"Isa pa. Yung nakatalikod ako. Okay. Patingin. Uy, ang sosyal kong tingnan dito."
"Sosyal ka naman talaga. Tara na. Gutom na ako Myca!"
"Last na. Doon tayo sa may overlooking na part, may mga flowers don. Magandang background. Tara."
"Naman o! Puno na ang gallery ko ng mukha mo!"
Natatawa kong pinakinggan sina Myca at Xylca na nagbabangayan habang nakaupo sa inilatag na picnic mat sa damuhan ng Shrine Hills. It is a vast land on top of an elevated area where structures like churches are situated. During Holy Week, it is one of the favorite places of the pilgrims to go to.
We decided to take some time off from all the negativities of the world at saan pa ba magandang magpunta kundi sa mga ganitong lugar. The place offers comfort to weary hearts like ours.
"Tama na yang photoshoot niyo! Kumain na tayo!" sigaw ko sa kanila.
"Pabayaan mo na iyan sila. Tayo muna ang tsitsibog. Kanina pa ako naglalaway sa ginataang alimango ni Tita Celine." Ngumisi pa si Sheki sa akin at pinagkiskis ang dalawang kamay.
Pinigilan ko ang kamay niya nang bubuksan na nito ang lalagyan.
"Antayin natin sila para maayos ang pagkakahati. Patay ka kay Myca."
Umiling ito at inalis ang kamay ko. "Hindi iyon! Trust me."
"Sige na nga. Gutom na rin ako e."
Tiningnan ako ng masama ni Sheki. "Bawal kang kumain nito, Tabz. Alam mo bang masama to sa mga tulad mo? Naalala mo iyong kapitbahay namin na nag-amok noong nandoon ka sa bahay last week? Ayun, natigok kahapon! Nasobrahan kasi sa alimango tapos may highblood pala! Gusto mo yun?" pananakot nito.
"Sus, kunwari ka pa. Ayaw mo lang talaga akong bigyan dahil kulang pa sa inyo iyan. San mo ba nilalagay ang mga kinakain mo Sheki at di ka tumataba? Para ka lang walis tingting."
"It's in my genes. It's in my blood pero dahil talaga to sa unhealthy lifestyle ko. Undernourished nga ako according sa BMI."
Kumuha na lang ako ng dalang mansanas at kumagat. Sorry Lord pero wala talagang appeal sa'kin ang mga prutas. Naiinis na ako sa kanila dahil sila na lang ang constant companion ko sa umaga, tanghali at gabi. Minsan, napapanaginipan ko na sila.
"We are supposed to rest and relax. Dapat munang kalimutan ang stress sa buhay so may karapatan akong ituring na cheat day to." Napaisip ako. "Tama! I need to have at least one day off every week para gawin ang mga nakasanayan ko. Feeling ko kasi mababaliw na ako sa kaka-restrain ng sarili. Kinakausap ko na nga ang mga kaldero sa bahay."
Nilunok muna nito ang kinakain bago ako sinagot. "Cheat day, cheat day. No, I don't think it will work on you. Remember last year when you also decided to go on diet? After five months, bumigay ka kaagad nang nagpunta tayo sa isang handaan and you called it the same name, cheat day."
I reached for another apple and took a bite. "Oo nga no. Buti pinaalala mo sa'kin."
Nagpatuloy na kami sa pagkain. Wala nang nagtangka pang magsalita. Tahimik na iginala ko ang paningin sa paligid. Weekdays kaya iilan lang ang mga tao. Sabado at Linggo dumadagsa ang mga deboto para sa misang ginaganap.
Humahampas ang malamig na simoy na hangin sa amin. Maalinsangan ng kaunti dahil tag-init na pero nakakatulong na nasa lilim kami ng isa sa mga nagkalat na puno ng mangga sa lugar.
I lied down and stared at the clear blue sky above, the apple dangling from my mouth. Sheki is still busy scraping for crab meat. I can still hear Xylca and Myca bantering from a distance.
"Sana ganito na lang palagi ang buhay no? Walang iniisip. Chill lang. Kung may mga problema man, sana iyong madali lang solusyunan," sambit ko.
"Kaso wishful thinking lang iyan. In reality, ang hirap ng buhay lalo na sa ating nasa kasibulan pa kumbaga. Nasa gitna tayo ng dalawang nag-uumpugang bato. Pilit tayong tumatawid sa buhay ng mga adults from the sheltered life of being adolescents. What's even worse is not all of us will pass through. Ang iba nilamon ng mundo kaya nalunod na rin ang boses. Ang iba naman ay tuluyan nang sumuko. They throw the white towel and raise their hands in surrender. I wish I can be as courageous as them," wika nito sa mahinang boses.
Pinihit ko ang ulo para makita siya. Nakatulala na naman ito sa kawalan. Her body hunched and shoulders drooped. Hawak nito sa isang kamay ang paper plate pero wala sa pagkain ang atensiyon. She's in there again, trapped in her own deep thoughts.
Hinampas ko siya sa braso. "Gising Sheks. Di mo pa oras. Wait mo na lang kung kailan. We still have a life to live, dreams to chase, and places to go to. Life is short. Don't make it shorter."
Nagkibit-balikat ito at nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari. "I know. I know. I just can't help myself from thinking about it. So many buts and what ifs," mahinahon na nitong saad.
Inayos ko ang pagkakahiga at iniunan ang ulo sa magkasalikop na kamay. "Naiisip ko rin iyan palagi pero nakakabaliw pala. Overthinking and creating scenarios in my head drain me kaya iniiwasan ko na lang silang isipin. Ganun kasimple."
"Yeah, nandoon na tayo. But come to think of it, bakit ba natin pinapahirapan ang mga sarili natin? Why are we forcing things?" tanong nito. Her intelligent eyes twinkle in desperation.
"What do you mean?" nalilito kong tanong.
"Us, look at us now. Pinilipit mo ang sarili mong tapusin ang kursong hindi mo naman gusto for the sake of your father. Myca kept on saying she has moved on from her past but we all know she's lying. It's just her coping mechanism. All these years, the pain is still inside her hurting her every day and every night. And me, well, alam mo na." She sighed and played on the foods on her plate.
"Hindi naman siguro forcing. Mas trip kong gamitin ang term na changing. Sinunod ko ang gusto ni papa para patunayan sa sarili ko na kaya ko iyon. I want to go out of my comfort zone to prove myself, to challenge my weaknesses," pagtatanggol ko sa sarili.
"Are you really changing or are you only forcing yourself to believe that you are?" she pursued.
Natawa ako ng mapakla. "Ikaw Sheki tigilan mo ako sa mga pangsa-psycho mo ha. We are here to relax, forget about the outside world kahit pansamantala lang and have fun in our simple ways. Wag ka na munang masyadong mag-isip ng kung anu-ano diyan ha," saway ko sa kaniya.
"Ang ganda kaya ng panahon. Meditative. Perfect sa mga ganitong usapan."
Sasagutin ko sana si Sheki pero naudlot ng paglapit nina Myca. Looking at her, I remember the photo in my phone.
"Myca, may ipapakita ako sa'yo," sabi ko kaagad dito pagkaupo niya sa tabi ni Sheki.
Nagtaas siya ng tingin sa akin mula sa kinukutingting sa cellphone.
"Ano?"
Kinuha ko ang cellphone at binuksan ang gallery. I clicked on Jacques' photo and handed the phone to Myca.
Kunot ang noong kinuha niya ito at tiningnan. Nakiusyuso na rin sina Sheki at Xylca. I watched in awe as her face turned red to white in a matter of seconds. Awang ang labi sa kabiglaan, nagtaas ito ng tingin sa'kin.
"Where did you get this?" blangko ang mukhang tanong niya sa akin nang makahuma.
Naglaro ang pilyang ngiti sa aking labi. "Secret!"
"Di ako nakikipagbiruan Pariah. Saan mo to nakuha?" matigas na ang boses nito.
"Yiiieee. Curious siya!" buska ko pa.
"Bruha, dali na. Seryoso ako," sabi pa nito.
Lumabi ako at umiling. "Seryoso rin ako. Hindi ko sasabihin sa iyo. Pero madali din naman akong kausap. I'll tell you where did I get this photo and in exchange you will tell us what you are planning this time," I bargained.
"Nice! Deal na Myca!" si Xylca.
Si Sheki ay tahimik lang na nakatingin kay Myca.
Nagbuga muna ito ng hangin bago sumagot. "Ang kulit niyo talaga. Bakit ba gusto niyong malaman? It's only between me and him. Labas na kayo doon." Umingos ito.
"O edi labas ka na rin dito. Picture lang naman 'to ng ex mo kaya di na dapat big deal para sa'yo," ganti ko.
"Big deal pa iyan sa big deal. Bumalik na siya rito. It means I have to proceed with the plan."
"So ano nga iyong plan mo?" Xylca asked.
"Kaya nga. Nadulas ka na e. Pabitin ka masyado," gatong ko pa.
Nag-iwas ng tingin sa amin si Myca at makahulugang sinulyapan ang nakamasid lang na si Sheki.
"Sasabihin ko din sa inyo pero not now okay? Ang kulit!" pinal na saad niya.
"Basta sasabihin mo ha?" pangungulit ko pa.
Myca rolled her eyes. "Sabi nang oo! Ang kulit! Kumain na tayo, dami pang sinasabi." Ibinigay nito ang phone sakin na inagaw naman ni Xylca. Nagsimula na itong kumuha ng pagkain.
"In fairness sa ex mo Myca, ang hunk na! Malayung-malayo sa patpatin na Jacques sa picture sa wallet mo." Xylca zoomed in the picture. "Kamukha pa ata niya niya yung isang afam ko na juts at kasing-hot rin! Damn, look at those biceps! Girl, yummy o! Pustahan tayo, mas guwapo to sa personal. I wanna meet him. Tabz, sa'n mo ba to nakuha?" tanong ni Xylca sa'kin.
"Sa tabi-tabi lang."
Mas yummy kaya si Owen ko, sa isip-isip ko.
Speaking of Owen, I haven't seen him the past week. Ready pa naman na ang reviews ko. Naidikit ko na sa mga Tupperware ang sticky notes. Kulang na lang talaga ang pagbibigyan.
Kinaumagahan bago ako nagpunta kina Barbie para siya naman ang sunduin ko, hinanap ko muna ang kotse ni Owen kung naka-park ba sa garahe ng compound. Laking dismaya ko na sa halip na Lexus niya ang makita ko ay ang pampasaherong jeep ni Mang Juni ang nakapuwesto sa espasyo na laan para kay Owen.
Pag-uwi ko kinagabihan, una kong tinanaw ang garage. Wala pa rin ang kotse niya. Sunod kong tiningnan ang apartment. Patay pa rin ang ilaw sa loob palatandaan na wala pa rin ang may-ari.
Sa mahigit isang buwan ng pamamalagi ni Owen dito sa compound, unti-unti ko na siyang nakilala.
Una, hindi siya nagpapatay ng ilaw kahit matutulog na.
Maghahating-gabi na nun, nagpasya akong magpahangin sa labas matapos ang ilang oras na pag-aaral. Nagtaka ako dahil naka-on pa ang ilaw sa apartment ni Owen. I thought he is still awake. Pero paggising ko ng 4 am kinabukasan, bukas pa rin ang kaniyang ilaw. Tanging sa kaniya lang ang bukod-tanging maliwanag.
Pangalawang napansin ko sa kaniya ay ang hilig nito sa pagtugtog ng gitara.
I always hear him in the wee of the mornings strumming his guitar in a lonely tune. He's not singing. I haven't heard him sing a song.
Sa tuwing nagigising ako ng dis-oras ng gabi at hindi na makabalik sa pagtulog, nagpupunta ako sa may bintana upang pakinggan ang pagtugtog ng binata. His music soothes me.
Sasandal lang ako dun, ipipikit ang mata, at dadamhin ang kapayaang hatid ng musika niya.
My lonely nights become more tolerable thanks to him.
"Hmmm, may sinabi sa'kin si Barbie tungkol sa iyo." Ang bulong ni Xylca sa tenga ang nakapagpabalik sa kamalayan ko.
"Bluff pa Xylca. Loyal sa'kin si Barbie no kaya malabo 'yang sinasabi mo. Try harder girl."
Pinukol niya ako ng di-naniniwalang tingin pagkuway umisod palapit sakin.
"Sinabi niya na may something ka daw sa neighbor mo na hot," bulong nito.
Pinigilan ko ang mapatili. Kinagat ko ang dila. Pagkatapos ay tumango ako pigil na pigil pa rin ang kilig.
"Gwapo ba?" pabulong pa rin ang pagkakatanong.
"Sobra bruha. Artistahin. Ang bango tapos ang linis pa. Bet na bet ko day!" bulalas ko.
Lumingon sa amin sina Myca at Sheki, nagtatanong ang mga mata.
"Ano iyan? Pa-share!" lumapit sa amin si Myca.
"Share mo muna plan mo," sabi ko.
"Ay gaga. Wag muna kasi ngayon. Di pa ako ready. Baka i-judge niyo lang ako."
"Mas gaga ka. Di nga namin jinudge si Xylca sa mga pinagagawa niya. Sige na kasi," pilit ko pa sa kaniya.
"Ay, grabe ka fren." Humawak pa si Xylca sa dibdib at umarteng nasasaktan.
"Ikaw muna mauna magsabi. Ano iyong pinag-uusapan niyo ni Xycla kanina?" sabat ni Sheki.
"Eehh wag na," tanggi ko.
"Ang OA mo."
"Sige na."
"Dali na."
"Okay okay. Ganito kasi iyon..."
Nagsimula na akong magkuwento.