," wika ni Cris, ang barista. Dahan-dahan kong kinuha ang tray at maingat na naglakad patungo sa dapat kong puntahan. Dahil masyadong maiksi ang aking suot, limitado lamang ang aking galaw. "Ito na po ang order niyo," ani ko. "Salamat, Rose..." malanding tugon no'ng lalaki. Hindi ko pa man tuluyang nailalapag ang lahat nilang inumin, naramdaman ko na ang kamay nito sa aking hita pataas. Bago pa man niya maabot ang pakay umatras na ako't umalis. "Ayos ka lang ba? Namumutla ka na naman," tanong ni Cris. Tumango ako't humingi ng tubig sa kanya. "Iyan, saang table 'yan?" "Doon sa dulo," tugon nito. Isang baso lang ang inorder, masyadong kuripot. Huminga ako nang malalim, hindi pinansin ang malalagkit na titig ng mga manyakis. Pagkarating ko sa dulong lamesa, ibinaba ko na ang baso. "May nais pa po ba kay--" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko noong hawakan nito ang aking kamay. Inangat ko ang aking tingin, sinipat ang mukha no'ng lalaking nakasuot ng mamahaling damit. "Can I talk to you in a bit?" tanong nito. Hindi ko alam kung bakit, ngunit puno nang panggigigil ang kanyang tono. Niyakap ako ng takot, hindi ko man siya kilala, alam kong delikado siyang tao. "H-Hindi po maaari, may tr--", "Gano'n ba? Kakausapin ko ang Boss mo. Nasaan siya?" Eh? Bakit? May mali ba akong nagawa? Lumunok ako ng laway, tumayo na ito ngunit hindi pa rin binibitiwan ang aking kamay. "Hello, anong nangyayari rito? Bakit hawak mo ang kamay ng--wow! A-Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo, Sir Ivan?" Ivan?  "Kakausapin ko 'tong empleyado mo. May atraso siya sa akin." Nalaglag ang aking panga dahil hindi ko maintindihan ang sinabi nito. Anong atraso? Ngayon lang kami nagkitang dalawa! "W-Wala pong problema. Pero sa bar ko po kasi, ako ay may patakaran. Since, si Rose ay mahalagang empleyado, ayos lang po ba na hingan ko kayo ng bayad? Sampung libo para sa isang oras na pag-uusap," wika ni bossing. Hindi ako makapalag, hindi ako maaaring pumalag. Kailangan kong manahimik dahil parte ito ng aking trabaho. "Tss..." mahinang asik nito. May dinukot ito sa kanyang bulsa, cellphone iyon. Gamit ang isang kamay, nagawa niyang makatawag. "Hello? Maghanda ka ng cheque. Sampung libo, tapos pumunta ka rito ngayon din. Alam mo naman kung nasaan ako, hindi ba?" "M-Marami pong salamat, Sir Ivan. Mag-enjoy po kayo sa inyong pag-uusap. At paalala lang po, usap lang," pahabol nito bago ako tuluyang iwan sa kamay ng lalaking ito. Hinila niya ang aking kamay. Gusto ko mang pumalag, hindi ko magawa dahil tuluyan na akong nilamon ng takot. Akala ko lalabas kami, ngunit sa loob ng banyo kami nagtungo. Ni-lock niya ang pinto, hinarap ako't marahang idiniin sa pader. "A-Anong kasalanan ko? H-Hindi kita kilala!" matapang kong tanong. Hinawakan niya ang aking baba, hinipo ang nanginginig kong labi. "Hmmm? Mukhang hindi mo ako natatandaan. Gano'n pa man, wala akong pake. Ang mahalaga, nahuli na rin kita sa wakas...Rose." Pagkatapos niya iyong sabihin, sapilitan niyang inangkin ang aking bibig. Hinapit ang aking bewang nang hindi makalayo sa kanya. Ilayo ko man ang sarili sa kanya, ang lakas ko ay hindi uubra. Anong kahibangan ito? Sino ang baliw na ito?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD