THERESA Para akong bilanggo habang nakaposas ang mga kamay namin ni Blake. Kahit nakikita niyang nahihirapan ako, hindi niya ito inalis, kaya gumamit ako ng banyo na kasama siya. Tiningnan ko siya ng masama nang isara ko ang zipper ng suot kong pantalon dahil nahihirapan akong gawin ito. Gusto sana niyang tulungan ako, pero hindi ako pumayag dahil naiinis ako sa kaniya. “Kailangan kong maligo, Blake,” nakasimangot na sabi ko sa kaniya, pero nalukot ang mukha ko dahil hindi siya sumagot at gumalaw lang ang kilay. Gumamit ako ng makapal na foundation at makeup para hindi ako makilala kanina nang pumunta kami sa presinto, kaya hindi ako maaaring matulog ng hindi naligo dahil siguradong mangangati ang aking mukha at baka magkaroon rin ako ng tagiyawat. “Ano ba, Blake! Pakawalan mo na ako

