NAPANSIN ni Margareta ang mahayap na tingin sa kanya ni Zandro habang kasalo nila ito sa hapunan. Napansin din niya ang matalim na tingin nito kay Kenji. Hindi naman niya maiwasang huwag itong sipatin. Minsan pang nagtama ang mga paningin nila. Hanggang matapos na lamang silang kumain ay hindi niya ito narinig na nagsalita. Tumambay sa hardin si Margareta pagkatapos kumain. Kausap pa ni Gng. Josefa si Kenji at Renn kaya naghintay na lamang siya roon. Hindi rin niya alam kung anong oras sila makakauwi. Umupo siya sa bench na yari sa bato katapat lang ng swimming pool. Inalipin siya ng pagkainip kaya nagbasa siya ng ebook sa kanyang cellphone. Mamaya ay na-distract siya nang mapansin si Zandro na lumapit sa pool. Nakasuot lamang ito ng itim na boxer. Lumusong na ito sa tubig. Binalewala n