Padabog akong pumasok sa condo af agad kong tinanggal ang ponytail ko dahilan nang paglugay ng buhok ko. Hindi kami nag-uusap ni Damon kahit pa noong nasa elevator kami pabalik dito. Naiinis pa rin ako sa kaniya dahil wala namang ginagawang masama sa kaniya si Taylor pero pinahiya niya! Hanggang sa kusina ay padabog akong kumuha at uminom ng tubig doon. Nakasunod lang siya sa akin pero hindi nagsasalita. Iniwasan ko siya nang lumapit siya sa akin. Napairap ako nang talikuran siya at dumiretsyo ako sa kwarto para makaligo na. Hindi kami ni Damon para magselos siya, hindi niya ako pag-aari! At isa pa hindi naman ako nakipag-landian kay Taylor! Oo at nakuha niya ako, nanalo siya sa laro namin at hanggang ngayong sinasakyan ko siya kung ano man ang plano niya. Kahit marami siyang binitawang s