Life has its own ways. May mga gusto kang bagay na hindi ibinibigay sa iyo ng tadhana para ihanda ka sa mga magaganda pang mga pagkakataon na nakalaan sa iyo. I looked back on the year that had passed and I would have never thought in my wildest dreams that I would get this far. Ang daling sumuko noon. Ang daling sabihin na hindi mo na kaya because of the circumstances. But now, I thanked God for bringing me where I am now. It's only a week before our graduation day. Noong isang taon, hindi ako maniniwala kung sasabihin nilang makaka-graduate ako kasi puro pasang-awa lahat ng grades ko. Well, except for that one guy who told you exactly that you can make it. Ipinilig ko ang ulo. These days, mukhang napapadalas na naman ang pagsagi ni Owen sa isip ko. Siguro dahil isa siya sa mga unan