"Finally, you answered your phone. Pariah Montana, saan ka na naglulungga ngayon ha?! Bruha, halos saan-saan na kami nagpunta para lang makita ka! Where have you been, huy?! Ilang linggo ka nang hindi nagpapakita sa amin. Nagtaka na lang kami nang malaman naming nag-file ka ng leave of absence. Pariah, please. Okay ka lang ba? Where are you? Sabihin mo sa akin at susunduin na kita ngayon din." Inilibot ko ang paningin sa loob ng apartment at nagbuntunghininga. Nakakalat pa sa sahig ang mga bagahe at mga plastic bags na may tatak ng kilalang department store. "Myca, relax. Kababalik ko lang sa apartment ko ngayon. I'm all good. Nagpahinga lang ako saglit. Ang toxic na kasi ng working environment ko. Pinag-iisipan ko na nga kung mag-ku-quit na ako." "What? But why? Ilang taon mo ring pang