Summer Pagod akong napayuko nang malaman na kritikal si Daddy. Mabuti nalang ay wala namang nangyari kila Mommy at sa dalawa kong anak. Marami nga lang na putok ng bala ang tumama sa bahay kaya iniimbistigahan na ngayon. Muntikan lang atakihin muli si Mommy pero mabuti nalang ay naagapan agad 'yon. Wala pa rin nagsasabi kay Mommy kung ano ba talaga ang nangyari kay Daddy. Tito Bern and Tita Amanda is taking care of them, kasama sila Hunter at Hope. Kadadalaw lang dito ni Tito Bern kanina para tignan ang lagay ni Daddy at siya rin ang nag-aasikaso sa pag-iimbistiga. Tumakbo ako kaagad kay Klaus nang makita ko siya. Alam kong kauuwi lang niya galing Singapore at kita ko sa muka niya ang pagod pero pinilit niyang itago 'yon at ngumiti sa akin ng tipid. "Klaus," umiiyak na sabi ko sa kaniy