Dumiretsyo ako kaagad sa Hotel room ko. Hindi pa ako nasisiyahan sa paliligo sa dagat kaya sa bathtub ako nagbabad. Naiinis ako kay Damon dahil wala naman talaga siyang karapatan na magselos sa mga lalaking nakakasama ko. Yes, we had s*x twice but it doesn't mean he has right to control me again because I can do whatever I want. Isa pa, wala naman talaga akong ginagawang hindi maganda kasama si Jacob. Isang oras akong nagbabad doon bago nagpasyang bumalik sa site. Hapon na 'yon at hindi ko na rin nakita si Jacob sa labas pati na rin si Damon. Abala ang mga tao roon kaya nagsuot ako ng protective hat. Tanaw ko hindi kalayuan si Damon na may kausap na trabahante habang tinitignan ang blueprint. Dumiretsyo ako kaagad ako roon at nang makita ako ay umalis kaagad ang kausap niya. Naglalagay