"Anong muka 'yan?" Tanong niya nang makitang busangot ako paglabas ng banyo. "Tingin mo talaga maniniwala ako sayo na ako lang ang babaeng dinala mo rito?" Pagtataray ko sa kaniya. "Huh?" Tanong niya gamit ang mukang nag-tataka. Kung hindi siya ready para sa mga babae niya bakit may mga bagong undergarments dito sa bahay niya? "Ready ka talaga at may bagong underwear kapa rito!" Inis na sabi ko. Eh ano naman ngayon sayo Summer kung hindi lang ikaw ang dinala niyang babae rito? Bakit nga ba kasi ako naiinis Umayos siya ng upo sa higaan. Mahaba sa akin ang damit pero hindi pa rin ako kampante na wala akong short! "Ano bang sinasabi mo? Sa Mommy ko 'yan matagal na 'yan dito," Aniya. I just rolled my eyes at him, magsasalita pa sana ako kaya lang ay biglang gumuhit ang kidlat galing sa