Chapter 7

1545 Words
"Are you alright?" Nag-aalalang tanong ni Damon. "Yeah," I chuckled. Hindi ko na naman alam ang sasabihin ko dahil halos marinig ko na naman ang puso ko. I don't know if he really wants me to be fooled by him pero bakit naman niya ako dadalhin dito kung hindi siya seryoso Ayokong umasa na totoo ang mga ipinapakita niya sa akin. Ayoko rin masyadong ma-attach sa kaniya dahil alam kong mabilis mahulog ang loob ko at sa huli masasaktan lang ako. "Kuhanan din kita ng picture," ngumiti ako sa kaniya para maiba ang usapan namin. Dinampot ko ang cellphone ko at doon ko siya kinuhanan ng picture. Hindi siya nakangiti at seryoso lang siyang nakatingin na minsan mo lang makikita sa kaniya. Ilang pindot ang ginawa ko para makarami akong picture sa kaniya. "That's enough," tumawa siya at hinarang ang malapad niyang kamay pero kinuhan ko pa rin siya. "Nahihiya ka rin pala!" Tumawa ako at hinawi ko ang kamay niya para makuhanan ko siya ulit. "Of course!" Aniya at hinarang muli ang kamay. Hindi ko itinigil ang pag-click sa phone ko kahit ang iba ay blurred naroon. Nakakatuwang asarin siya dahil madalas siya ang nang-aasar sa akin. Ngayon lang ako makakabawi sa kaniya kaya susulitin kona. "Ah ganun ha!" Hinuli niya ang kamay ko at pinag-siklop ang mga 'yon. Tumawa siya nang nakita niyang nakuhanan ko 'yon ng picture. Ngayon ay tuwang-tuwa siya dahil siya naman ngayon ang nang-aasar. Naramdaman ko na naman ang taksil kong puso dahil sa bilis nitong pag-t***k. "Let me go," sumimangot ako sa kaniya. Kahit kailan talaga puro kalokohan ang alam ni Damon! Minsan lang maging seryoso at hindi pa iyon nag-tatagal ng limang minuto. Tapos na kaming kumain kaya niligpit ko ang mga pinag-kainan namin, tinulungan naman ako ni Damon sa mga 'yon kaya mabilis lang natapos. Itatanong ko sana kung anong oras kami uuwi pero biglang tumunog ang cellphone niya dahil sa tawag. Tumingin pa siya muna sa akin bago sagutin 'yon kaya tumango ako at sumenyas na sagutin niya muna yon. Siguro isa sa mga babae niya at sigurado akong hinahanap siya nito dahil kating-kati na siguro ang babaeng 'yon. Lumayo si Damon kaya hinayaan ko siya. Umayos ako ng upo at dinama ang ganda ng view sa lugar na ito. Sumabog ang buhok ko dahil sa malakas na hangin at bigla rin dumilim ang ulap dahil sa nagbabadyang ulan. Tumalikod ako para makita si Damon dahil lumalamig na ang simoy ng hangin. Nakita ko siyang ibinaba ang cellphone niya at nagmadaling maglakad papunta sa akin. "Let's go!" Nagmamadali niyang sabi kaya napatayo ako kaagad. Mabilis na bumuhos ang ulan kaya napatili ako. Pinulot niya ang blanket at ibinigay sa akin agad ko naman tinalukbong iyon at nag-madaling pumunta sa kotse niya. Medyo malayo ang sasakyan kaya useless din ang pagtalukbong ko dahil nabasa rin ako. "Careful!" Sigaw ni Damon nang muntik na akong madulas dahil sa putik. Hingal na hingal kami nang makapasok kami sa sasakyan niya. Basang-basa rin kami at halos lamigin ako kaagad. "Ah! Thank God, hindi nasira." Sabi niya pagkatapos tignan ang phone niya. Nabasa rin ang phone ko pero water-proof naman ito kaya kampante akong hindi masisira 'yon. Parehas lang naman kami ng phone ni Damon pero ewan ko ba at alalang-alala sa phone niya. Syempre nga naman baka tumawag na naman ang babae niya at kalungkutan niya kapag hindi niya nasagot 'yon. "Can you turn off the aircon? Gosh!" Nanginginig na sabi ko. Mabilis naman niyang in-off iyon. Wala akong kadala-dalang kahit ano at basang-basa pa ako! Halos manginig ang buong katawan ko sa lamig na nararamdaman. He started the engine kaya napatingin ako sa kaniya. "Where we are going? Don't tell me uuwi na tayo? Madulas ang daan, Damon." Sunod-sunod na sabi ko sa kaniya. Natawa siya at umiling. Basang-basa rin siya at sigurado akong nilalamig din siya. Kung mananatili kami rito at hintayin matapos ang ulan ay baka magka-sakit kaming dalawa pero natatakot akong umalis na kami ngayon dahil madulas ang daan. Ayokong mapahamak kaming dalawa. "We have rest house here, medyo malayo kung lalakarin natin," aniya. Tumango nalang ako at niyakap ang sarili dahil sa lamig na nararamdaman. Hindi ko alam kung ilang minuto siyang nag-drive pero wala pa akong nakikitang bahay ay huminto na ang sasakyan. Paakyat ang daan at makikita ang maputik at madulas na daan. "Hindi kaya ng sasakyan umakyat, maraming putik," aniya. "What we are going to do now?" Nagaalalang tanong ko. Hindi naman kami pwedeng mai-stock dito dahil sobra na ang panlalamig ko. "Susugod tayo sa ulan. Okay lang ba?" Tanong niya. Huminga ako ng malalim at tumango dahil nakikita kong nilalanig na rin siya. Baka rito pa kami mamatay! Nag-sisimula na akong mag-panic dahil nakakakita na ako ng maliliit na kidlat na gumuguhit sa ulap. Hindi pa lumabas si Damon at tila may hinahanap doon. Napabuntong-hininga ako nang makita kung ano ang hinanap niya. "Anong hinahanap mo?" Tanong ko sa kaniya. "Here," abot niya sa akin. Plastic 'yon at doon niya inilagay ang cellphone niya. Talagang ingat na ingat sa gamit niya! Inilagay ko na rin ang phone ko doon dahil baka masira. Nang lumabas siya ay lumabas na rin ako. Halos tumama sa muka ko ang ulan kaya napapikit ako. Nagulat ako nang nasa tabi kona si Damon. Hinawakan niya ang kamay ko. Magpo-protesta sana ako kaya lang ay hinayaan kona siya dahil hindi ko rin naman alam kung saan kami pupunta. Maputik ang daan at mabuti nalang naka-boots ako! Hinila ako ni Damon para makatakbo kami at mahigpit ang hawak niya sa kamay ko pero sabay kaming nadapa nang madulas siya sa putik. Hindi ko alam kung bakit ako humagalpak ng tawa basta ay masaya lang ako. "Lampa mo!" Sigaw ko sa kaniya habang nahihirapan kaming tumayo. Hingal na hingal kaming parehas at hindi na inisip ang malakas na ulan. Inalalayan ako ni Damon na tumayo at nagsimula ulit kaming tumakbo. "This is so fun!" Sigaw ko habang tumatawa. "Running under the rain with me?" Sabi niya sa kalagitnaan ng malakas na ulan. Humagalpak akong muli ng tawa dahil hanggang dito ba naman ay bumabanat pa rin siya!? Kahit kailan ay hindi ko naranasan ito. I've never experience this in my entire life, ang tumakbo sa ulan at magtampisaw sa putik. Sa hindi kalayuan ay may nakita na agad akong malaking bahay. Iyon siguro ang tinutukoy niyang rest house nila. Napatili ako nang biglang kumukog at kumidlat. Halos magtago ako kay Damon dahil sa takot! Natawa siya at mas inilapit niya ang katawan niya sa akin. Ngayon ko lang naramdamdan ang lamig nang makarating kami sa rest house nila. Malaki ito at mukang matagal ng hindi napupuntahan. "Damon!" Lumapit akong muli sa kaniya nang kumidlat ulit at kumulog. Mabilis niyang nabuksan ang pintuan, he opened the lights and I see the whole house. The house looks old, it has a wooden floor, wooden beams and milky white walls. High-ceiling at mayroon pang chandelier. Ang mga gamit ay nakatakip ng puting tela. Halos madumihan ang sahig dahil sa putik na dala namin ni Damon. Niyakap kong muli ang katawan ko dahil sa lamig. "Let's go upstairs, I have clothes there," hinila niya ako ulit. "Why are you always dragging me?" Masungit na tanong ko sa kaniya. "We should change our clothes, Summer. Baka magka-sakit ka," Aniya. Umirap nalang ako sa kaniya at sumunod. Halos bumakat nga ang bra ko dahil basa ang puti kong damit! Pinigilan ko ang sarili ko na kabahan dahil sa kulog at kidlat. Itinuon ko nalang ang mga mata sa kayarian ng bahay nila Damon. Gawa rin sa kahoy ang hagdan at nag-iwan kami ng bakas ng putik doon. Malaki ang bahay at may ilan akong nakitang pintuan na nasisiguro kong kwarto. Huminto kami sa isang kwarto. Binuksan iyon ni Damon at tumambad sa amin ang malaking kwarto at malaking kama. "Rest house lang ba talaga 'to?" Nagtatakang tanong ko dahil ganito rin kalaki ang Mansion namin! "I don't know," nagkibit siya ng balikat. Pagpasok sa kwarto ay may nakita agad akong paintings na nakasabit sa pader. Malaki ang kama at may bintana na hindi kalayuan doon, mayroon pang study table na halatang matagal ng hindi nagagamit. Pumasok siya sa isang pintuan, walk-in closet siguro 'yon. Sa katabi ng pintuan na 'yon ay may isa pang pinto roon, agad akong pumunta roon dahil alam kong bathroom iyon. "Pasok na ako ah?" Paalam ko kay Damon. Hindi pa siya nagsasalita ay pumasok na ako kaagad sa banyo. May bath-tub doon at shower kaya hinubad ko ang boots ko at nilinis ang mga putik na dumikit doon. Laking pasasalamat ko dahil may heater doon, makakatulong ito para hindi ako lalong lamigin. Kumpleto naman ang mga gamit doon, hindi ko alam kung ilang minuto akong naligo roon dahil nasarapan sa init ng tubig. Natapos lang ako nang kumatok si Damon para bigyan ako ng towel at damit. It is a plain over-sized t-shirt and new underwear? Tagalang ready si Damon para sa mga babae niyang idadala rito ha? Halos mag-init ang ulo ko sa hindi ko alam na dahilan. Padabog akong lumabas doon at naabutan ko si Damon na tapos na rin maligo. Muntik na talaga akong maniwala na ako lang ang babaeng dinala niya rito! Damn you, Damon!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD