Hindi ako kaagad nakaalis sa kinatatayuan ko habang tinatanaw si Damon pabalik sa loob ng Hospital. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na wala na ang Mommy niya at kahit hindi naging maganda ang tungo at ginawa niya sa akin noon ay hindi ko maiwasang malungkot para kay Damon. Bigla akong nahiya at na-guilty dahil pinag-bintangan ko pa 'yon. Napasalo nalang ako sa ulo ko dahil hindi kona alam ang gagawin ko. Napaangat lang ang tingin ko nang may dahan-dahan na pumalakpak sa likod ko kaya agad akong bumaling doon. I saw Kylie, wearing her black dress. Nakalugay ang buhok niya at nakangiti habang palapit sa akin. "Naniwala ka naman kay Damon?" Natatawang sabi niya at pinasadahan ako mula ulo hanggang paa. Wala akong oras para kay Kylie at ayokong stressin pa lalo ang saril