Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit kinaumagahan. Nasusuka rin ako patunay na marami-rami talaga ang nainom ko. Hindi ko na halos maalala ang lahat pero natatandaan ko pa ang paghingi ko ng alak kay Myca para lasingin ang sarili. After that is a series of images or dreams I don't know anymore. Basta ang alam ko lang ay medyo x-rated ang theme ng panaginip ko. Owen and I were having s*x. Until now nga ay naaalala ko pa ang mga detalye. Quite uncommon dahil sa tuwina ay nakakalimutan ko na agad ang panaginip kinabukasan. "s**t," bulong ko nang umikot na naman ang paligid dahil sa paggalaw ko. "Hindi na uli ako iinom. Wala na akong pakialam kung magmukha akong kaawa-awa sa paningin niya. She's someone I don't like so why would I be affected." Bumilang ako ng hanggang lima bago tuluyan nan