Chapter 8

1988 Words
I jolted out of my intense reading when I heard a sound of a car. I immediately turned off the pen light, put the bookmark on the last page I read, and stood up to look out the window. Sinipat ko ang wall clock. Ala una na ng madaling-araw. Sino kaya ito? Napabilis ang paglapit ko sa bintana. Malakas ang kutob ko na si Owen ang dumating. Kasabay ng awtomatikong ngiti sa labi ay ang excitement na pumuno sa puso ko. I can't wait to see him again. Dahan-dahan akong sumilip sa siwang ng bintana. Patay ang ilaw sa sala kaya hindi maaaninag ang anino ko mula sa labas. Nakita kong lumabas sa kotse si Owen. The light coming from the lamppost outside the compound casts a different glow at him. Akala ko didiretso na siya sa apartment niya kaya nagtaka ako nang lumigid ito sa kabilang panig ng kotse at binuksan ang pintuan. Lumabas ang isang seksing babae na nakasuot ng maikling red dress. Hindi ko masyadong makita ang mukha dahil natatakpan ng likod ni Owen. Inalalayan ni Owen ang babae na kumapit sa braso nito. He whispered something to her and then they both laughed. Huminto sila sa paglalakad sa tapat ng bahay ko at nagyakapan. Owen kissed the girl's head and whispered another word to her ear. Napahagikhik naman ang babae. Gusto ko nang mag-iwas ng tingin dahil nasasaktan na ako sa nakikita pero di ko magawa. The girl withdrew from his embrace and said something to him na ikinangiti ng lalaki. Tinitigan ko ang babae. Maganda. Iyong klase ng ganda na nakaka-insecure. Iyong maganda sa madilim kaya aasahan mong mas maganda rin sa liwanag ng araw. Nakalugay ang mahabang buhok nito hanggang bewang. Matangos na ilong, mapulang labi at mapupungay na matang bumagay sa maliit na mukha. The lady got that sultry look as they say. Babaeng-babae. Nakakatuksong babae. Kinabig ni Owen ang babae na ang mga kamay ay agad na pumulupot sa leeg ng lalaki. Owen kissed the girl on the lips. Sa puntong iyon ay nag-iwas na ako ng tingin. May expiration din pala ang pagiging masokista. Sa akin, ilang minuto lang ang itinagal. Bumalik ako sa kuwarto at nahiga. Tumitig sa kisame at paulit-ulit na pine-play ang eksena kanina. Playing it again to wake myself up from this crazy feeling. "Crush lang to. Crush lang naman e," bulong ko sa sarili. "Ganito ba talaga kasakit ang makita ang crush mo na may kahalikang iba? Bakit pa kasi ako nag-assume na wala siyang girlfriend? Sa guwapo ba naman nun imposibleng wala. Ayan tuloy, para akong tanga ngayon. Crush lang pero gusto kong umiyak sa sakit. Ew Pariah." Sinubukan kong matulog pero pagpikit ko pa lang ay naglaro agad sa isip ko ang nasaksihan ko kanina. Tumayo ako at nagpunta sa CR. Tumitig ako sa reflection sa salamin. "Ang pangit talaga. Ang pangit mo Pariah. Ang taba-taba mo rin." Lumabas na ako ng banyo at nagbalik sa silid. Susubukan ko uling matulog. Wala akong pakialam kahit naririnig ko pa ang harutan sa kabila. Wala. Wala akong pakialam. Goodbye crush na talaga to. Saklap. LATE na akong nagising kinabukasan. Pa'no ba naman, napaka-insensitive ng mga tao sa kabila. Gusto pa talagang ipagduldulan ang kaharutan. Nag-stay pa talaga sa labas para maglambingan. Hindi alintana na may nabubulabog na dito. Tuloy, hindi ako nagising ng madaling-araw sa sobrang puyat. Alas-singko na ako ng umaga nakatulog. Tinext ko na lang si Barbie na wag na akong sunduin dahil puyat ako. Sabado naman kaya walang pasok. Nagpunta na ako ng kusina para kumain. May nakahain ng pagkain sa mesa na tinabunan ng food cover. Inangat ko ito. Adobong manok at kalderetang baka. May sinangag din at scrambled egg. Napailing ako. I hate you father. Tinutukso talaga ako ng matandang iyon. Sabi ng wag niya akong tirhan ng mga ganito. Umupo ako sa mesa at nangalumbaba. "Konti lang talaga pramis. Sabaw lang ng kaldereta." Kumuha ako ng pinggan at nagsandok ng maliit na portion lang naman ng sinangag at sabaw ng kaldereta. "Lagyan natin kaunting laman. Kaunti lang." Nagsimula na akong kumain. Kuha ng kaunti, subo, lunok, ulit. Hindi ko namalayang ubos ko na ang kanin at napangalahati na ang adobo at kaldereta. Natutop ko ang bibig at inilayo ang plato. "My god Pariah! Ang takaw mo talaga! Self-control uy! Paano na iyan! Pano na ang mga pinaghirapan mo! Naku!" Kinutusan ko ang sarili. Tumakbo ako papasok sa kwarto diretso sa banyo. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Pupunta ako kay Sheki. Mahirap ng mag-isa. Nakakatukso! Palabas na sana ako ng pinto nang mahagip ko ng tingin ang mga tupperware na naka-stack. Sa ibabaw ng apat na lalagyan nandoon nakadikit ang mga sticky notes. Bumuntung-hininga ako at naglakad palapit sa kinalalagyan nito. "Oo na. Ibabalik ko na kayo." Kinuha ko sila at lumabas ng bahay para isauli kay Owen. Abot-abot ang kaba ko habang naglalakad. Gusto ko ulit siyang makita pero I'm sure the girl is also there. Nagdalawang-isip ako kung kakatok ba para ibigay sa kaniya ng personal o iiwan na lang sa labas ang mga ito. Tutal may thank you message naman sa papel. In the end, nanaig pa rin ang tawag ng kagandahang-asal. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay. Maya-maya pa ay may narinig akong yabag na papalapit sa pinto. And then the door opened. Namilog ang mga mata ko nang bumungad ang topless na si Owen. Unang naglanding ang mga mata ko sa lean body niya. May abs at may mockingjay na tattoo sa kaliwang dibdib. Tumaas ang tingin ko sa mukha. His hair in disheveled halatang kagagaling lang sa kama. May ilang strands pa ng buhok ang naligaw sa mukha. All in all, he's sexy. Plus add the fact that he is in his boxer shorts so I have been given a view of his morning wood. Kaygandang bungad sa aking umaga. "Pariah?" he asked in those husky bedroom voice. Doon na ako nag-iwas ng tingin. Umagang-umaga, nagpipiyesta ako sa katawan niyang worthy naman talagang pagpiyestahan. "Pariah?" ulit nito sa tanong. Nagtataka na marahil ito kung bakit kanina pa ako nakatunganga sa kaniya. Kumurap ako ng ilang beses at tumikhim. "Good morning, isosoli ko-" "Babe?" a female voice interrupted us. "Sino iyan?" sabi uli ng malamyos na tinig. Tumingin ako sa likod ni Owen at nakita ang babae na kalalabas lang mula sa isang pinto. Must have been Owen's room. Suot ng babae ang t-shirt ni Owen kagabi. At tama ako. Mas maganda ang babae ngayong mas maliwanag na. Ang puti at ang kinis tapos ang katawan, hanep sa ganda. Papasa nang model. Walang-wala ako sa kalingkingan. Ang unfair mg mundo. Kagigising lang ba talaga nito? Bakit parang galing lang sa isang photoshoot? "It's my neighbor Pariah," sagot ni Owen sa tinig na puno ng lambing. Tiningnan ako ng babae tapos ngumiti. Gosh, ang ganda! Ngumiti rin ako. "Come in the kitchen after. I'll cook your favorite breakfast," pahabol nito. "Sure babe. Keep the fire low okay? Kalilipat ko lang. Ayaw kong mapaalis na naman at makasuhan ng arson," biro ng binata. Narinig kong humalakhak ang babae. Nang bumalik sa akin ang atensiyon ni Owen, inabot ko na ang mga canisters sa kaniya. "Eto na iyong parte ko ng kasunduan natin. Nilagay ko na sa sticky notes ang review ko kasi baka makalimutan ko." Kinuha ni Owen ang canisters. "Salamat dito Pariah. It's a big help. You won't mind if I give you more dishes to taste, right?" "Of course not. Keep them coming." I smiled. "Sige Owen. Mauuna na ako. Salamat uli ha," paalam ko. "Okay. Thank you for this again." I nodded and turned my back. I can feel my heart breaking. Umiwas ka na Pariah habang maaga pa. You know where this is heading. You know you can never have him. Posible pala iyon? Posible palang mahulog ang loob mo sa isang taong ni hindi mo nakakausap ng isang oras, na natatanaw mo lang araw-araw at naririnig ang pagtugtog sa madaling-araw. Ibang-iba ang nararamdaman ko kay Owen at kay Jovin. With Jovin, it felt a little more like a shallow feeling. Sure, nasaktan ako sa sinabi niya because I like him as a guy but I easily kept him out of my system. With Owen, I feel like I've known him for years. Komportable ako sa presensiya niya kahit may kaunting consciousness pa rin lalo na pag nginingitian niya ako. But more than that, it's all good. I like him more than I liked Jovin. Or is it more than like? Am I developing deeper feelings for Owen? If I am, then I have more reasons to take a distance. I can't afford to fall for someone during this time especially to Owen who is already committed to someone else. HINDI AKO umuwi ng gabing iyon. Kina Sheki ako natulog. Sanay naman na ang pamilya nito na ora-orada kaming dumadating para tumambay sa bahay nila. Pangkaraniwan ng tanawin ang aming mga mukha sa kanilang tahanan. Magtataka pa nga ang mama at papa ni Sheki kung walang kabarkada ni Sheki ang madadatnan nila pag-uwi kinahapunan. Si papa na rin ang tumatanggap ng mga pagkain mula kay Owen. Sinusulat ko pa rin sa sticky notes ang mga komento ko hingggil sa pagkain pagkatapos ay ipinapakiusap ko kay papa na iabot kinabukasan. Alam naman niya ang usapan namin ni Owen. Sinasadya kong maagang umalis at maagang uuwi. In that way, walang dahilan para magpang-abot kaming dalawa. In my mind, siguro naman mawawala na si Owen sa aking sistema. Madalas ko na ring makita ang babae sa apartment ni Owen. Doon siya nagpapalipas ng gabi. Owen's music became different. He no longer plays sad melancholic melody. I can now hear vibrant songs of love. But I prefer his former choice of music. Mas masarap gawing lullaby. Mabisang pampaantok ang mga malulungkot na tugtugin. There is one instance na nagkasabay kami ng labas ni Owen. Nagulat ako dun. Akala ko mamayang tanghali pa siya aalis. Nginitian ko lang siya ng tipid matapos tumugon sa pagbati niya. I can sense that he wants to talk to me pero nakita sigurong nagmamadali ako kaya nginitian niya lang ako at sinabihang mag-ingat kasabay ng pagngiti. Kumabog na naman ang puso ko at parang may humalukay sa sikmura ko. Oh s**t, I'm in deep trouble. Naalarma ako sa naramdaman. It's so foreign and so strong that I got afraid. What I felt now cannot be compared to my feelings with Jovin back then. Ang petty pala noon kompara sa nararamdaman ko ngayon. And that's what makes me more scared than ever. Dapat putulin ko na 'to habang maaga pa. Wala naman tong magandang dulot sa akin. Hinayaan ko ang sarili ko noong una dahil crush crush lang naman. But this time it's different. Nasasaktan din naman ako sa pagtikis sa sarili. I want to see him, talk to him, and know more things about him but the rational part of my brain won't let me. It keeps reminding me of what happened with Jovin and then the scene changes and the part where Owen is kissing the girl appears. Gusto ko pang kilalanin si Owen. Hindi ko pa nga alam ni apelyido niya kaya di ko siya ma-stalk sa social media. Wala din akong ideya kung anong trabaho ng binata. He seems to be coming from an affluent family. Gusto ko siyang maging kaibigan pero ang malanding bahagi ng puso ko ay nauna nang magkagusto rito. Pasaway talaga. Dumaan ang ilang linggo at sumapit ang huling araw ng summer class. Sa awa ni Bathala nakapasa naman ako sa lahat ng classes. Sobrang saya ko pa noong pagbukas ko ng portal ay walang red marks na nakita. Finally, third year college na ako sa pasukan. Binigyan kami ng isang linggong pahinga ng university bago ang enrolment kaya may pagkakataon na namang gumala. Nagpasya kaming magkakaibigan na mag-overnight sa beach. Ako na ang nagplano ng lahat. I want to distract myself again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD