Alam kong nakainom ako at may tama na base na rin sa sumasakit na ulo at malabong paningin sa paligid nang sinubukan kong ibuka ang mga mata. Naaalala kong nagpadala ako ng alak kay Myca kanina at nagpakalasing. Hindi na ako bumalik pa sa party at nagkulong na lang. Alam ko rin na hindi na ako mag-isa pa sa kwartong kinaroroonan. Someone is here beside me and touching my face like I was made of a fragile glass. Sinasabi ng utak ko na bumangon at paalisin ang kung sinumang intruder na mapangahas at walang paalam na pumasok sa silid. Gusto kong imulat ang mga mata at ipagtabuyan ito pero hindi ko magawa. Pinipigilan ako ng isang parte ng utak ko na kumilos dahil gustung-gusto ko ang amoy nito. His scent never changed. He still smells like a baby. And it’s making me feel so safe and comfor