Maaga akong nagising kinabukasan, mahimbing ang tulog ni Damon habang nakayakap sa akin. Hindi nga rin yata nabago ang pwesto namin kagabi kung paano kami nakatulog. I can't believe that one day will come, the sun will rise and when I opened up my eyes, I'll see his face. Napangiti ako sa hindi ko alam na dahilan. Mahimbing pa rin ang tulog niya at tila parang inosente.Dahan-dahan akong bumangon para hindi siya magising pero bigla akong nasubsob sa dibdib niya nang hilahin niya ako. "Where are you going?" He said huskily. Gising na pala siya!? "Magluluto nagugutom na ako, e." Paalam ko sa kaniya. "Five minutes please," nakapikit niyang sabi. "Take your time, Damon pero babangon na ako." Pinilit kong kumawala sa kaniya. "Sshh. Ako na magluluto." Bulong niya. Hinigpitan niya ang hawa