Kung kukuha ako ng part time job na hapon na hanggang hatinggabi ang shift, maaapektuhan ang grades ko. Mahina ako sa puyatan. Nakaka-stress maging cashier sa fastfood chain. Rush hour pa man din ng mga oras na iyon. Ang dami na naming projects ngayon sa school.at nauubos ang oras ko doon sa gabi. Baka after work, hindi na ako makasagot ng assignments at hindi na magawa ng maayos ang projects ko. Affected din ang performance ko sa school. Mababa ang dugo ko mula pa nang bata ako.
Kung mag-work ako, malamang hindi na ako ga-graduate na magna cumlaude. Baka nga hindi na din kaya ang c*m laude. Basta ga-graduate na lang.
Pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ako makapag-focus sa pag-r-review. Ano ba ang trabaho na puwede sa akin? Iyong kaya ko pa ding gr-um-aduate as magna cumlaude, para makapasok ako sa aking dream job at dream company.
Niluto ko na muna iyong isang noodles habang nag-iisip ako. Sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip at gutom.
Maganda sanang magbusiness kaso, wala naman akong pampuhunan.
Inayos ko na muna ang aking damitan habang hinihintay na maluto iyong noodles. Ang hirap-hirap ng buhay kaya kailangan kong yumaman.
Hindi puwedeng tumanda at mamatay na mahirap pa din.
Nag-scroll ako sa f*******: baka may mahanap akong idea at posting ng mga trabaho.
Sakto namang may dumaan sa newsfeed ko na hiring.
Open daw sa mga estudyante na gustong kumita. Pupuntahan ko 'to bukas. Nag-message ako sa may-ari ng post at agad naman itong nag-reply. Bukas daw iyong interview. Sinabi ko na may pasok pa ako bukas kaya hindi ako makakapunta ng umaga. Puwede naman daw sa hapon at sa gabi.
Sana naman maayos to.
Kumain na ako at bumalik sa pag-r-review.
Naiiyak akong nahiga sa kama at iniisip ang sitwasyon ko. Ayaw ko namang tumigil sa pag-aaral dahil pangarap ko ang makapagtapos.
Nagdasal na lang ako at pinikit na ang aking mga mata para dalawin na ng antok. Kailangan ko ng lakas para sa panibagong pagsubok bukas.
Katatapos lang ng dalawang klase ko nang makita ko iyong grupo ng mga sosyaling mga babae.
Ganito din ba sila kagipit noon kaya sila napilitang pumasok sa trabaho na mayroon sila ngayon?
No, Lynnette. Don't even think about it. Baka masira lang ang buhay mo.
Napansin ata ng mga babae na nakatingin ako sa kanila. Tumingin silang tatlo sa akin. Ngumiti pa sila at bahagyang kumaway. Tipid lang naman akong ngumiti sa kanila. Nag-iwas ako ng tingin nang makita ko ang mga kaibigan ko na parating na. Bumili sila ng meryenda.
"Hindi ka kakain?" tanong nila sa akin. Thumbler lang ang dala ko. Ito lang ang afford ko ngayon, tubig na galing sa gripo.
"Hindi, e. Kumain ako ng almusal kanina. Napadami nga ang kain ko," pagsisinungaling ko. Kape lang ang almusal ko kanina. Mamayang gabi pa ako kakain.
"Ganon ba?" Nagsimula na silang kumain. Ang bango-bango ng kinakain nila. Nakakagutom. Nakakainggit. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho dahil baka sa susunod na araw, mamatay na ako sa gutom.
May dalawang klase pa kami. Pagkatapos n'on ay tutuloy na ako sa job interview. Ayos lang naman dahil kahit na school uniform ang suot ko.
"Lynette, sama ka sa amin? Tatambay kami kina Ronel."
Umiling ako sa mga kaibigan ko.
"Bibisita si Kuya, e. Kailangan ko ng umuwi."
"Ganoon ba? Sige. Sa susunod, sumama ka sa amin, ha."
Tumango na lang ako. Sa susunod magiging busy na ako sa work. Sana kayanin ko ang pagod at stress. Nakakapagod at nakaka-stress na nga ang school, madadagdagan pa ng trabaho.
Naglakad lang ako hanggang sa building na sinabi doon sa f*******: post. Parang gusto kong mag-back out nang tumama ang hula ko kung para saan 'to.
Networking!
Natapos na ang presentation. Tinapos ko lang talaga para makakain ako. Nangako kasi sila na may free food after ng presentation.
Isang fried chicken, rice at coke. Nasayang man ang tatlong oras ng buhay ko, may kapalit namang pagkain.
Ano ba namang buhay 'to, o.
"Nakapag-isip ka na ba, Lynette?" tanong sa akin ni coach Mike. Hindi ko siya gusto. Iba ang naba-vibes ko sa kaniya. Lakas maka-scammer ng dating niya at bukod doon, may iba pa. Para siyang mangangain ng tao. Kanina pa iba kung tumingin sa akin. Tinatanong pa kung may boyfriend na daw ba ako.
Gusto ko nga siyang murahin kanina nang dumating ako, e. Trabaho ang pinunta ko dito. Nangako siya na mabilis lang pumasok sa trabaho na ino-offer nila. Hindi naman 'to trabaho, e.
"Wala pa po akong pera, Kuya, e."
"Isanla mo na muna iyang phone mo," sabi niya na kinatanga ko. Is he serious? Kanina pa ako nagpipigil ng sarili. Baka kung ano ang magawa ko talaga sa kaniya.
"Hindi puwede, Kuya, e. Ito lang ang contact nina Auntie sa akin. Iyong nagpapaaral sa akin."
"Ganito na lang. Maghanap ka na lang ng kaibigan mo na makakapag-purchase. Atleast two para naman makapasok ka sa team ko."
"Sige po, Kuya," sabi ko na lang.
"Bukas, Kuya. Magdadala ako ng kaibigan ko. Business minded ang mga iyon, e." Syempre, eme-eme ko lang iyon. Akala niya siya lang ang magaling mang-scam. Na-scam ko siya ng Jollibee.
Nagpaalam na din ako, dahil maglalakad pa ako pauwi.
Alas-singko y media na ng hapon. Ano'ng oras na ako makakauwi nito.
Pumasok na muna ako sa mall para makainom ng tubig dahil bigla akong nauhaw.
Nagpunta ako ng food court. Pagkatapos ay pumasok ako sa supermarket. Wala lang. Magbabakasakali lang ako na baka nandito pa iyong mga nag-f-food sampling.
Nagningning ang mga mata ko nang makita ko sila.
Una akong pumila sa may corn rice. Tatlong klase ng sinaing na corn rice. Tinikman ko lahat.
Pumila din ako sa hotdog. Tapos sa cornbeef. Ayun, sakto may panulak. Pumila ako sa chocolate drink.
"Thank you," pasalamat ko bago tumalikod.
Hindi ako palamura, pero putang ina! Bakit nandito na naman siya?!
Nakahalukipkip ang lalake habang nakatingin sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha. Hindi ko malaman kung galit ba siya o ano.
Kinagat ko ang aking labi. Grabe! Ganda-ganda ko sana kaso nakita niya ako sa patay gutom era ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng panliliit sa aking sarili.
Lalagpasan ko na sana siya nang magsalita siya.
"Miss..."
Ah, baka hindi ako ang tinatawag niya.
"Miss..."
Naglakad ako. Mabagal. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawag kung sakaling ako man ang tinatawag niya.
Binagalan ko lang. Baka naawa siya sa akin at plano niyang mag-offer ng work sa akin?
Kaya?
Baka dito lang siya sa mall nag-w-work kasi lagi siyang nandito.
Baka nga.
"Miss..."
Doon na ako dahan-dahang lumingon sa kaniya.
Nakataas ang isa niyang kilay. Masungit. Napatingin ako sa kaniyang kamay nang makilala ko ang wallet na hawak niya.
Paanong napunta sa kaniya iyon?
"Nahulog mo ito noon," sabi niya. Lumapit ako para kunin ito sa kaniya. Ang laman lang ng wallet na iyon ay ang dalawang one US dollar at isang rosary.
Ni hindi ko man lang napansin na nawawala ito. Nawala na nga din sa isip ko na may two dollars pa pala ako. Ipapapalit ko ito para may pangkain.
"S-Salamat..."
Tumango lang siya. Hindi na nagsalita pa.
Bakit hindi niya sinabi sa akin kahapon na nasa kaniya pala ito? O kaya nang nagkabanggan kami sa kasal?
Nagkamot ako ng batok.
"Sige po, salamat." Hinihintay ko siyang magsalita ulit pero nanahimik na siya.
Gusto ko sanang tanungin ang kaniyang pangalan pero nahiya ako. Mukhang hindi siya palasalita.
Tumalikod na lang ako.
Paglabas ko ng mall, nakasalubong ko pa iyong tatlong bata kahapon.
"Ate, may pera ka na?"
Natawa ako. "Wala pa, e. Wala pa akong nahahanap na trabaho," sagot ko habang palinga-linga. Baka may naghahanap na restaurant ng part time dish washer. Night shift at free ang dinner.
"Akala ko nag-aaral ka?"
"Oo. Nag-aaral. Naghahanap ako ng part time na trabaho para may pambayad ako sa school."
Napapangiti ako. Nakakatawa na sa mga bata lang ako nakakapagsabi ng sitwasyon ko ngayon. Hindi ko magawang mag-drama sa mga kaibigan, sa mga magulang ko at kay Ate Jovelyn.
Lumapit iyong dalawang bata sa mga taong dumadaan.
"Kuya, penge pangkain,"
Nilingon ko sila. Halos mawalan ng kulay ang mukha ko nang makilala ko ang lalake.
"Magkano ba ang gusto niyo," sagot ng lalake. Tipid akong napangiti. Mukhang hindi siya madamot.
"Kahit pang-jollibee lang, Kuya."
Gusto kong matawa. Grabe, ha!
Tumili ang dalawang bata nang maglabas ang lalake ng limandaan.
"Yun! Hindi ka lang pogi, mabait ka pa, Kuya. Salamat!"
"Baka gamitin niyo iyan sa bisyo, ha."
"Hindi po, Kuya. Kakain talaga kami sa Jollibee. Kasama namin si Ate."
Tinuro ako. Nagsalubong ang tingin namin ng lalake. Hiyang-hiya naman ako kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin.
"Walang pera si Ate, e, kaya ililibre namin siya. Kawawa naman siya. Naghahanap siya ng trabaho para may pang-aral siya. Pero wala siyang mahanap."
Tsk! Tong mga batang 'to. Tsinismis pa ako. At sa lalakeng 'to pa talaga. Grabe. Lagi na lang kaming nagkikita sa mga awkward na pagkakataon.
Kanina nakita ako na kumakain sa mga sampling. Tapos ngayon, kasama ang mga batang namamalimos.
"Sige, Kuya, ha. Salamat, ha. Kakain na kami."
Hinila na ako ng mga bata. Hinawakan nila ang kamay ko.
"Tara na, Ate. Libre mo kami. Basta ikaw ang um-order ha. Hindi kami marunong at bawal din kasi kaming pumasok doon dahil madungis kami."
Habang naglalakad paalis, nilingon ko ang lalake. Nakatayo pa din siya doon. Nakatingin sa amin.