“Pariah, I think you better talk to him already. Ako na ang nag-aalala para sa inyong dalawa. Kahit hindi mo sabihin ay alam naming na nahihirapan at nasasaktan ka na rin. Stop living in the past. Talk to him so that you could settle this for the baby.” Nagbuntung-hiningang umalis ako sa pagsilip sa harap ng bintana kung saan nakikita ko si Owen na nakaupo sa hood ng kotse nito at naghihintay na labasin at kausapin ako. Magmula nang ipinagtapat ko sa kaniya ang lahat dalawang linggo na ang nakakaraan ay araw-araw na niya itong ginagawa. Umalis siya sa apartment ko pero bawat umaga at gabi ay hindi siya pumapalya sa pagpunta dito sa pagbabakasakaling kibuin ko na siya. Nasa labas lang ito palagi at ni hindi nagtatangkang pumasok. Iniiwan niya lang sa labas ng pinto ang dala nitong pagkain,