PAGKALIPAS ng isang buwan. Naging abala na sa trabaho niya si Margareta at kahit papano ay masaya siya lalo na at hindi naman siya pinapabayaan ni Kenji. Obvious na nanliligaw ito sa kanya pero hindi pa siya handang tanggapin ito. Ayaw niya itong paasahin kaya inamin niya rito na gusto lang muna niyang makipagkaibigan. Madali namang kausap ang binata. Gayunpaman ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Walang siyang maitapon sa effort ni Kenji. Napakabait nito. At dahil madalas din gamitin ni Zardum ang katawan nito ay buong-buo na ang tiwala niya sa binata. Madalas silang magkasalo sa tanghalian at hapunan. Hatid-sundo rin siya nito. Aminado siya na nakakalimutan niya si Zandro sa tuwing kasama niya si Kenji—kahit panandalian. Sa paglipas ng mga araw ay tila hindi lamang basta p