Chapter 6

1653 Words
Tama ba talaga tong ginagawa ko? Worth it ba? Ano bang makukuha kong validation kapag naabot ko na? Wait, do I need validation to prove why it's worth it? Umiling ako at nagpatuloy sa pag-indak. Pinili ko na lang ang mag-zumba kaysa gawin ang usual exercise routines dahil hindi pa kaya ng katawan ko ang gawin uli ang mga iyon. I woke up from sleep feeling so tired, sore, and swollen. And when it's like that, I have the habit of always questioning why I'm freakin' doing this when I could easily choose the easier road. Drop this hell of an exercise and go back to my happy gastrononomic life. But I'm not happy with my current status so there is no way I'm going back. Okay Pariah, keep on pushing! I smiled to myself and continued swaying my hips in a circular manner according to the instructor whose abs and toned body may just be the inspiration I'm looking for today. "One, two, one, two, three, four! Nannananana!" I shouted at the top of my lungs. My stereo is on full blast. I don't care if people outside may not be having half of it. I just want to move my big booty, swing my fatty hips and scream till my voice box runs down. "Yes! Yes!" I did the final choreograph and then passed out on the floor gasping for my dear oxygen. "You did it again Pariah!" I patted myself. "Good job girl! You burned yourself again! Wooho!" I said aloud. Bumangon ako at uminom ng tubig. I have a class later so I really need to prep up now. Nagpahinga muna ako ng kalahating oras bago naligo. Nagpaparamdam na naman ang aking masiba na tiyan pero dinedma ko lang. Hindi pa schedule kumain. I still have an hour prior to eat my breakfast which will only consist of one egg and banana. Ang walang katapusan na saging. After stepping out of the shower in a towel, I stand up before the mirror and inspected myself. "Parang wala namang nabago," sambit ko. Piniga ko ang mga braso at hita. As usual, di pa rin kasya sa loob ng dalawang kamay ko. The only difference and good thing I can see is the lesser number of pimples on my face. I read on an online article that sweating yourself out, well working out in particular, helps your skin. Sa tingin ko naman ay nagbubunga na ang mga ginagawa ko kaya laban lang talaga. Kumuha ako ng maluwang na shirt, jacket and pants at nagsimulang magbihis. I ditched my fitted shirts when I started my personal mission. Only now I realized na para akong suman sa mga suot ko dati. I put on moisturizer and sunblock on my face then dabbed a chapstick on my lips. I went out of the room to get my food. Pinack ko na dahil sa school na ako mag-aagahan. It's already 7 and I need be there before 8. Matapos ilagay sa bag ang tupperware ay tinungo ko na ang pinto only to be greeted by Mr. Vanishing Eyes. He's sporting the same look again. Sando with holes and jersey shorts. And of course, the smiling vanishing eyes is present. "Good morning Pariah!" he greeted me. His eyes on one line again. He's really cute. "Good morning," kimi kong bati. I blushed. I brushed aside some of the errant strands off my hair. Wag kasing harangan ang magandang tanawin. "Going to school?" tanong nito na nakatingin sa ID ko. Tumango ako. "Yes. Summer class." "Accountancy degree mo? That's a pretty good pick. You must be good at analysis and numbers." He smiled. "Hindi a. Sa katunayan bagsak ako sa major namin kaya nagsa-summer class ako." Napakamot ako sa ulo. "You can do it. Just be determined and persevere. Whatever you put your heart into, just make sure to put these things and you're good," payo nito. Na-touch ako sa sinabi niya and got inspired. Kailangan na kailangan ko kasi sa panahon ngayon ang mga sinabi niya. "Thank you," bukal sa loob kong pasasalamat. "Ah, if I may ask, what are you doing here?" "Ah," tumungo ito na animoy inaalala pa kung bakit siya andito. "I brought you these." Itinaas nito ang hawak na dalawang canisters. This time may mga takip na. "I hope hindi mo pa nakakalimutan when you agreed to me when I asked you if you can critique my recipes." He looked at me expectantly. "Oo naman. Di ko pa nakakalimutan iyon. Di rin naman kasi ako tumatanggi sa grasya lalo pa at libre." Ngumisi ako. An amused smile curved on his lips. "Good. Akala ko kasi tinakasan mo na ako," biro nito. "I haven't seen you the last two days. Inaabangan pa naman kita." Nagulat ako sa sinabi niya at natuwa na malamang he's looking for me though alam kong magkaiba naman ang aming dahilan. "Di mo talaga ako makikita kasi madaling-araw pa lang ay umaalis na ako to exercise. Sa bahay ng kaibigan din ako naglalagi pagkatapos ng klase ko. Kadalasan gabi na ako umuuwi. Palagi kasing overtime si papa. Ayoko namang palaging maglagi dito kasi nga ako lang mag-isa. Nakakaburyong lang," paliwanag ko. Tinitigan ako ni Owen. Parang may gusto siyang sabihin sa akin pero pinili na lang na hindi sabihin. "My door is always open for you in case you get bored here. I'm only one knock away," he offered. Namilog ang mga mata ko at may kasiyahang sumibol sa puso ko. "Talaga? Sige," pagpayag ko agad. Aba, grab na agad no. Pero ikinabigla ko ang pagtawa nito. "You're so innocent Pariah. Hindi dapat ganiyan ang reaction mo sa offer ko to think na bago mo pa lang akong kakilala." Lumabi ako. "Bakit? Masamang tao ka ba? Hindi naman siguro. Kilala ko si Tatay Paolo," tukoy ko sa may-ari ng compound. "Hindi iyon nagpapapasok ng taong kuwestiyonable ang pagkatao. I trust his judgment and my instinct na hindi ka ganung klase ng tao kaya pumayag ako." He chuckled. "Right, you have a point. But I still think you are too trusting." "Why? Is it a bad thing?" I asked. I'm kind of confused. He nodded. "It's actually a bad thing. With the kind of world we have, trusting a stranger is off the list." His expression turned serious. "But you're not a bad guy, are you?" Wala naman akong nase-sense na bad vibes sa kaniya. In fact, kaya ako pumayag sa alok niya ay dahil palagay ang loob ko sa kaniya. Ngumiti ito. "Well, I also trust Tatay Paolo's judgment." "Okay. I'm glad you are." Bumaling ako sa mga hawak niya. "Akina yan." Inabot ko ang mga pagkain. Ang isa ay salad again pero mas makulay kaysa dati habang ang isa naman ay meat in a thick sauce. "Don't worry. It's a substitute meat so it's healthier," agap agad na paliwanag ni Owen nang makitang nagtagal ang tingin ko sa pangalawang lalagyan. "Mukhang masarap." Bumuntung-hininga ako at nagbaba ng tingin. "Hindi ko tuloy alam kung magsisisi ako na tinanggap ko ang offer mo. Masisira diet ko nito." "Hoy naka-oo ka na Pariah! Wala nang bawian." Napahalakhak ako sa reaksiyon niya. Cute. "Joke lang. May mga kahati naman ako rito. Nakikita mo iyong mga nagkalat na pusa diyan? Sila ang magiging kahati ko rito." Napailing ito, the amusement is still evident. "Hayaan mo at lalagyan ko na rin ng cat food para sulit sa mga alaga mo. Pakikuha na rin ang feedback nila para ma-consider ko sa susunod na lulutuin ko." Maluwang na maluwang ang pagkakangiti nito. He looks so comfortable. Kampanteng-kampante makipag-usap sa akin na para bang matagal na kaming magkakilala. "Sure. Noted." Bumungisngis ako. Sa kinikilig na ako e! Tumingin ito sa relo ko. "I think you will be late. Kagagaling ko lang sa kanto kanina. Grabe ang traffic." Napatda ako at tiningnan ang oras. Napamura ako. "s**t! Ang daldal mo kasi." Itinaas nito ang kamay. "Uy, dinaldal mo rin ako." Dali-dali kong isinalansan sa loob ng bag ang mga pagkain. "Salamat dito ulit ha. Mamaya na lang ang reviews at iyong ibang mga tupperware mo!" Tumalikod na ako at nagsimulang tumakbo. "Hey eat it! Don't skip your lunch!" narinig ko pang sigaw niya. Kumaway lang ako sa kaniya at nag-thumbs up. Itinaas ko sa ulo ang hood ng jacket at binagtas ang daan tungo sa labasan. Mainit na ang sikat ng araw at nagsisimula nang magpawis ang kilikili at singit ko. Magkagayunman, kakatwang wala akong maramdaman na discomfort. Kahit na palagi akong nasasagi ng katabi ko sa jeep, nginingitian ko lang ang ale at balewalang titingin sa labas. Ang gaan-gaan ng feeling ko. Parang ang fresh ng hangin na binubuga ng tambutso. Kahit dinagdagan ni manong ng limang piso ang pamasahe sa tricycle papasok sa university ay okay lang. Ambag ko na lang sa kaniya iyon. Pagdating ko ng classroom ay wala pa ang prof kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-almusal. Itsa-pwera muna ang saging at itlog ko. Tinikman ko ang mga niluto ni Owen. Ang sarap! Kahit medyo hilaw para sa preference ko ang gulay sa sahog ng karne, masarap pa rin. Kumuha ako ng sticky note at isinulat ang review ko sa luto niya. Balak kong idikit sa tupperware kapag isinoli ko na. Buong araw na palagi akong nakangiti. Hindi ako nabad-trip kahit pasang-awa ako sa quiz. Itinatak ko na lang isip na at least pasado. Bandang alas-siyete na ako nakauwi. Pagpasok ko sa gate ng compound ay tinanaw ko agad ang apartment ni Owen. Walang ilaw. Walang tao. May lakad siguro. Nakaramdam ako ng panlulumo at bumagsak ang mga balikat. Excited pa naman akong ibigay sa kaniya ang mga tupperware. Sinusian ko ang pinto at binuksan. I switched on the light. Sumalubong sa akin ang napakatahimik na bahay. Walang ingay. Walang kahit isang tao na naghihintay. I sighed and sat on the sofa. Humiga na lang ako at niyakap ang unan. I'm alone again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD