THERESA Hindi ko inaasahan na darating ang tagpong tutulungan kami ni Blake sa pagpapanggap namin ni Agatha para makalapit kay Draven sa kulungan. Hindi siya pumayag na pumunta kami sa presinto ng mag-isa dahil alam niyang mapanganib para sa amin ang pumunta doon. Alam kong kaya namin itong gawin ni Agatha dahil pareho naman kaming fully trained para ipagtanggol ang aming mga sarili kapag dumating ang tagpong kailangan naming lumaban, pero hindi natahimik si Blake, kaya napilitan din kaming isama siya. Nakasuot kami ng uniporme ng pulis. Ako ang nagmaneho papunta sa presinto at si Blake ang nakaupo sa passenger seat dahil lehitimong pulis siya at alam niya kung paano kausapin ang alagad ng batas kapag nakita nila kami at hinarang sa daan. Sa backseat nakaupo si Agatha. Palihim akong s

