Chapter 6

1645 Words
"I'm not your girlfriend," umirap ako kay Damon. Natawa siyang muli at tumingin sa akin. "I know but I want to claim it now," nagkibit siya ng balikat. "Asa!" Hindi ko alam kung ilang beses na akong umiirap ngayong araw dahil sa kaniya. Kinuha ko ang fries sa likuran kung nasaan ang mga binili niyang pagkain. Kumain ako roon habang siya ay nanatiling nakangisi. "Hindi mo man lang ba ako aalukin?" Ngumuso siya habang nagda-drive. Akala naman niya cute siya sa ginawa niya? Inilahad ko sa kaniya ang fries para makakuha siya. Tinignan niya lang 'yon at nagtaas ng kilay sa akin. "Baka maaksidente tayo subuan mo nalang ako," ngumiti siya at ngumanga para masubuan ko siya. Oo nga pala at nagda-drive siya. Bakit ba napaka-daming kaartehan sa katawan ni Damon? Padabog akong kumuha ng isang fries at isinubo ko sa kaniya 'yon. "Thanks," ngumiti siya habang pinag-patuloy ang pagda-drive. Nang mapatingin ako sa kaniya ay nakangiti siyang ngumunguya roon. Feeling naman ng isang 'to! "Saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko dahil kanina pa kami sa byahe. Mag-iisang oras na yata kami sa daan. "Medyo malayo pa. Matulog ka muna kung gusto mo," tumingin siya sa akin at pinasadahan ang itsura ko. Napabuntong-hininga ako at tumango nalang. Inilapag kong muli ang fries at sumandal sa upuan. Ibinaba ko ang sandalan para makahiga ako ng maayos. Mamaya nalang ako gigising kapag naroon na kami sa sinasabing surprise ni Damon. Nakakaantok naman kasi talaga dahil ang aga kong nagising kanina at hindi ko maipag-kakaila na may hanggang ngayon ay may hang-over pa rin ako. Mas lalo pa akong inantok nang nagpa-tugtog ng music si Damon. Nagising na lang ako nang may maramdaman na tumatapik sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog pero magaan ang pakiramdam ko nang gumising ako. Agad kong kinapa ang labi ko nang dumilat ako baka kasi tumulo ang laway ko at asarin pa ako ni Damon! "We're here." Nakangiting sabi niya pagkatapos ay tinitigan ako. "Mas maganda ka kapag tulog." Seryoso niyang sabi at dahan-dahang ngumiti. Hindi ko alam kung puri ba 'yon o lait! Sinamaan ko siya ng tingin bago kinusot ang mga mata ko. Kung ano-ano na naman ang sinasabi nitong lalaking 'to. Kaya hindi ko rin masisisi ang mga babaeng patay na patay sa kaniya. Magaling siya sa mga mabubulaklak na salita. "Huwag ka ngang parang hilo, Damon." Pambabara ko sa kaniya. "Ang sungit mo kasi kapag gising." Tumawa siyang bahagya at pinisil ang ilong ko. Lumayo ako sa kaniya at hindi nalang siya pinansin. Tumingin na lang ako kung nasaan kami. Malawak na lupain ang nakita ko at puro damo ang paligid. May iilang puno at maliliit na parang bundok. Tinitignan ko palang ang view ay nare-relax na ako. "Wow," sabi ko at napatingin kay Damon. Ngayon ko lang kasi nakita ang lugar na ito. Tamang-tama pa ang mga binili ni Damon na pagkain dahil parang magpi-pick nick kami rito! Natawa si Damon nang makita niya ang reaksyon ko. Nauna na akong lumabas ng sasakyan at naamoy ko kaagad ang sariwang hangin. Medyo masakit sa balat ang init ng araw pero malamig naman ang simoy ng hangin. Siguro kung dito kami tatambay nila Amber lagi ay hindi ako mabo-boring. Narinig kong nagsara ang pintuan ng sasakyan ni Damon kaya napalingon ako sa kaniya. Dala niya ang bag niya at ang mga pagkain na binili niya kanina. Lumapit ako sa kaniya para matulungan siya roon. "Wag na ako na," pigil niya sa akin at pinakitang kaya naman niyang buhatin ang mga 'yon. Hinayaan ko siya sa gusto niya at dinama ang magandang tanawin. "Ngayon lang ako nakarating dito." Wala sa sarili kong sabi. Kinuha ko sa bulsa ang phone ko at kinuhanan ko ng picture ang view. Ipo-post ko mamaya sa IG ko dahil matagal na rin akong hindi nakapag-post doon. "Summer, smile." Narinig kong sabi ni Damon. Agad nag-click ang cellphone niya nang tumingin ako sa kaniya. Sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi man lang ako nakangiti. Humarang sa muka ko ang buhok ko nang humangin ng malakas. Inayos ko 'yon at sunod-sunod kong narinig ang pag-click ng cellphone ni Damon. "You're taking me a picture without my consent," umirap ako sa kaniya at nagsimula ng maglakad para makapunta sa isang puno kung saan malilim. "Okay. Pwede ba kitang kuhanan ng picture?" Tanong niya habang nakasunod sa akin. "No." Sagot ko sa kaniya. Natawa na lang siya at inunahan akong maglakad habang ako ay kumukuha pa rin ng mga picture. Inilapag niya ang mga pagkain namin sa isang malaking bato. Binuksan niya ang bag niya at naglabas siya roon ng blanket. Kaya pala nagdala ng bag! "This land is my parents property," nagkibit siya ng balikat at inilatag ang blanket doon. Umupo ako para matulungan siya dahil medyo mahangin at nagugulo ang inilalatag niya. "This is a nice place bakit hindi kayo rito nagtira?" Tanong ko. Kumuha siya ng bato para daganan ang blanket kaya ginaya ko siya. "I don't know, but I wanna leave here when I have my own family." Nagkibit siya ng balikat at pinag-patuloy ang ginagawa. "Wow may pangarap ka pala." I jokingly said. "Of course, sana nga ikaw yung kasama kong tumira rito." He smiled playfully. Hindi ko napigilang humalakhak dahil sa sinabi niya. Kumuha ako ng maliit na bato at inihagis sa kaniya 'yon. Habang tumatagal ay nagiging corny si Damon at hindi niya bagay 'yon. "Ang corny mo grabe," hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa. Umiwas siya at humalakhak din. Humiga ako sa blanket at tumingin sa itaas. Medyo nasilaw pa ako pero buti na lang ay natatakpan ng puno ang sinag ng araw. Nanatiling nakaupo si Damon at nang tunignan ko siya ay naka-tingin lang siya sa malawak na lupain na tila malalim ang iniisip. Kanina lang ay tawa siya ng tawa tapos ngayon seryoso naman na siya. "What are you thinking?" Curious kong tanong. Nagkibit siya ng balikat at tumingin sa akin. Nagpakawala rin siya ng malalim na hininga. "I'm just enjoying the view." Ngumiti siyang muli na minsan ko lang makita sa kaniya kapag nasa school kami. Akala ko ay aayos siya ng upo pero humiga rin siya sa tabi ko. Inilagay niya ang dalawang palad niya sa likod ng ulo niya. "Ilang babae na naidala mo rito?" Wala na naman sa sarili kong tanong. Wala naman akong alam eh kaya gusto ko lang itanong. Isa pa sigurado akong hindi lang isa o dalawang babae ang naidala niya rito. Gusto ko tuloy mapairap muli pero pinigilan ko nalang ang sarili na gawin 'yon. "I've never brought a girl here. Ikaw lang, Summer. Tumagilid siya at itinukod ang isang kamay para makaharap sa akin. "Hindi ako naniniwala." Sagot ko sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang puso ko dahil bumibilis ang t***k nito sa tuwing tinitignan niya ako. My god, Summer tigilan mo nga! "Kailan ka ba maniniwala sa akin?" Seryosong tanong niya. Halos kumalabog na naman ang puso kong taksil! Bakit ba ganito ang nararamdam ko kapag si Damon ang kasama ko? I've never felt this before kahit naging boyfriend ko si James noon. "You're a playboy, Damon. What do you expect from me?" I chuckled. Kilala ko siyang pinag-lalaruan ang mga babae kaya hindi ako basta-basta maniniwala sa kaniya. Bumangon siya at umupo ulit kaya napatingin ako sa kaniya. "Sila ang lumalapit sa akin hindi ako," tumingin din siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipag-titigan sa kaniya. Totoo naman ang sinasabi niya hindi naman talaga maipag-kakaila dahil nga gwapo siya kaya hinahabol-habol siya ng mga kababaihan. Saksi ako kung gaano karaming babae ang lumalapit sa kaniya at kung gaano rin karami ang babaeng napaiyak niya dahil pinapalitan niya agad kapag nag-sawa na. "Yes but you still entertained them," ngumiwi ako nang maalala ang mga araw na nakikita kong iba-iba ang kalandian niya sa isang araw. "Syempre, ayoko naman maging snob-" I cut him off. "Sus! Gusto mo lang talaga." I made face at him. Magdadahilan pa na ayaw maging snob pero ang totoo gusto niya naman talaga dahil paiba-iba ang natitikman niya. Tumayo ako at kinuha ang mga pagkain dahil kumalam ang sikmura ko. Hindi na mainit ang pagkain pero ayos lang naman sa akin iyon. Natawa siya sa sinabi ko at napailing nalang. "Hindi na mainit. Okay lang ba sayo 'to?" Tanong ko sa kaniya habang inaayos ang mga pagkain. "Yep! But before we eat let's take a picture first," kumindat siya sa akin at kinuha muli ang cellphone niya. Napanguso nalang ako sa kaartehan niya. Ang akala ko mag-dadasal kami bago kumain pero magpi-picture pala! "Ngumiti ka nga!" Saway niya sa akin. Umirap muna ako bago ngumiti nang itapat niya sa akin ang phone niya. Nag-peace sign ako at ngumiti ng nakalabas ang ngipin. "Tayo naman." Dumusog siya malapit sa akin at iniligay sa front camera ang phone niya. Humaharang ang buhok ko sa muka ko kaya inayos ko pa 'yon at inilagay sa likod ng tenga ko. Ngumiti si Damon sa camera kaya ganoon din ang ginawa ko. Hindi ko alam kung ilang beses pinindot ni Damon ang click-button at nag-wacky ako habang kumakagat sa burger. Tumawa ako nang matapos siyang kumuha ng picture. "Ang dami nyan ha!" Natatawa ko pa rin na sabi. "I wanna keep this memories," ngumiti siya. "Ang arte mo naman. Memories talaga?" Pambabara ko sa kaniya. Ngumuso siya at umiling sa akin habang tinitignan niya ang mga picture. "Ipapa-develop ko 'to, Summer. Bibigyan nalang kita," kumindat siya at biglang tumawa. "H-huh? Why?" Tanong ko habang kumakain. Ganyan ba talaga siya mambola sa mga babae niya? Hindi ko maintindihan si Damon pati na rin ang sarili ko dahil sa bawat banat niya kinikilig ako. "I already told you, Summer. I like you," aniya. Halos masamid ako roon kaya agad kong kinuha ang inumin at napainom nalang bigla. Mababaliw na yata ako sa mga sinasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD